The two basic components of happiness are contentment and lack of fear. But what is contentment? Contentment is often described as 'lack of desire', which is fine, but does that mean it's not possible to be happy if you have desires? Happiness is about contentment at every turn in life - content with the imperfections in life, content with your plans for the future and current activities, content with the desires you have and with the possibility that you may not fulfill all your current desires, content that life throws challenges, content that you gave it your best shot even if it didn’t work out, content that you will handle whatever life throws at you... This kind of contentment comes from a perspective, a realization, that there is a higher game in life beyond the daily ups and downs. Happiness is not an 'all-or-nothing' experience and neither is contentment.
Sa totoo lang nakakapagod nang magmahal. Akala ko noon kapag may nakilala ka tapos nag-click ang relasyon niyong dalawa, siya na yung hinahanap mo. Hindi rin pala. Darating talaga ang point na ma-rerealize mo na hindi siya yung taong para sa’yo. Maiisip mo na hindi ka na pala masaya. Tama ang tropa ko, sabi nila sa una o pangalawang araw pa lang ng pagkikita niyo mararamdaman mo na kung siya na nga yung hinahanap mo. May kung anong spark daw yun. Siguro kung sinunod ko lang ang gusto ko malamang hindi kami aabot sa ganito.
Nakilala ko si Brian. Siya ang nagbago ng malungkot kong mundo sa piling ni Michael. Nakilala ko siya sa text. May nagbigay daw ng number ko sa kanya. Dahil mabait naman akong katext mate inentertain ko siya. Isa hanggang tatlong araw na palitan ng mga messages, napagdesisyunan naming magmeet.
“May jowa ka noh?” tanong niya sa akin.
“meron… bakit ikaw wala?”
“meron din”
“eh bakit ginagawa mo ‘to?”
“Hindi na ako masaya eh…” sagot niya sabay nakaw ng halik.
Pareho kami ng reason ni Brian. Pareho kaming hindi na masaya sa mga boyfriend namin. Ganun ba talaga kapag hindi ka na masaya sa kapartner mo, maghahanap ka na ng iba? Titikim ka na ng ibang putahe? Siguro nga oo ang sagot. Ganun ang ginawa ko eh, at ganun din ang ginawa ni Brian. Parang compensating what is lacking ang banat. Pero mali pala. Maling-mali!
Dahil mabilis kaming main-love, ayun naging kami kaagad. Sa isang kurap nakalimot kami na may nagmamay-ari sa amin. Nagpanggap kami na kami ang para sa isa’t-isa. At umasang magiging maayos ang lahat. Basta ang mahalaga nandun ang spark.
Nagplano ako na makikipaghiwalay na ako kay Michael. Hindi ko na kayang patagalin pa’to. Kaya naman kahit mag-papasko nakipag-break ako sa kanya.
Michael;
This is to formally end up the relationship I, myself believed existing. Im sorry, hindi na talaga kaya... I just want to thank you for the efforts you have made for me. Wish you all the good things this Christmas and Have a Blessed new year. Goodbye.
Kenneth
Hindi kinaya ni Michael ang biglaang pakikipaghiwalay ko. Halos lumuhod siya sa akin at nagmakaawa para lang hindi ko siya iwan. Pero sapat na ang 2 taong paputol-putol naming relasyon. Kailangan nang wakasan dahil hindi naman maibabalik ng awa ang puwang.
Nangibabaw ang desisyon ko. Maging ang mga kaibigan ko walang nagawa. Pati si mommy na botong-boto kay Michael hindi rin pumalag. Kung tutuusin ang dalawa lang naman na iyon ang patuloy na umaalalay sa relasyon namin. Kung wala sila matagal na kaming naghiwalay.
Naging masaya ang pasko ko. Sa pagkakataong ito naging makasarili ako. Sino ba naman ang hindi nagnanais ng kaligayahan? Lahat tayo naghahangad nun.
Kinabukasan nagkita kami ni Brian. Excited akong ibalita sa kanya na wala na kami ni Michael. Alam kong matutuwa siya. Ngunit imbis na matuwa parang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
“Bakit mo ginawa ‘yun” tanong niya sa’kin.
“Bakit? Ayaw mo ba nun? Wala na kami…”
“nakakapressure naman ‘to oh…”
“Hindi naman kita pine-pressure ha? Hindi naman ako nagmamadali…”
“siyempre ganun na rin yun Ken, hindi madali makipaghiwalay sa part ko kasi 6 na taon yung pinagsamahan namin…”
Sa tono ng pananalita ni Brian alam ko na ang gusto niyang sabihin. Kailangan kong maghintay. Kukuha daw siya ng tamang timing. Kung kailan ang tamang timing? Yun ang hindi ko alam.
Bagong taon. Kasabay ng putukan, nagpakamatay si Michael. Nagbigti siya sa banyo nila pagsaapit ng alsa-dose ng hatinggabi. Iyon na siguro ang pinaka-nakakakilabot na yugto ng buhay ko.
Walang alam ang mga magulang ni Michael sa nakaraan namin kaya hindi nila ako nasisi. Sa mata ng mga kaibigan namin ramdam ko ang galit nila sa akin. Sa yakap ni Mommy naramdaman ko ang kalinga.
Isang linggo ang burol ni Michael. Isang linggo ring hindi nagparamdam si Brian. Kahit isang text wala.
Libing na ni Michael ng makareceive ako ng isang mensahe mula kay Brian:
Sori Ken, hnd ko xa kyang iwan… Mhl ko prin xa. Sori, ptwrin moko… tpucn n ntn ang khibangan na2…
Dalawang tao ang nawala sa akin nung mga oras na iyon. Yung isa nawala dahil sa kasakiman ko sa kaligayahan. Yung isa naman nawala dahil mas maligaya siya sa una.
Siguro ganun talaga ang buhay. Isa nga talagang kahibangan ang ginawa ko. Ngayon mahirap kalabanin ang sariling konsyensya. Laging nasa huli ang pagsisisi.
Minsan nakakalimot tayo na meron pa lang salitang “contentment”. Kaya iyon ang dapat nating pag-aralan.
Hanggang saan ba dapat sinusukat ang iyong sekswalidad?
ang pagpapatuloy...
"TATLONG PAGNANASA" (a love triangle) By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
ANG CLOSET QUEEN
Apatnaput apat na taon na akong namumuhay sa isang madilim na kabinet. "Closet Queen" na nga akong matatawag. Ngunit hindi ito naging sagabal sa aking trabaho bilang isang pulis. Oo, isa akong pulis. Sa katunayan, pinarangalan pa ako kamakailan sa pagiging huwaran, ehemplo ng katikasan. Hindi naman kasi ako halatang bakla. Hindi maaamoy ang pagiging dugong bandido. Kahit ang mga kauri ko ay hindi mababasa ang lihim sa likod ng aking baril. Kahit mga gay detector ay mapapahiya. Mas macho pa nga ako sa mga bouncer sa club na nakasex ko noon. Mas maton pa kasi ako sa mga gym instructor na pinagnanasahan ko. At mas siga pa ako sa mga kriminal sa kulungang minsa'y nahipuan ko na. Iba ako eh. Ibang-iba sa inaakala mo. Kakaibang pulis. Kakaiba dahil hindi ako isa sa mga kotong cops. Hindi rin ako kawangis ng mga pulis patola. Isa lang ako sa mangilan-ngilang pulis na may malansang pagkatao. Kabaklaang pilit itinatago. Ang lambot ay ikinukubli sa likod ng plantsadong uniporme at matitikas na saludo. Aking lihim na pilit itinago sa lipunang mapanukso.
Pangarap ni tatay ang magkaroon ng isang anak na pulis. Frustrated policeman kasi ito, dahil hindi niya nakamit ang inaasam niya noong panahon ng kopong-kopong. Isang malagim na aksidente kasi ang pumutol sa kanyang mga paa. Nagdulot ito ng walang humpay na depresyon at umaatikabong batas militar sa bahay. Sinapian siya bigla ng espiritu ni hitler. Pati ako, na kaisa-isang anak na lalaki sa 5 magkakapatid ay nadamay. Umukit sa aking gunita ang konkretong mga salita na madalas niyang sambiting parang orasyon: "Wala akong anak na binabae! Kaya ituwid mo ang sarili mo! Kung ayaw mo ibibitin kita patiwarik!"
Puno ng kapangyarihan at awtoridad ang bawat kataga. Anim na taong gulang pa lamang ako noon. Hindi pa marunong magjakol. Wala pang kamalayan. Ngunit alam ko na ang ibig sabihin nun. Kaya naman pinilit kong baguhin ang aking sarili. Ang napapalihis kong landas ay aking itinuwid. Ang lumelembot-lembot kong kamao ay aking pinatigas. Mas matigas pa sa kamay na bakal ni itay. Ang phobia sa ipis at daga ay napalitan ng takot kay tatay. Diniktahan ni hitler ang aking buhay at kinabukasan. Isang death march patungo sa aking nararamdaman. Pati buhay pagibig ay pinakialaman. Kaya naman nakabuntis ako kaagad ng hindi sinasadya at naging pulis ako kahit labag sa aking kalooban.
Limang araw naman pagkatapos ng aking graduation nadedo ang aking mapandiktang ama. Halatang inantay lang niya na makita ang kanyang unico hijo na umakyat sa entablado at magkaroon ng isang pamilya bago siya tuluyang lagutan ng hininga. Ilang buwan din kasi ang kalbaryo niya sa sakit na kanser sa lalamunan. Ito ang naging bunga ng kaadikan niya sa nicotine. Hindi ko alam kung magdadalamhati ba ako at magsusuot ng belong itim. Ngunit aminado ako na isang toneladang tinik ang nabunot sa aking pusong mamon na pagkatao. Im free at last!
Unti-unti akong lumabas sa aking closet. Parang isang suso na lumalabas ng dahan-dahan sa kanyang shell. Nakakahiya mang sabihin ngunit kung kailan nagkaroon na ako ng asawa't anak saka lang ako natutong lumandi sa aking kapwa. Mas dinaig ko pa ata ang mga putang bakla na pakalat-kalat sa kalye. Ang unipormeng ginagalang at kinatatakutan ay aking hinuhubad madiligan lamang ang nanunuyo kong lalamunan.Halos araw-araw puro tsupa at kantot na lang. Akala ko yung 2 iyon ang makapagpapakumpleto sa akin. Dapat pala 3. Kulang pa pala ng 1. Dapat pala ganito: Tsupa, kantot, at siyempre ang pinakakorning "pagmamahal" 3, tatlong makapagpapabloom ng tuluyan sa akin bilang isang bulaklak.
Pero bago ako humalimuyak, Let me answer the question people (mga bakla at pakialamerang kaibagan) always ask:
"Mahal mo ba ang asawa mo?"
Tinatanong pa ba yan? Siyempre, sa loob ng humigit kumulang 21 taong bahay-bahayan naming magasawa napamahal na siya sa akin. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Alam ko ramdam niya na hindi ko siya gaano pinapahalagahan. Madalas ko siyang masaktan emotionally and unintentionally. Hindi kasi ako mapagpanggap na tao eh. Kapag hindi ko feel, hindi talaga. Sabi nga sa nabasa kong libro: "a gentleman is one who never hurts anyone's feelings unintentionally" Sapul na sapol na kaagad ako dun. Para akong nilaglagan ng hollow blocks sa ulo. Siguro nga hindi ako gentleman kasi bakla ako. Kaya muntik ko na sunugin yung binabasa kong libro.
Pangalawa si Jaime (ang aking kaisa-isang anak) sa mga naging dahilan para maituwid ko ang pagkakamali ng nakaraan. Ayaw kong matulad siya sa akin noon na naging puppet ng isang diktador. Gusto kong gawin niya ang nais niyang gawin. Ang maging malaya. At maramdaman ang tunay na pagkatao na walang alinlangan sa sarili at sa iba. Yung tipong hindi huwad, at malayang nakakalipad. Alam kung nasaan ang kanyang kaluluwa at mga pangarap. Ayaw kong maging selfish. Kaya naman hinubog namin siya ni Norina ng naayon sa tama.
At ang pangatlo sa nagtransform ng aking talulot ay si Alvin. Dating bayarang lalaki si Alvin. Dati niya akong parokyano. Ngayon, binago na siya ng pagkakataon. At ang pagkakataon na iyon ay walang iba kundi ako. Isang nagmamagandang pulis na bumihag sa kanyang puso at tarugo. Kaya naman mas lumalim pa ang hindi inaasahang relasyon, mas malalim pa sa pag-deep throat ko sa kanya palagi.
Kung kagwapuhan ang paguusapan, title holder na 'tong si alvin ko. Mata pa lang ulam na. Kutis pa lang panalo na. Kulang na nga lang ay pakpak, at mukha na siyang anghel. 5'6" na ako pero mas mataas pa siya sa akin. At ang kargada? Tumataginting na pitong pulgada. On the spot jackpot talaga ako. At ang glorya palaging natatamo. Ngunit sa kabila ng magagandang katangian at nakakatigas titing itsura, hanggang ngayon hindi parin niya kilala ang kanyang sarili. Yugto niya ng identity crisis. Isang krisis na mas malala pa sa krisis sa bigas. Ayaw kong ipamulat sa kanya ang mundo ko. Ayaw kong maging dahilan ng paglaladlad niya balang araw. Mas mabuti pang siya na lang ang tumuklas.
Sa kanya ko nahanap ang ikatlong kulang. Siya lang ang tuluyang nagpabuka sa aking nalalantang gumamela. Si alvin lang--- ang aking lalaking kabit. Kaya naman lahat-lahat ay binigay ko mapaligaya lamang siya. Ini-enroll ko siya sa kaparehong pamantasang pinapasukan ni Jaime dahil alam ko na pangarap niya makatapos ng pagaaral. Pangako niya kasi iyon sa yumao niyang ina. Bukod doon, isa sa mga layunin ko ay para mapalapit siya sa anak ko. Magiging madali ang buhay pagibig naming dalawa kapag nangyari yun. Magiging bukas ang bahay sa kanya,bilang isang matalik na kaibigan ni Jaime, at bilang isang lihim kong asawa. Iniahon ko siya sa imoral niyang trabaho,kahit na batid ko na mas imoral pa ang aming relasyon. Wala akong pakialam. Live your own life. Masaya ako sa ginagawa ko. As long as na wala kang tinatapakang tao. Ngunit sa pagaakala kong wala akong tinatapakan, pero meron pala.
Isang unexpected na hapon ang naganap. Dumating si jaime sa bahay bitbit ang kanyang pasalubong sa akin, ang bago niyang bestfriend, ang aking boyfriend--- si Alvin.
"Alvin, ito si daddy... Dad, siya po si Alvin, classmate ko po."
Isang makahulugang ngiti lang ang sinukli naming pareho sa isa't-isa. Natuwa ako dahil close na sila ng anak ko. Mas madalas na kami magkikita. At mas malupit dahil dito pa sa loob ng aking tahanan. May konting kaba ngunit mas nangibabaw ang pananabik ko sa kanya. Isang makamundong pananabik. Libog na libog parin ako kay Alvin. Kahit 3 taon na ang aming relasyon, may boltahe paring gumuguhit sa aking burat sa tuwing makikita ko ang kanyang mapupulang labi. Ang labing aking pagmamay-ari.
Tuluyan na akong hindi nakapagpigil. Itinaon ko na wala si Jaime.
--- itutuloy
ang pagpapatuloy ng isang PULIS na maging kabilang sa...
TATLONG PAGNANASA (a love triangle) By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
Nabuksan muli ang ang pintuan ng kamunduhan. Samantalahin dapat ang pagkakataon hangga't walang tao sa tahanan. Kasabay ng pagbukas ng pintuan, hinatak ko siya mula sa kawalan.
"Halika puntahan natin ang kalangitan..." aking pinakawalan.
Isang paganyaya, na alam ko hindi niya matatanggihan. Tumayo na siya kaagad sa kanyang kinauupuan. Bigla na lang niya akong hinalikan. At muli pinaubaya ang kanyang katawan. Bawat halikan ay walang katapusan. Buong katawan niya ay aking hinagkan. Pinisil-pisil pati ang kanyang kalamnan. At muling sinamba ang anghel sa aking harapan. Tuluyan akong bumaba para siya ay luhuran. At dinakma ang kanyang pinakatagu-tagong kayamanan. Hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuhan. Kahit kaunting pagungol ay hindi mapapakinggan. Ngunit okey lang dahil ito na ang nakasanayan, sa loob ng ilang taong kasalanan. Ang mahalaga ay sa oras na ito akin ang kanyang harapan. Unti-unti na akong pinagpapawisan. Bawat patak ay init mula sa kaibuturan. Ito ay kasabay ng mabibilis na ayudang pinakakawalan. At mukhang nasa kalagitnaan na siya ng kasarapan. Kaya naman aking pagsuso ay dapat ko pang galingan. Dahil ito na ang ang susi sa kasarapan. Kasarapang patungo sa walang hanggan.
Bawat kalibugan ay may katapusan. Sunud-sunod siyang bumuga at tuluyang nilabasan. Hindi ako umalis sa dambanang luhuran, bagkus ako'y bumuwelo para tanggapin ang katas patungong lalamunan. At muli kami ay bumalik sa kinalalagyan, at patuloy na magkukubli sa isang kasinungalingan.
Hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan ko ililihim ang tunay kong pagkatao? Papaano kapag nabuko na ako? Mga tanong na paulit-ulit na gumugulo habang nagmamadali akong kumuha ng mouthwash para makapagmumog. Bakit ganun noh? Kapag wala na ang pagnanasa at libog matatauhan ka na at maaalala ang lahat ng dapat alalahanin...Sana puro libog na lang ang nararamdaman ko para hindi ko na maisip ang mga problema. Sa ngayon, saka ko na lang siguro iisipin. Basta ang mahalaga ay halos araw-araw kami nagkikita. Malaking puntos na yun para sa akin. Kahit hindi madalas ang sex, okey lang. Ang gusto ko lang ay nandiyan siya at alam ko na safe siya palagi. Malayo sa kung anumang panganib at tukso. Nakakabawas pa nga ng pagaalala dahil bestfriend niya ang anak ko. Kaya alam ko na nasa mabuti siyang kamay. Kapante na ako.
Pumasok na muli ako sa aking kwarto habang natanaw ko si Alvin na mukhang natutulog. Napagod siya siguro sa pinagagawa ko sa kanya kaya naman hinayaan ko na lang siya. Pumasok na ako sa silid namin ni Norina. Ini-rewind ko ang nakasalang na dvd sa kwarto. Sa sobrang kainitan ko kasi nakalimutan kong i-pause yun kanina . Inulit ko ang eksena kung saan kumakanta si Drew Barrymore ng: "wouldnt it be nice if we were older...blah...blah...blah..." Mahilig kasi ako manuod ng mga pelikula lalo na kapag love ang tema. Diyan lang mahahalata ang kabaklaan ko. Ang isang pulis na dapat mga action movies ang pinapanood ay mas pinagaaksayahan panoorin ang mga pelikulang may kinalaman sa puso. Siguro frustration ko lang talagang magmahal ng sobra-sobra. Kaya naman nang makilala ko si Alvin, pinangako ko sa sarili ko na ibubuhos ko talaga lahat ng nilalaman ng puso ko. Ang pagmamahal na hindi ko ibinigay sa tunay kong asawa. Kahit hindi ko nararamdaman na magka-level ang pagmamahal ni Alvin sa akin at ang binibigay ko sa kanya. Okey lang din yun. Basta nandiyan siya. Basta alam ko hindi niya ako iiwan. Dahil alam ko kailangan niya pa ako. At ako naman, mahal na mahal ko siya. Iyon na siguro ang ultimate na katangahan ko. Katangahan ni SPO1.
Nagising ako ng pagkatok sa aming kwarto. Nakaidlip pala ako habang tinatapos ang pelikulang 50 First Dates. Nagmamadali akong bumangon para buksan ang pinto. Si Jaime pala at ang mukha ay pinintahan ng pagaalala.
"Daddy, kunin ko lang po ang thermometer diyan po sa kwarto niyo..." pagpapaalam ni Jaime sa akin habang nagtuloy-tuloy pumasok sa kwarto.
May pagtataka ko siyang inusisa: "Bakit? May lagnat ka ba?"
"Wala po dad, si Alvin po kasi mukhang mataas ang lagnat. Tinatrangkaso yata pero pinainom ko na ng gamot."
Nawindang ako. Bigla akong nataranta habang tinutulangan kong maghanap ng thermometer si Jaime. Sa loob ng tatlong taong relasyon namin ngayon ko lang siyang makikitang magkasakit. Hindi ako masyadong nagpahalata. Cool na cool kong iniabot ang thermometer kay Jaime, at sabay kaming lumabas ng kwarto. Umupo ako sa sofa. Matatanaw kasi mula doon ang kwarto ni Jaime. Gusto kong makita ang kalagayan ng pinakamamahal ko. Gustuhin ko mang pumasok at arugain si Alvin, kaso hindi pupwede. Kaya hanggang tingin na lang ako. Nagbabantay mula sa malayo. Tumatanaw-tanaw at nagaalala. Mukhang kawawa. Nakita kong pinunasan ni Jaime ang kanyang bestfriend ng basang bimpo. Alagang-alaga talaga. Daig pa ni Alvin ang nagkaroon ng isang private nurse. Mula sa malayo, unti-unting nadurog ang puso ko. Kumalas-kalas.Parang pinupunit. Napakasakit. Gumuguhit sa puso ko ang bawat haplos ni Jaime kay Alvin ko. Ang mga haplos na kapag nagsesex lang nagaganap. Nakakaiyak. Ewan ko ba pero selos ang nararamdaman ko. Dapat bang naninibugho ako sa sarili kong anak? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Naghahalo ang selos,inggit,at sakit. Ang sakit-sakit dahil hindi ko man lang siya magawang alagaan sa panahong kailangan niya ako. Inggit dahil si Jaime ang kauna-unahang nakagawa sa kanya ng ganoon. At selos dahil gusto ko ako ang nasa lugar ng anak ko. Mas nangibabaw ang emosyonal na ako. Bakit naman kasi ganito? Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagkulong muli sa kwarto. At hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang ipaglaban ang tunay na ako. Hindi ko kayang ipakita na mahal na mahal ko si Alvin sa harap ng ibang tao. Hindi ko siya magawang alagaan. Hanggang dito lang siguro ang kaya ko. Ang magsinungaling, ang magpanggap, at ang magtago. Bukas, aantayin ko ang muling pagalis ni Jaime, at sasamantalahin ang 2 weeks seminar ni Norina sa Davao. Bukas akin uli si Alvin. Bukas... Puro bukas. Isang tahimik na paghagulgol ang aking ginawa, umaasang bukas wala na rin ang problema. At niyakap ko ang aking sariling mga tuhod sa kama.
---itutuloy
Hanggang saan ang paninindigan ng isang PULIS makabilang lamang sa...
TATLONG PAGNANASA (a love triangle) By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
"Edward, ayoko na..."
Nakakunot-noo ko sinagot si Alvin sa kanyang napakalabong tanong:
"Huh??? Ano!??"
"Sabi ko, ayaw ko na..."
"Anong ayaw mo na?!"
Nanginginig ko siyang nilinaw kasi mukhang nararamdaman ko na ang nais niyang pakahulugan.
Ramdam na ramdam ko na ang lamig sa pagitan naming dalawa. Simula nung nagkasakit siya ( 2 linggo na ang nakakalipas) ay bigla na lang siya nagbago. Isang pagbabagong hindi ko napaghandaan. Isang pagbabago na kung alam ko lang ay sana napigilan. Hindi parin talaga sa akin malinaw ang lahat. Naguguluhan parin ako kasi wala naman kaming problema. Oo, wala kaming problema, yun ang alam ko. Wala kaming dapat problemahin, yun din ang paniniwala ko. Pero meron pala. Masyado ako nagbulag-bulagan sa kung ano ang dapat isipin. Lagi kong isinasantabi ang "issue" na dapat ay hinaharap ko, o naming dalawa. Naging manhid ako. Walang pakialam. Sakim. Dahil ang alam ko nandiyan lang si Alvin at hindi niya ako iiwan.
"Ayaw kong lumala pa ang sitwasyon natin, Dward, habang maaga pa putulin na natin kung ano man ang namamagitan sa atin... Napakahirap ng kalagayan ko... Naaawa na ako kay Jaime. Alam mo naman yun diba? Hindi na kaya ng kunsyensiya ko...Minsan ko na pinaiyak ang anak mo, at tama na yun. Ayaw kong dumating ang araw na pati ikaw nasasaktan ko na. Kaya please Edward, please tama na. "
Tuluyan na akong nawala sa huwisyo. Sa loob ng 3 taong pagsasama namin ni Alvin, ngayon lang siya nakapagbitaw ng ganoong mga salita. Madalas, ako ang nakikipaghiwalay at siya ang makikita kong naghahabol. Ngunit ngayon, sa pagkakataong ito, mukhang ako na ang maghahabol para maisalba ang tagilid naming relasyon. Tinapatan ko ng mataas na boses ang mahinahon niyang tinig:
"Ahh! Ganun lang yun? Ha?!! Ganun lang Alvin?! Pagkatapos ng lahat-lahat?!!! Ganoon lang?!! Bullshit ka!!! Hindi ganun! Hindi!!! Hindi pupwede! Hindi ako papayag! Isipin mong maigi,sa loob ng 3 taon, tatlong taon Alvin! Tatlooong taooon!!! Sasayangin mo lang ng ganito?! hindi ako papayag... Hinding-hindi!"
Tumalbog ang mapapait kong mga salita sa 4 na sulok ng kwarto ni Jaime. Pinipigilan kong maiyak. Mas gusto kong mangibabaw ang galit ko. Dali-daling tumayo si Alvin sa kanyang kinauupuan at niyakap ako. Pati ang yakap niya iba na. Hindi na katulad ng dati. Hindi na kasing higpit ng dati. Hindi na mainit. Puno na ng lamig. Pero kahit ganoon, mabilis niyang napahupa ang nagpupumiglas kong puso. Alam niya talaga kung papaano niya paaamuhin ang nagwawalang hayop. At tuluyan ko nang hindi napigilan ang aking luha. Umiyak ako kasi, hindi na talaga siya tulad ng dati. Hindi na siya ang unang Alvin na nakilala ko. Muli ako nagsalita ngunit ngayon,mahinahon at nagmamakaawa:
"Alvin, puwede pang maayos ito. Puwede pa nating ayusin. Magtiwala ka sa akin. Magtatapat na ako sa pamilya ko. Please Alvin, nagmamakaawa ako. Ayusin natin to...please"
Nginitian lang ako ni Alvin at pinunasan niya ang umaagos na luha sa aking mata. Magsasalita pa sana ako pero pinugpog na niya ako ng halik... Isang kakaibang halik. Ngayon ko lang natikman. Unti-unting dumilim. Sunod-sunod na kulog din ang aking naririnig. Uulan siguro ng malakas. Habang kami naman ay maglalaro ng apoy. Apoy na nakakapaso ng puso't damdamin.
Inisa-isa ni Alvin ang aking kasuotan. Tumambad sa kanya ang hubad kong katawan. Alam ko pagdating sa sex wala siyang kaalaman,ngunit sa puntong ito mukhang marami siyang nalalaman. Sa kaunaunahang pagkakataon siya ay gumalaw. Hinawakan at sinubo aking kargada na mukhang uhaw na uhaw. Nakikita ko ang libog mula sa kanyang balintataw. Kaya naman hinayaan ko siyang gawin lahat ng inaasam. Halatang first-timer ang bata sa harapan. Pero matindi ang dulot nitong kasarapan. Sumabay siya sa indayog ng aking katawan. At ilang minuto lang ay ako'y nilabasan. Sa pagaakala kong tapos na ang palabas, bigla na lang kargada niya'y inilabas. Itinutok sa lagusan at maskip na butas. Hinawakan niya aking kamay upang walang takas. Umuulan na ng pagkalakas-lakas, at ang tarugo niya'y naipasok na sa wakas. At sinimulan ang pagindayog, paabante't paatras. Tumuwad na ako para hindi siya mahirapan. Kasi alam ko anumang oras, katas ay pakakawalan. Sa kauna-unahang pagkakataon inangkin niya aking likuran. Ang katumbas ay walang humpay na kaligayahan.
Dumagundong ang malakas na kulog. Kasabay nun biglang bumukas ang kwarto. Napahinto si Alvin sa kanyang mabilis na pagpapump. Nagtaka ako kaya naman nilingon ko siya. Nagulantang ako sa aking nakita. Si Jaime, nasa pintuan at huli kami sa aktong kahalayan!
SHIT!!!
Ilang segundo kaming nagulat. Hindi nakagalaw. Hindi alam ang gagawin. Mabilis na tumakbo si Jaime palabas. Kami ay nanatili sa loob ng silid. Hindi ko parin alam ang gagawin. Pati si Alvin windang parin.
Pagkatapos ng 1 oras na katahimikan ay tumigil na rin ang biglaang pagulan. Walang imik si Alvin na lumabas ng bahay. Tulala. Hindi makausap. Sinundan ko siya sa kanyang patutunguan. Dinala ang paa niya sa park ng aming subdivision. Mag-bestfriend nga talaga ang dalawa. Alam na alam ni Alvin kung saan pupuntahan ang kaibigan sa panahon ng kanyang kalungkutan. Tumuloy-tuloy si Alvin papasok ng playground. Nanatili ako sa aking puwesto. Hindi ako nagpakita. Hindi alam ni Alvin na sinundan ko siya. Mas pinili kong magtago sa likod ng puno ng acacia. Magtago. Magkubli. Diyan ako magaling. Diyan ako expert. Pagkalipas ng ilang minuto papalapit na si Alvin sa aking puwesto. Nagpakita na ako sa kanya. Umaasang ako naman ang kasunod niyang kakausapin. Ngunit nakatungo siya habang naglalakad. Ewan ko kung nakita niya ba ako o sadyang binale-wala na lang. At unti-unti na niya akong nilagpasan. Hindi na siya nagpaalam, at ako'y iniwan. Ang sakit! Ang sakit-sakit. Tagos-tagusan...Ito ang kapalit ng kaligayahan sa kama. At ngayon ako naman ay naiwang luhaan.
----------------------------------
NEXT:
TATLONG PAGNANASA 1 ( SI DENNIS TRILLO) CLICK HERE
Kasalanan bang piliin kung ano ang nararapat at tama?
TATLONG PAGNANASA (a love triangle) By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
SI DENNIS TRILLO
Binaybay ko ang kahabaan ng highway. Marami ang rumaragasang jeep, truck, at mga tricycle. Wala akong pera pamasahe. Kahit isang sentimo walang laman ang bulsa ko. Puro bigat ng kalooban ang bitbit ko. Kaya wala na ako pakialam kung mahagip man ako ng kung anung mga sasakyan sa daan. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Matapos ng lahat ng revelation na naganap sa pagitan namin ni Jaime at ng kanyang ama, hindi ko na alam ang aking gagawin. Kasalanan ko eh. Kasalanan ko talaga ang lahat. Kung sa simula pa lamang nagisip na ako, hindi na siguro mauuwi dito. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Marami akong nasaktan. Marami akong pinaasa. Marami ang lumuha. Nakasira ako ng isang pamilya. Nakasira ako ng 2 pagsasama. Pagsasama nilang mag-asawa at silang mag-ama. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging bunga ng lahat.
Simple lang naman ang pangarap ko eh. Gusto ko lang naman makatapos ng pagaaral. Gusto ko lang makapagtapos ng college kasi hindi kaya ni nanay na pagaralin ako sa kolehiyo. Nais ko lang siya matulungan kapag umasenso na ako. Dalawa na lang kasi kaming magkaramay kaya mahal na mahal ko ang nanay ko. Simula nung parang bula na nawala si tatay, ako na talaga ang kumayod para mabuhay kaming mag-ina. Lahat ng trabaho pinasok ko. Kahit ano basta yung kikita ako ng pera. At dahil bata pa ako nun, naging mailap at limitado ang trabaho sa akin. Sadyang napakahirap. Hanggang sa naisip kong ikalakal ang sarili kong pagkalalake. Sa tulong ng isang kaibigang beterano na sa pagkokolboy, hinulma niya ako para sikmurain ang hindi nakagisnang trabaho. Ang trabahong imoral sa mga mata ng mapanghusga. Trabahong magpapalamon sa aming magina. At magiging susi sa aking kinabukasan.
Sa loob ng dalawang buwan. Nasikmura ko na rin ang dating pinandidiriang trabaho. Wala naman akong choice. Mas malaki ang kita dito. Mas mabilis. At mas masaya at masarap. At dahil gwapo daw ako, marami akong parokyano. Biruin mo sa isang gabi puwede ka kumita ng 3 libo. Depende kung ilang customer ang makukuha mo. Bukod pa ang tip o dagdag bayad kapag natuwa sayo ang matrona o ang bakla. Kahit lupaypay at tuyot na ako, okey lang basta may mauuwing pera. Pera para kay inay.
Isang gabi habang nakatambay sa tapat ng isang mall, nakilala ko si Edward. Si Edward na nagmulat sa akin na hindi susi ang pagbebenta ng katawan para makaalis sa kahirapan.
--- itutuloy
"Alam ko naiintindihan ako ng Panginoon... Kahit ganito ako alam ko nauunawaan Niya ang laman ng puso ko..."
--- Alvin
ang pagpapatuloy ni Alvin na maging kabilang sa...
"TATLONG PAGNANASA" (a love triangle) By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
"Gumigimik ka ba?" tanong ng isang lalaking naka maong na jacket habang papalapit sa aking kinatatayuan.
"Oo naman... Magkano ba kaya mo?"
"Sige kahit magkano, Tara!"
Niyaya niya ako kung saan nakapark ang kanyang kulay blue na owner type jeep. Nung mga oras na yun, ewan ko ba kung bakit hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumunod na ako sa kanya at sumakay sa kanyang sasakyan. Tahimik lang ako, nakikiramdam. Sabi ko nga mukhang ang weird ng customer ko ngayon. Pero mukhang hindi naman siya harmful. Ang amo-amo nga ng mukha eh. Nung una kong nakita si Edward, naisip ko kaagad na may kamukha siya. Kaso hindi ko maalala kung sino.
45 minutes na kaming bumibiyahe, at napansin kong paikot-ikot lang kami. Kaya naman nagsalita na ako:
"malayo pa ba?"
Natawa siya sa tanong ko. Hindi siya sumagot. Pinisil niya lang yung pisngi ko. Inisip kong maigi yung tinanong ko. May nakakatawa ba dun? Wala naman ah. Abnormal yata ito eh. Hindi kaya masamang tao 'to at napagtripan ako? Hindi naman siguro. Kaya naman tumahimik na lang ulit ako. Pumarada kami sa tapat ng 7-11, sabi niya saglit lang daw may bibilin lang daw siya. Tumango lang ako. Medyo pikon pa rin ako sa inasal niya kanina. Hindi nakakatuwa. Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ko talaga siya pagtitiyagaan. Mahirap talaga kumita. Pagkalipas ng ilang minuto bumalik na siya sa sasakyan. Bumili siya ng mga beer in can, at mga pampulutang kutkutin. Tinuloy na niya ang pagda-drive. Road trip yata ang ginagawa namin. Sabi ko sa isip-isip ko, okey din ang trip nito ah. Parang hindi ko masasakyan. . Ilang minuto lang ay huminto kami sa isang lugar na hindi ko alam at hindi ko pa napupuntahan. Hanep sa ganda ng lugar. Panalo talaga! Kung ide-describe ko siya, napaka perfect iyon para pag-shootingan ng mga koreanovela na nauuso ngayon. Para kasing nakita ko na siya sa mga eksena ng Hwang Jini. Tanaw na tanaw ang lawak ng siyudad at ang mga bituin sa kalangitan. Parang tagaytay. In short, napakaromantic ng lugar. Angkop ang lugar na iyon para magtapat ng pagibig, o magpropose ng kasal, o magsex na rin. Basta napakaganda talaga. Kaya naman napawi ng magandang tanawin ang inis ko. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at naupo sa harapan nito. Inalok niya akong uminom, siyempre tumanggi kaagad ako. Hindi kasi ako umiinom eh. Mahina ang tolerance ko sa alcohol. Hindi ko pa nakakalahati ang bote, tumba na ako. Kaya naman nakakahiya lang kung magmamarunong ako. Natawa ulit siya. Sa muling pagtawa niya, biglang rumehistro sa akin kung sino ang kamukha niya na kanina ko pa iniisip. Kahawig niya yung pulis na gumanap sa "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros". Ganun kagwapo, ganun katikas. At ganun kaamo ang mukha. At bigla na lang din ako natawa. Halakhak na parang umalingawngaw na yata sa buong lugar. At ito na ang naging hudyat ng kanyang drama.
"Masaya ka ba?" tanong niya sa akin habang tinutungga ang beer.
Papilosopo ko siyang sinagot: "Ano 'to interview?"
Inaasahan ko ang muling pagtawa niya pero seryoso yata talaga siya. Mabigat ang dinadala ng taong 'to. Malalim. Kaya naman nagshift mood kaagad ako. Sinabayan ko siya sa agos ng drama-drama.
"joke lang...hmm, Ako? Masaya? Hmmm... Oo, pero hindi ganun kaganap." sagot ko sa kanya habang binubuksan ko ang chippy.
"Pano mo nasabing hindi ganap?"
"hindi ganap kasi, may mas hinahangad pa ako...gets mo?"
"pareho pala tayo..."sabay kurot ulit sa aking pisngi.
"Araay ha! Kanina ka pa ha."
"nacu-cutan lang ako sa'yo, kamukha mo kasi si dennis trillo..."
Hindi ko alam kung isa ba yung pamumuri o pambobola ng costumer para makadiscount. Kaya hindi ko siya masyado sineryoso. Habang nagkukwentuhan kami,nagulat ako sa aking natanaw sa langit. Kaya naman napabulalas ako:
" Uy! Falling star!"
Pinikit ko ang aking mata at dali-daling nagwish.
" sana makapagaral ako sa college..." bulong ko sa aking isip. Nung mga oras na yun, nakita ko ring pumikit si Edward. Siguro nagwish din siya. Lumipas na ang buong gabi at naubos na niya ang 6 na can,at naubos ko na rin ang mga junkfoods. Umikot lang ang usapan namin sa buhay, pangarap, pagibig, buhay, pananaw pangarap, at pagibig ulit. Puro ganoon lang. Nakakapagtakang walang sex o kamunduhan sa nabanggit. Sa totoo lang masarap kausap si Edward. Palibhasa matanda na kaya matured na magisip. Ayaw ko kasi sa mga taong late maturer. Yung tipong matanda na ang edad pero ang mga pananaw sa buhay ay baluktot at pambata parin. Yung tipong walang pagunlad pagdating sa emotional status niya sa buhay. Hindi kasi ako ganun. Sa murang edad namulat ako sa mga dapat kong kamulatan. Ayaw ko rin ng mga taong walang prinsipyo sa buhay. Yung mga tipong walang pangarap. Kaya naman matapos ko marinig ang mga kwento ni Edward bilang ama, pulis, at bilang asawa ay humanga talaga ako sa kanya. Magkahalintulad ang mga pananaw namin sa buhay kaya naman gumaan ang loob ko sa isang weird na estranghero. Si Edward ang kauna-unahang parokyano ko na hindi nakipagsex sa akin pagkatapos akong mapick-up. Kakaiba. Kausap lang pala ang hanap niya. Yung makakabagayan ng loob at masasabihan ng mga bigat sa dibdib. At simula nun, naging parte na siya ng buhay ko.
Lumipas ang ilang buwan at pinamulat niya sa akin ang dapat kong mapagtanto. Isang umaga nagising na lang ako at nakapagisip-isip na tumigil na ako sa pagbebenta ng katawan. Nagsimula na rin nagbago ang ikot ng mundo ko. Binago ko ang nakagisnan at naghanap ng isang marangal na trabaho. Lahat ng iyan ay dahil kay Edward. Siya ang dahilan ng aking pagbabago. Astig talaga! Kaya naman hindi nakakapagtakang nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Hindi man ako aminado palagi sa kanya, pero alam ko sapat na ang mga naipakita, naiparamdam at napatikim ko para malaman niyang mahal ko siya. Sapat na yun. Hindi na kailangan sabihin. Ang mahalaga nararamdaman niya. At alam ko, hindi naman siya naghahangad ng iba pa. Sapat na nung mga oras na iyon ang 2 taon naming relasyon,o kung ano mang tawag sa kung anung meron sa pagitan naming dalawa.
Isang offer ang inihain ni Edward na hindi ko inaasahan. Isang offer na hindi ko kayang tanggihan.
" diba, gusto mong makatapos? Ngayong june, kung okey lang sa'yo, ipapasok kita sa school kung saan papasok ang anak ko..."
Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya ng mahigpit, at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Syet! Salamat talaga Edward, salamat talaga!"
Grabe talaga ang kagalakang naramdaman ko. Akala ko kasi hanggang pangarap na lang para sa'kin ang makatuntong ng college. Hindi pala. Ngayon ko lang napagtanto na totoo pala ang mga falling star. May dala pala talaga silang pag-asa. Pagasa para sa mga nagwiwish sa kanila. Parang si Edward, pagasa ko para sa aking kinabukasan.
"Lord, thank you po talaga at ginawa Niyo siyang instrumento para makapagaral ako..."
Gabi-gabi kong dasal iyan ng pasasalamat kay God. Mahirap na, baka bawiin pa. At naging simula din iyon ng pagiging relihiyoso ko. Oh diba? Ang daming nagbago? Simula talaga nung dumating ang lover kong pulis naging matiwasay na ang buhay ko. At wala na akong hinahangad pa.
Ilang araw bago magpasukan, pinakita sa akin ni Edward ang picture ng kanyang anak---si Jaime. Ang litratong iyon ay mukhang kuha pa sa isang studio. Pang PBB teen housemate ang porma. At talaga namang hahangaan mo. Magaling pang magpose ng naaayon sa kanyang personalidad. Ngunit sa mata palang alam mo na ang kanyang pagkatao. "Gwapo pala si Jaime"sa isip-isip ko, talagang mana sa ama. Parang pinabatang version ni Edward. Mas gwapo pa nga ang anak niya kung tutuusin.
"Alvin, ito ang anak ko na kinukuwento ko sa'yo, Liberal Arts din ang kinukuha niyan kaya malaki ang posibilidad na maging magkaklase kayo."
Sa punto ng pananalita ni Edward, naunawaan ko na ang gusto niyang sabihin. Kailangan kong maging kaibigan si Jaime. Si Jaime na anak niya. Si Jaime na magiging daan para maging madali sa amin ang lahat. Lahat-lahat ng lihim at kasinungalingan.
Isang napakalakas na busina ang gumising sa natutulog kong ulirat.
"Tangina ka ha!!! Magpapasagasa ka ba?!"
Dinedma ko lang ang driver ng jeep, bagkus nagtuloy-tuloy ako upang tahakin ang patutunguan na hindi ko naman alam kung saan. Nung mga oras na iyon, wala akong pakialam. Wala akong emosyon. Wala akong pakiramdam. Malayo na pala ang nalalakad ko. Mahaba na rin pala ang mga kalsadang nadaanan ko. Kasing haba ng mga gunita ko kay Edward. Napakaraming ala-ala. Halo-halong aral at pangarap.
Pagkatapos ng halos isang oras na paglalakad ng wala sa sarili, natagpuan ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang simbahan. Magbabakasakali ako na dito ko mahahanap ang katahimikan. Umaasang dito ko mahahanap ang mga kasagutan para mapahupa ang bigat na nararamdaman. Lumuhod ako para magdasal. Mas pinili kong lumuhod sa semento upang ramdam ko ang tigas nito. Naalala ko si Jaime. Siya ang nagpatibay ng paniniwala at pananampalataya ko sa Maykapal. Pinamulat niya sa akin na Siya ang tunay na susi sa lahat. Sa panahon ng kasadlakan, asahan mong ibabangon ka Niya. Hindi ka Niya pababayaan at aakayin ka Niya patungo sa tama at nararapat. Basta't marunong kang magtiwala sa Kanya, hinding-hindi ka Niya bibiguin. Tuluyan na akong humagulgol sa pook-dalanginan.
"In God's perfect time, Alvin."iyan ang mga katagang sinabi ni Jaime nung mga panahong hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin ang pagkamatay ni nanay. Si Jaime ang dumamay sa akin sa panahon ng pagluluksa. Hindi niya talaga ako iniwan sa mortuary. Pinatunayan niya ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan na hindi ko pa nakikita sa iba.
Kung iisipin, napakadami ko ng utang kay Jaime. Simula sa mga pagtulong niya sa akin sa pagbuo ng mga term paper, pagaantay niya sa akin ng 2 oras kapag may lakad kami, panlilibre niya sa akin ng pamasahe, lunch, atbp, at kung anu-ano pang mga good deeds na hindi ko yata nasusuklian. Ganun kabait si Jaime. Kasing bait ng tatay niya. Kaya naman hindi ako nahirapang gawin siyang matalik kong kaibigan. Idol ko rin yan si Jaime pagdating sa academics at leadership. Kaya naman feeling ko minsan nahahawaan na niya ako ng katalinuhan. Ang dating Alvin na paeasy-easy lang sa pagaaral ay naging studious at laging nagsusunog ng kilay. Maganda talaga ang naging bunga nito kasi pumasok ako sa top 10 na may highest na grade sa Philosophy, Logic, at Retorika. Kaya naman pagdating ng final exam, exempted na ako.
Naging madali ang buhay kolehiyo kasama si Jaime. Smooth sailing. Walang problema. At masaya pa dahil madalas na kami magkita ni Edward sa tuwing dumadalaw ako sa bahay nilang mag-ama. Hanggang sa isang pagtatapat ang hindi ko talaga minsang inasahan.
"Alvin, isang sign lang naman ang hininingi ko kay Lord kung ipagpapatuloy ko ba ito o hindi. Pero binigay Niya ang hinihingi ko,..."
Hindi ako nagsasalita. Inantay kong tapusin niya ang mga nais niyang ibulgar. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang sinasabing:
"Alvin, mahal na mahal na kita... Mas malalim na definition ng pagmamahal. Kung alam mo lang noon pa. Sorry po, pero hindi ko na talaga mapigilan. Alam ko we're friends pero sana give me a chance to prove how much i care and love you, kahit saglit lang..."
Unti-unti nang naglapat ang aming mga labi. Ang bilis! Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin.
---itutuloy
ang pagpapatuloy ni ALVIN para kontrolin ang nabubuong...
"TATLONG PAGNANASA" (a love triangle) By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/ ANG KATAPUSAN
Hindi ko makalimutan ang halik ni Jaime. That kiss na parang pang fairytale, magical at parang may spark ng fireworks. Hindi ko maiwasang maikumpara ang halik ng mag-ama. Wala namang pinagkaiba. Like father, like son. Bigla akong naguluhan sa aking nararamdaman. Ang dating nanahimik kong damdamin ay biglang nawindang. Epekto ng pagtatapat at halik ni Jaime. Si Jaime na bestfriend ko. Si Jaime na anak ng lover ko. Masyadong magulo! Ayaw ko ng ganito. Kailangan kong ayusin ang gulo ng damdamin. Ayaw kong mauwi sa kung anong negatibong maibubunga nito sa amin. Hindi ko binalak na pag-agawan ng mag-ama kapag nagkataon. Kaya naman habang maaga pa nireject ko na ang nararamdaman ni Jaime. At pinaalala ko sa kanya at pilit ipinaunawa na kailangan naming i-consider ang aming friendship. Nakakapanghinayang naman kung masisira lang dahil dun. Gustuhin ko man sabihin sa kanya ang totoo na taken na ako, (at daddy niya ang bf ko) hindi pa rin pupwede sa kadahilanang mas magiging kumplikado ang lahat.
Gayunpaman, sinabi ko parin kay Edward ang aming sitwasyon (ngunit hindi yung kiss). Tulad ng palagi niyang gawain, natawa lang siya. Malamang hindi niya masyadong sineseryoso ang pagtatapat ni Jaime sa akin. Hindi siguro threat sa kanya ang anak niya. O baka naman talagang wala siyang pakialam sa mga ganung bagay dahil siguro kilala na niya ako, at kilala niya rin ang anak niya. Ang hirap talaga mainterpret ang tawa ni Edward. Hindi mo alam kung nanunuya ba o may nakakatawa nga talaga. Napakasarcastic kasi eh. Dun talaga ako minsan napipikon. Iniisip ko nalang na baka naman kabaliktaran iyon ng mga nararamdaman niya. Anyway, kung ano man ang nais niyang pakahulugan sa kanyang misteryosong tawa, wala na ako pakialam. Ang importante sinabi ko ang sitwasyon namin ni Jaime. Hindi ko man kinuwento ang buong nangyari, siguro tama lang yun. Sa pananaw ko, hindi mo naman dapat ikuwento lahat-lahat ng nangyari sa karelasyon mo for the sake of honesty at trust. Minsan kasi the more na nagiging honest tayo, the more natin silang nasasaktan. Kaya ang nangyayari, nagiging paranoid lang sila. Iniisip na lang nila yung pinagtapat mo na baka ulitin mo ulit. Diba mas malala kapag ganun ang nangyari? Kaya dapat pinipili lang ang dapat ikuwento. Napakalaki ang pagkakaiba ng "pagtataksil" at "white lies". Ang pagtataksil, nagsisinungaling ka kasi may ginagawa kang kabalastugan. Ang white lies, kailangan mo magsinungaling para sa ikabubuti ninyong dalawa at ng inyong relasyon. Nandun lang ako sa pangalawa. Para sa kabutihan naman naming 2 yun.
Madaling nakarecover si Jaime. Para ngang walang nangyari eh. Mas lalo pa kami naging close. Minsan nga nagdududa ako kung binasa niya ba talaga yung sulat na binigay ko. Kasi mukhang hindi siya apektado. Pero nang mahalata ko ang kaunting distansyang ginawa niya, dun lang ako nakasigurado. Hindi na siya kasing cariñoso kumpara dati. Wala naman nagbago pero feeling ko parang meron. Napakagaling talagang artista ni Jaime. Ang husay niya magsuot ng maskara. At unti-unti na naman ako naguluhan.
Madalas na ako matulog kina alvin. Siyempre katuparan iyon ng mga pangarap ni Edward. At saka si Jaime rin naman ang nagyayaya. Ngunit dun ako siyempre natutulog sa silid ni Jaime. Magkatabi kami palagi sa kama. Walang malisya. As in wala talaga. Kaya lang isang weird naman na panaginip ang palagi kong napapanaginipan kapag doon natutulog.
May isa daw gagamba ang madalas gumagapang sa aking katawan. Ang gagamba daw ay kasing laki ng aking mga palad. Gumagapang daw ito sa buo kong pagkalalaki. Binabaybay ang aking kasingit-singitan. Sinasaputan ang aking alaga. At hinahagod ang aking bolang kalamnan. Kakaiba ang mga paa nito dahil sa tuwing tatapak sa paborito niyang gapangan (ang akin ari) ay parang pumipisil-pisil pa ito. Nakakakiliti. Napakasarap!
Palagi ganyan ang panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit lagi ko siyang napapanaginipan kapag natutulog ako katabi si Jaime. Hindi ko talaga alam.
Isang gabi habang nakikipagkwentuhan kay Jaime, nakatulog ako ng hindi ko namamalayan sa kanyang mahiwagang kama. Dala na rin siguro ng pagod dahil galing ako sa seminar nun. Tulad ng palagi nangyayari, dinalaw ulit ako ng suking panaginip. Ang aking panaginip na pinamagatan kong : "Ang Gapang ng Gagamba."
Gapang. Pisil. Gapang Kapa Gapang Kamay ay isinalang, Hagod Pisil Hagod Likot Hagod Pisil Hagod Hanggang sa siya'y tuluyang mapagod.
Naalimpungatan ako. Nakaramdam kasi ako na parang may lumilikot sa akin. Hindi ako kaagad gumalaw. Hindi ko kaagad minulat ang aking mata. Basta ramdam ko na may kamay na nakapatong sa aking harapan. Hinayaan ko lang ang kamay. Nakiramdam ako kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Maya-maya lang ay tinanggal na niya ang kanyang kamay. Ang inaasahan kong magiging sukdulang pagkapa ay nawala. At diyan nagtapos ang gapang ng gagamba.
Malibog din pala si bestfriend. Pero bakit hindi niya tinuloy ang balak niya. Nagdalawang isip ba siya? Kinabahan? Ewan. Iniisip ko tuloy, papaano kung tinuloy niya ang nais niyang gawin? Madadala kaya ako sa eksena? Hindi ko rin alam eh. Masyado akong horny kapag sex na ang usapan. At kahit bestfriend ko pa yan o anak ni Edward kapag pinaginit ako wala na talagang kawala. Buti na nga lang walang nangyari. Kung hindi baka pagsisihan ko lang, at mas lalong lumala ang sitwasyon. Pero talagang tukso ang tadhana. Isang hapon habang inaantay si Jaime sa kanyang kwarto. Naisipan kong manood ng bold habang nagpaparaos. Ang tagal ko na rin kasi hindi nakakapanood ng triple x na pelikula kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon. Sa kasukdulan ng aking masturbation, biglang bumukas ang pinto at lumagapak si Jaime sa sahig. Shit! Kanina pa ba siyang nandun? Pinapanood niya pala ako! Tangina nakakahiya!
"Oi! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.
" eh ikaw? Anung ginagawa mo ha?"
Parang binalik niya lang din sa akin ang tinanong ko. Mukhang tanga talaga! Pagkatapos ng bukuhan, ayun! Pumuslit ng hindi ko namamalayan ang katas ko sa pader. At mas lalo pa akong napahiya sa sinabi ni Jaime.
"Hahahaha! Mga kalibugan mo Alvino ha?!!hahaha! Naughty ka talaga! Linisin mo yang pader ha? Baka mangamoy semilya tong kwarto. Hahaha!"
Nagnilay-nilay ako. Inisip ko kung paano kung may nangyari talaga sa amin? Paano kung sa puntong iyon ako na ang nagyaya? Puro paano. Walang kasiguraduhan. Buti na lang din at ganoon ang nangyari. At sa pangalawang pagkakataon muli naistorbo ang aking damdamin.
Sabi nila love is unpredictable. Kapag tinamaan ka niya wala siyang pipiliing tao, lugar, o panahon. Walang patawad. Babanggain ka talaga na parang isang rumaragasang bus sa kalye. Aminado man ako o hindi pero mukhang nainlove yata ako kay Jaime. Kahinaan ko kasi ang mapagarugang tao. Mas napagtanto ko na mahal ko na rin siya nung mga panahong inalagaan niya ako habang inaapoy ako ng lagnat. Biglang bumaligtad ang pananaw ko na hindi dapat mainlove sa isang kaibigan. Bumilis ang takbo ng oras. Maging ako talagang nagulat. Sinubukan kong payuhan ang sarili ngunit kontrolado ng aking puso si hypothalamus. Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi bara-bara kung magdesisyon. Gusto ko talagang pinagiisipan. Just give me 2 weeks to decide, sabi ko sa aking puso. Kaya naman 2 linggo rin akong hindi nagpakita sa dalawa. Kay Edward at kay Jaime.
Kung kailan nakapagdesisyon na ako saka pala huli na ang lahat. Napakasaklap! Tuluyan nang bumaha ng luha sa aking kinaluluhuran. Pinagmasdan ko si Kristo. Si Kristo na nagpapako sa krus upang sagipin tayo sa ating mga kasalanan. Si Hesus na ating Tagapagligtas. Nahihiya ako sa kanya. Napakarami kong kasalanan. Napakarami kong nasaktan.
"Lord God patawarin Niyo Po ako..."
Kasabay ng paghingi ko ng tawad. May kumalabit sa aking likuran. Nilingon ko ito upang tingnan kung sino ang nangalabit. Isang matandang babae na mukhang nagtitinda ng sampaguita. Nakangiti siya sa akin at iniaabot ang ang isang tali nito sa akin.
"Iho, kanina pa kita nakikitang humahagulgol diyan...ito baka gusto mo ng sampaguita?"
Bumunot ako sa bulsa ko ng pambayad. Naalala ko wala pala akong pera kahit singko.
"Manang, pasensya na po pero wala pala akong pera dito..."
"Hindi naman kita pagbabayarin, bigay ko sa iyo 'to."
Napangiti ako sa sinabi ng matanda, kaya naman tinanggap ko na rin ang libreng sampaguita.
"Basta iho, kung ano man ang problema mo, malulutas din yan. Sa tamang oras ng Panginoon..."
Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. Unti-unting humupa ang bigat sa aking dibdib. At huminto na rin ang walang humpay kong pagluha. Kasabay ng paghalimuyak ng sampaguita, naamoy ko na rin ang pagasa. At narealized ko, hindi pala ako nagiisa...
Lumipas ang isang taon at nagkaroon ako ng isang trabahong maipagmamalaki ko. Sapat na ang pagiging salesman para buhayin ang aking sarili at makipagipon na rin. Ngunit parang hindi pa rin sapat ang 1 taon para makalimutan ang nakaraan. The more na tumatakas ka dito, lalo ka niyang lalapitan.
Isang gabi habang papalabas sa mall kung saan ako nagtatrabaho nakita ko si Jaime. Pataas ako nun sa escalator at siya naman ay pababa. Parang pamilyar sa akin ang ganung eksena. Parang eksena sa pelikula ang nangyari. Nagtama ang aming mga mata at gulat na gulat sa muling pagkikita. Pagkalagpas namin sa isa't-isa, dali-dali ko siyang nilingon. Umasa akong lilingon din siya ngunit hindi na niya ako nilingunan pa. At napakasakit pa, bigla siyang umakbay sa lalaking nasa tabi niya na mukhang bf niya yata. Gusto ko sana siyang habulin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya naman hindi ko na siya hinabol pa. Para ano pa diba? Mapapahiya lang ako.
Para talagang nananadya ang tadhana. Pagkalipas ng 1 linggo si Edward naman ang nakita ko. Kasama niya si Tita Norina at nakaangkla 'to sa kanya. Hindi nila ako napansin kaya hindi na rin ako nagpakita pa. Napansin ko rin na masaya si Edward. At napangiti na lang din ako sa aking kinatatayuan.
Hindi ako dapat magalit kay daddy. Narealized ko na kahit ganun kasaklap ang nangyari, tatay ko parin siya. Si dad na katulad ko at tao lamang na natutukso at nagmamahal ng tunay. As a human being we commit mistakes. Mahina kasi tayo eh. But on the contrary, let these weaknesses be our reason to be strong and stardy. Ang pagiging isang "tao lamang" is not a ticket to commit sin but rather a challenge for us to prove how we can withstand great temptation. Dapat nga maging thankful pa ako kay dad, kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Alvin. Si Alvin na nagturo sa akin how to trust, forgive, and how to control fear and hatred to fill my heart. Lahat-lahat ng ito ay nagpatibay sa akin at nagpatalino emotionally and spiritually. Si God ang naging sandigan ko during my lowest-lows point of my life. Kahit hindi ako ganap na maligaya ngayon, I know that happiness is just around waiting me to discover them. Tayo naman kasi ang gumagawa ng ikaliligaya natin. We are the captain of our own ship. Kaya hindi dapat isisi ang failure sa ibang tao, sitwasyon, o maging sa pagkakataon, because life is what we make it. Kung hindi parin makita ang kaligayahan, siguro in God's perfect time dadating din yun. Basta marunong ka lang magantay. (",)
ANG CLOSET QUEEN (Si Edward, isang pulis)
Siguro nga pinaramdam lang sa akin ni Lord kung papaano magmahal ng tunay. Kung gaano kakumplikado magmahal ng kapwa mo lalaki. Sabi nga nila, hangga't hindi mo nararanasan ang isang bagay hindi mo maiintindihan ang lahat. Nakakahiyang isipin na kung kailan ako tumuntong ng early 40's saka ko lang natutunan ang mga dapat ko matutunan at pahalagahan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Kahit na sinuko ko ang isang kaligayahang hindi ko na matatagpuan kahit kanino, alam ko naman na mas umaapaw na kaligayahan ang kapalit nito sa piling ng pamilya ko. Handa ako magbago para sa aking asawa at kay Jaime. Penitensya ko ito sa lahat-lahat ng kasalanang nagawa ko. Akala kasi natin once na nakaramdam tayo ng kakaiba ay yun na yon. Sa sobrang excitement, hindi na tayo nagiisip kung ano ang maidudulot nito sa atin. Minsan nga nagiging manhid tayo sa paligid natin not knowing na marami na pala tayong nasasaktan at natatapakan. Nagiging makasarili tayo, to the point na wala na tayo pinapakinggan at sariling nararamdaman na lang ang iniisip. Hindi man lang natin iniisip kung papaano at ano ang nararamdaman ng iba. Ganoon daw ang negatibong kapangyarihan ng pagibig. Kaya naman I have to let go. Major decision ang ginawa ko. Ayaw ko na may 2 tao akong sabay na pinapaluha. Hindi kakayanin ng kunsiyensiya ko. Kahit ako na lang ang umiyak at maging malungkot habang buhay, wag lang sila. Because true love is not selfish.
SI DENNIS TRILLO (Si Alvin)
Minsan si God din ang nagbibigay ng kasagutan sa binibigay Niyang problema. Alam ko naiintindihan tayo ng Panginoon... Kahit ganito tayo alam ko nauunawaan Niya ang laman ng puso natin. Tulad ng nangyari sa akin, pinakita Niya na sa kabila ng lahat may dahilan para magbago at piliin ang nararapat at tama. Hindi dapat ino-over-complicate ang mga bagay-bagay. Simple lang naman ang buhay eh. Kailangan marunong lang tayo lumingon sa mga natutunan nating aral ng nakaraan. Dahil sila ang tunay na susi ng ating tagumpay sa kinabukasan. Si Jaime at Edward, ang dalawang taong naging parte ng puso't kaluluwa ko. At mananatili silang parte sa libro ng aking ala-ala. Naging masaklap man ang ending ng kabanata ko, alam ko hindi pa natatapos ang buhay para ako ay muling lumigaya at magmahal muli ng tunay.
ANG MARTIR (Si Norina, ang asawa)
Sa kabila ng lahat-lahat, tinanggap ko kung ano siya. Pinatawad ko lahat ng kasalanan niya. At mas lalo ko pa siyang minahal. Ganoon ang tunay na pagibig. Kahit na alam ko na hindi niya ako mahal, okey lang at least napatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko. At sa bandang huli, alam ko wala akong pagsisisi.
----------------------------------
Si Jaime ay nanalo sa pagkapresidente sa kanilang Supreme Student Council. Simula nun, itinuon na niya ang kanyang panahon sa organisasyon upang makalimot at makapagmove on. Si Edward naman ay muling pinarangalan bilang isa sa mga top 10 Outstanding policemen sa buong Luzon. Lihim niyang inialay ang award sa kanyang ex. Tinanggap naman ng bukal sa puso ni Norina ang pagamin ni Edward sa kanyang pagkatao. At dahil sa pagpapatawad ng mag-ina sa kanya mas tumindi pa ang pagsasama nilang mag-anak. Si Alvin naman ay hindi na sumipot mula noon. Ngunit sa panahon ng tagumpay nina Jaime at Edward, patago itong pumapalakpak sa likod. May nakapagsabing umuwi na ito sa mga kamag-anakan niya sa Cagayan de Oro upang doon na manirahan.
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
“Whatevers meant to be will find a way”
CHAPTER 1: “REUNION”
“Have you ever felt the same?” tanong ko sa kanya.
“Ang alin?” insensitive naman niyang sagot sa’kin. “Do you love me?”
Katahimikan lang ang namutawi at namayani sa kanyang labi. Biglang nagulo ang kaninang maayos niyang reaksyon.
“Say it… say it…” insist ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay.
Muli kong inulit ang tanong upang muli at taimtim itong rumehistro sa kanyang utak.
“Mahal mo na rin ba ako?”
Ngunit parang pinagsisihan ko kung bakit pa ako nagtanong sa kanya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa itinugon niya. “I care for you very much, but I’m just not ready to say love yet… nauunawaan mo ba ako?” ito lang ang reply niya sa mga “pathetic” kong mga tanong.
Paulit-ulit. Replay ng replay sa isip ko. Walang humpay ang pag-rewind. Iyan ang mga katagang nagpalinaw sa dating “malabo” kong pananaw at pag-aakala.
Nang dahil doon, nakita ko na lang ang aking sarili sa lugar na minsan na naming na-tambayan. Dinama ko ang bench kung saan kami naupo, masaya, at naghalikan. Kung hindi ko ba binigyan ng malisya ang lahat, aabot ba kami sa ganito?
Unti-unting umukit sa puso ko ang hapdi at sakit. Dahan-dahan ko ring inukit ang tanong na nagpaiyak sa akin ngayon: HAVE YOU EVER FELT THE SAME? Inukit ko ang katagang ito sa kahoy na aking inuupuan at umaasang muli niyang sasagutin ito ng naaayon sa aking nararamdaman. Kasabay ng pagpatak ng aking luha muli kong inalala ang naging simula. Sa paghagulgol ng aking damdamin, ang hudyat ng mga naging umpisa ng kaganapan:
(Naaliw ako sa mga taong nakikiusyoso sa gitna ng daan. Tao nga naman, likas na tsismoso. Nakakaintriga na talaga kung ano ang kaganapan dun. Parang may naaksidente yata. Parang may nasagasaan. Bigla akong kinilabutan. Napakabilis bawiin ng Ama ang buhay. Sa sandaling ikumpas Niya lang ang kamay Niya, kahit hindi ka pa handa mawawala ka sa mundo. Kapag tapos na ang nakatakdang layunin mo, wala ng extension pa.
Nakasalubong ko ang mga babaeng nagtatakbuhan papalabas ng dorm. Nakakakilabot ang bawat hangos nila. May umiiyak. Meron din namang parang tuliro. Yung isa may isinisigaw. Malabo yung mga salita kaya hindi ko masyadong maintindihan. Ngunit habang papalapit na sila sa akin luminaw din ang mga salitang nais niyang pakawalan.
“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”
Napahinto ako sa aking paglalakad papasok ng dorm. Tama ba ang narinig ko?
Muling inulit ng babae ang isinisigaw niya:
“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”
Bumilis ang pintig ng aking puso. Sa sobrang lakas ng tibok nito halos nabingi na ang tainga ko sa paligid. Hindi ko alam kung anong puwersa ang humatak sa katawan ko upang magtungo sa kumpulan ng mga tao sa daan. Kinukutuban ako ng masama. Nakikipagsabayan ang kulog sa pabilis na pabilis na pump ng aking puso.
Sinilip ko kung ano ang mayroon. May isang lalaking nakabulagta at duguan. Hindi ko makita. Masyadong marami ang tao. Halos hindi na nga mahulugan ng karayom ang daan sa sobrang dami ng usisero. Hindi ako nagpapigil. Kailangan ko siyang makita. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. Buti na lang nagpaubaya silang magparaan upang makapunta ako sa harapan.
At hindi ko inaasahan ang aking nakita. Nangatal ako. Nanginig ang buong katawan ko. Nanlamig ang pisngi ko.
Tumingin ako sa mga taong nakapaligid. Halos walang reaksyon ang mga mukha nila.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoo ba ‘to? Bakit may mga dugo?
Muling kumulog ng malakas. Biglang pumatak ang luha mula sa aking kaliwang mata. Dahan-dahan akong lumuhod at pinakiramdaman ko ang lalaking nakahandusay sa semento. Kilala ko siya. Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito?
Niyakap ko siya ng mahigpit. Halos ipininta na ang kanyang dugo sa buong katawan ko dahil sa higpit ng pagkakahagkan ko sa kanya. Hindi pupwede ‘to! Hindi ‘to totoo! Hindi nangyayari ‘to!
”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”
Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa paligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko.
“Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.
Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”
Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.
“Nandito na ako Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.
”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”
At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya akong iniwan.)
“LANCE!!!”
Nagising ako sa isang bangungot. Paulit-ulit ko na lang itong napapanaginipan. Parang naka-record na yata ang nightmare na ito sa aking gunita, sa likod ng aking makasaysayan at malungkot na nakaraan.
Simula nung namatay si Lance hindi na ako tinantanan ng kanyang ala-ala. Buhay na buhay pa rin ang mukha niya sa isip ko. Hindi ko lang lubusang maunawaan kung bakit sa akin pa siya madalas magparamdam sa pamamagitan ng panaginip, gayong alam ko naman na kahit minsan hindi niya ako minahal nung kami’y magkasama pa. Siguro ito lang ang natatanging paraan na kaya niyang ipakita. Siguro ito ang paraan niya ng pasasalamat sa lahat ng nagawa ko sa kanya. O baka siguro lagi lang siyang laman at bida sa aking tangang subconscious mind. Kung ano man ang dahilan, thankful parin ako kasi kahit dalawang taon na siyang wala parang nandiyan lang siya lagi.
“I’m sorry lance, bigla na lang akong nawala…” Parang isang maikling panalangin ang sinambit ko habang bumabangon sa aking kama.
Kung babalikan, masakit para sa akin ang biglaang pagkamatay ni Lance. Umuukit pa rin sa dibdib ko ang sakit. Nakapanghihinayang. Wala kasi kaming closure sa kung ano mang namagitan sa aming dalawa. Alam ko naman kasi na masaya siya kay Russel kaya naman nung mga oras na nakita kong magkayakap sila ni Lance sa dorm niya, hindi na ako nang-istorbo pa. Sino ba naman ako para pumutol sa mga sandaling iyon? Ang natatanging inisip ko na lang ay magiging kampante na ako dahil hindi siya kinalimutan ni Russel. At naniniwala ako na sa kabila ng pangingibang bansa niya, magiging matatag pa rin ang relasyon nila dahil ang bottom line: MAHAL NILA ANG ISA’T-ISA. Samantalang ako? Heto, ako lang ang nagmamahal. Kaya naman walang silbi pang ipagpatuloy ang nais ko kung ako lang ang may nararamdaman.
Ibinurol at inilibing si Lance na walang Russel na dumating. Kahit anino niya hindi nagpakita. Hindi man lang nagbalik-bayan si Russel upang masulyapan sa huling pagkakataon ang “mahal” niya. Parang mali yata ang paniniwala ko na hindi niya kakalimutan si Lance. Minsan gusto kong isipin na puro huwad at pagbabalat-kayong pagmamahal lang ang ibinigay niya sa taong napakahalaga sa akin ng higit pa sa buhay ko. Hindi man lang niya nagawang mangamusta noong kapanahunang burol ng boyfriend niya. Puro sama ng loob at poot ang idinulot noon sa akin. Galit ang naramdaman ko kay Russel noong mga panahong hindi siya sumipot bago ihatid sa huling hantungan si Lance. Dulot ‘yun lahat ng pang-dededma niya. Hindi na siya nahiya. Hindi na siya nakonsiyensiya. Parang gusto ko siyang tawagan at sabihing: “Hello?!! Okey ka lang? boyfriend mo kaya yun!” Siguro nga kung gusto mo, maraming paraan. Kung talagang mahal mo, kahit ilang dagat ang pagitan niyo gagawa at gagawa ka ng paraan upang makasama mo siya. Mahal mo yun eh! Hindi ko naman sinasabing hindi mahal ni Russel si Lance, ewan ko sa gagong ‘yun. Hindi ko naman siya kilala. Pero siguro marami ring dahilan kung bakit hindi siya sumipot. Pero kung ano man ‘yun, tiyak hindi ‘yun reasonable. Simple lang naman ang pinakita niya. Kaya hindi kumplikado upang maunawaan ng lahat. Maging si Jhen nagulat dahil nang tawagan niya si Russel para balitaan sa masamang nagyari, hindi na daw nagsalita ang gago at binabaan pa siya ng telepono. Huwag lang siya magpapakita ngayon at baka masapak ko lang siya, makaganti man lang si Lance sa ginawa niyang pagkalimot.
Tulad ng laging nakagawian bago lumabas ng kwarto, chineck ko muna ang mga mensahe sa aking cellphone. 2 messages received. Isang quotation mula sa isang kaibigan:
“Juliet wasn’t Romeo’s first love. It was a girl named Rosaline. He adored her so much but fell instantly with Juliet. That’s how uncertain love is. The person we think are meant to us are really just instruments to find the one’s destined for us…”
DELETE! Hindi naman kasi ako mahilig magimbak ng mga quotation sa cellphone kaya burado kaagad ‘yan sa telepono ko. Ang isang mensahe naman ay mula kay Jennifer, sabi niya:
“papa luis, bertdey ni lance ngaun ah? Nklimutan m noh? Ddlaw k b sknya? Kng ddlaw k sbay natau ha? Kta nlng tau sa sm dasma ok?”
Shet! Nov. 18 na pala ngayon! Oo nga pala! Kaya pala napanaginipan ko siya. Kaya pala.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto upang makapag-almusal at mag-gayak na rin. Buti na lang pala pumayag ako na makipag-palit ng rest day sa nag-rerequest na ka-team mate ko. Ito pala ang dahilan. Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin ang masayahing aura ng aking ina.
“Oh anak? Hindi ka na yata natutulog? Simula nung nag-call center ka parang hindi na uso sa’yo ang matulog…”
“Dadalawin ko po kasi Lance mamaya… Birthday niya po ngayon…”
Nagtuloy-tuloy ako sa may lababo upang makapag-hilamos at toothbrush na rin. Si nanay halatang namimiss ako kakwentuhan dahil talaga namang sinundan pa ako sa may kusina habang dumadaldal na naman ng walang humpay. Madalas kasi kaming hindi maabutan ang isa’t-isa sa bahay dahil pareho kaming busy sa kanya-kanyang trabaho.
Halos mabulunan ako sa sipilyong gamit ko nang bumanat ang nanay ng isang pampagising sa aking umaga.
“Hay nako anak ha? Mukhang napapadalas ang dalaw mo kay Lunch na yan ha?”
“Inay hindi po Lunch, tanghalian po yung lunch… Lance po…Lance… “
“Hay nako anak, pareho lang naman yun, magkatunog din naman… Minsan naman sabihin mo sa kanya na siya naman ang dumalaw dito para maiba naman…”
“Si nanay talaga mapag-biro…”
“Joke lang anak, pakisabi kay Lance joke lang din at baka totohanin nga niya…at multuhin ako nun…ha!ha! Sino kasama mo niyan? Ikaw lang ba mag-isa dadalaw doon?”
“May usapan po kami ni Jhen, baka sa Robinsons Palapala na lang po kami magkita… ay, sa SM dasma po pala…”
“Si Jhen ba kamo? Yung bakla?”
“Nay, ayan ka na naman babae kaya yun si Jhen…”
“Anak hindi ako nagbibiro! Diba binabae yun?”
Simula nung yumao si Lance naging close na kami ni Jhen. Siguro dahil nawalan siya ng isang matalik na kaibigan kaya ako ang pumalit sa pwesto ni Lance bilang bestfriend niya. Madalas din tumambay si Jhen sa bahay lalo na kapag wala siyang duty sa ospital. Kaya naman kilala siya nina nanay at tatay. Sa katunayan nga close din sila ng kapatid ko.
“Babae po yun nay, mukha lang bakla kasi mga kaibigan nun mga bading…”
“Babae siya? Ows? Hindi nga?”
“Oo nga po…”
“Huwag mong sabihing bading ka din kasi kaibigan kamo nitong Jhen puro binabae?”
Nakakagulat na tanong ng ina ko habang nanlalaki pa ang mata.
At bago pa kung saan mauwi ang usapan. Iniba ko na ang direksyon ng conversation naming mag-ina.
“Hay nako nay ang aga-aga para kayong naka-shabu, sige na po pumasok na kayo sa opisina niyo… teka? Nasaan po ang tatay?”
“Ano ka ba naman anak? Eh ‘di natural pumasok sa trabaho…ikaw yata ang nakashabu eh.”
“Eh akala ko ba mag-reresign na daw siya?”
“Alam mo naman ang tatay mo kapag nalalasing daig pa ang mga pulitiko kung mangako tapos hindi naman tutuparin…”
“Asus…O sige nay ingat ka ha?, sana makarami ka ng benta ngayon sa palengke…”
“Sureness yun anak!!!”
“Bye nay, mwaaaaah!!!” Pabaon ko sa kanya bago siya umalis ng bahay.
Binuksan ko ang nakatakip na plato sa hapag-kainan. Sinangag at cheese dog ang naabutan ko. Tamang-tama ito para malagyan ng laman ang tiyan ko. Kaing sundalo na ang ginawa ko. Kaya naman mabilis kong naubos ang natirang pagkain sa lamesa.
Dumiretso kaagad ako sa banyo upang maligo. Nako! Hindi dapat ako malate sa pagkikita namin ni Jhen, dahil kapag nahuli ako tiyak na bubungangaan na naman ako nun.
Sa ikatlong buhos ng tubig sa aking katawan nakarinig ako ng katok sa pinto ng banyo.
“Kuya? Kuya?”
“oh bakit???!”
“kuya, pautang naman ng 300? May bibilhin lang ako… pleeeeeeaaaase???”
“Asus? Pautang? Kailan mo ba binayaran ang mga inutang mo?”
“Sige na kuya, may program kasi sa school eh… “
“Oh sige na nga, kuha ka na lang dun sa wallet ko, nakapatong dun sa may tukador…”
“Talaga!!!??? Thank you talaga kuya! Ang gwapo-gwapo mo talaga!!!” pasasalamat ni utol habang kinakalabog ang pintuan ng CR.
“Sige na ‘wag mo na ako bolahin…”
“Teka lang kuya, nag-text pala sa’kin si Ate Jhen…”
“Oh ano daw sabi?” pagtatakang usisa ko sa kanya.
“Bakit daw hindi ka nag-rereply sa text niya?”
“Text mo naman, sabihin mo wala ako load, kita na lang kamo kami dun sa SM…”
“Okey sige… bye kuya… bilisan mo na maligo at magagalit na sa’yo ‘yung girlfriend mo!”
“Hoy! Hindi ko gf ‘yon noh?”
“Whateveaaaah!!!” sabay sibat ng mapang-buska kong utol.
Siya si Lara, ang nakakabata kong kapatid. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya kaya naman hindi malayo ang loob namin sa isa’t-isa. Close kami simula pa nung mga bata pa lamang kami. Ngunit sa kabila ng pagiging vibes namin, hindi niya rin alam ang tunay kong pagkatao. Gustuhin ko man kaso nagdadalawang-isip akong sabihin kasi baka kapag nalaman niya na ang kaisa-isang “kuya” niya ay isa pa lang “ate”, baka mawalan siya ng respeto sa akin. At saka baka isumbong ako kina nanay, at lalo na kay tatay. Nako! Kapag nagyari yun baka hindi na ako makalabas ng bahay.
Pero siguro tulad ni nanay na madalas may mga padale sa sekswalidad ko, may hint na rin siguro si Lara. Baka nga nahihiya lang siyang i-confront ako kung ano ba talaga ako kasi nga kahit papaano may respeto parin siya sa’kin bilang kuya niya. Kung ano man ang hinala nila, alam ko nararamdaman nila ‘yun kasi sila ang pamilya ko.
Hindi naman kasi ako translucent sa kanila. Kung ano ako, iyon din ang nakikita nila. Napaka-transparent ko pagdating sa pamilya ko. Mahahalata talaga nila sa mukha ko kung ano mang emosyon ang nararamdaman ko sa kasalukuyan. Minsan nga kahit magpanggap akong masaya, napapansin parin ng itay na malungkot at may dinadala akong problema. Ewan ko ba! May mga lahing psychic yata yung pamilya ko. Kaya naman walang puwang ang pag-tatago ng kinikimkim sa bahay dahil sisingaw din ‘yun at maaamoy nila. Yung kabadingan ko kaya naamoy na rin kaya nila?
Sarado pa ang SM nang dumating ako. Alas-otso pa lang kasi ng umaga. Buti na lang at naunahan ko si Jhen. Maya-maya lang ay dumating na ang babaeng bakla. Segundo lang ang pagitan. Buti naman at hindi nagtagal at baka malanta na ang dala kong bulaklak. “Tara na?!” bungad niya sa akin.
Si Jennifer ang pinakamagandang halimbawa ng “babaeng walang pahinga”. Kaya nga siya na ang binansagan kong CURACHA ng makabagong henerasyon. Paano ba naman, parang hindi rin uso sa babaeng ito ang matulog o umidlip man lang.
“Galing duty?” tanong ko kay Curacha.
“Obvious ba? Ang toxic nga Papa Luis, pero kiberberichinah lang!”
“Kiberberichanah??? Putsa ano yon?”
“Duuuuhhh??? Bakla ka ba talaga? Lenggwahe mo ‘di mo nyora?”
“Bakit kapag ba bading ka kailangan kabisado mo mga ‘yun o dapat ba bihasa kang mag-gay lingo? Kung anu-ano natututunan mo sa ospital…”
“Keti?!! Wichickles na nga neng! Ang dami mong kaechusan… so, kamusta ka naman friend?” segue way ng kaibigan kong mas bakla pa sa’kin.
“Heto busy rin sa work… laging graveyard. Kainis nga eh, wala na akong nightlife.”
“Night life? Define night life? Ano ka bampira? Nagaambisyon ka pang magka-night life! Pa-call center-call center ka pa kasi ayan ang napala mo, magdusa ka! sayang naman kapatid yung titulo mong: AB-MASS COMMUNICATION chorvanels...”
“Wala ngang pakialamanan ng career…”
Well, may point din naman si Jennifer a.k.a. Curacha. Wala naman talaga akong balak mag-tagal sa ganitong trabaho. Pero, hindi ko rin masasabi. Mahirap magsalita ng tapos. Masaya din naman ako sa work ko kahit maraming pressure at nakakatulilig ang boses ng mga nagrereklamong mga kanong customer. Ang mahalaga, hindi ako pabigat sa bahay at nakakatulong ako sa mga gastusin kahit papaano. “Ma, bayad po dalawang memorial…” sabay abot ko ng bayad sa driver.
“Buti na lang dito ipinalibing ni tita si Lance noh?” entrada ni Jhen.
“Oo nga eh, anytime pwede natin siya dalawin…”
“Good thing na lahat ng kamag-anak nila nandito sa Cavite…”
“Bakit ba kasi hindi na lang dito tumira si tita? Kaysa naman nagiisa siya dun sa Bulacan…”
Gaga talaga ‘tong si Curacha, napalakas ang sigaw niya ng Malaysia kaya naman napatingin sa aming lahat ang mga pasahero. Kahit talaga puyat ‘tong si Jhen parang mas energy mas happy parin ang loka.
Sa isip-isip ko maligaya din si Lance at dito siya hinimlay sa Dasma. Minsan na niyang nabanggit sa akin na mahal na mahal niya daw ang Cavite. Kahit daw lumipat na sila ng tirahan at for good na sa Bulacan, mas pinili pa rin niyang mag-aral dito. Mas nanaisin niya pang mag-stay sa bayan na kung saan nakahanap siya ng mga tunay na kaibigan at wagas na pag-ibig.
Limang minuto lang ang binuno namin upang marating ang memorial. Tulad ng inaasahan isang napaka-solemn na paligid ang bumungad sa amin ni Jhen. Tahimik, tipong peaceful ngunit hindi malungkot. Tanging mga huni lang ng ibong nagliliparan sa paligid ang iyong maririnig at mga humaharurot na mga sasakyan sa karatig na highway nito. Nilakad namin ni Jhen ang kahabaan ng Manila Memorial Park, Dasmariñas. Kabisado na namin ang daan patungo sa himlayan ni Lance kaya naman hindi na kami maliligaw. Kapansin-pansin din ang ibang mga tao na bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay. Siguro may birthday din ng mga yumao nilang kamag-anak.
Pagdating namin kay Lance ibinigay ko kaagad sa kanya ang bulaklak. Habang si Curacha naman ay wala pa ring pahinga kakatext. “Ang tagal naman nila…” wika ni Curacha.
“Ang tagal niya? Bakit may inaantay ka ba? Sino pa ang dadating?”
“Ah wala… sige magchikahan muna kayo ni kapatid… “
Maya-maya lang ay isang kulay navy blue na van ang pumasok sa loob ng memorial. Huminto ito sa bandang lilim ng puno malapit sa tapat naming dalawa ni Jennifer. Mabilis namang lumapit si Jhen sa nakaparadang van na animo’y sasalubungin ang kung sino man ang bababa mula sa loob nito.
Sa pagbukas ng van, dalawang lalaki ang bumababa dito. Yung isa nakita ko na sa libing 2 years ago. Yung isa naman pamilyar lang ang mukha sa’kin pero kahit minsan hindi ko nakita sa panahon ng pagluluksa namin kay Lance.
“Magkasama pala kayo?” pambungad na pagbati ni Jhen…
“Oo, pasensiya na kung natagalan kasi sinundo ko pa ‘yan eh…” sagot naman nung pamilyar na lalaki.
“Ang saya nitei!!! Isa itong bonggang-bonggang reunion!” sigaw ni Jennifer habang sumasayaw-sayaw pa.
Reunion? Mga kalokohan talaga ni Curacha.
Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin na nagpalamig sa paligid bigla kong naalala kung sino ang lalaking kararating lang.
Tama! Siya nga ‘yun. At muli akong nakaramdam ng poot at galit.
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: paulkian
“Rudeness is the weak man’s imitation of strength.” -Eric Hoffer
CHAPTER 2: “QUANTUM”
Kung puwede ko lang hilingin sa Ama na pabangunin lahat ng patay na nakahimlay sa memorial , siguro kanina ko pa ginawa maiwasan lang ang paghaharap namin ni Russel. Si Russel na kinamumuhian ko ng sobra-sobra. Siguro para sa iba masyado akong nagoover-react. Pero ito naman talaga ang nararamdaman ko kaya ayaw kong magpanggap. Ayaw kong lokohin ang bumubulwak kong emosyon. Kaya nais ko itong paupawin na parang lawa. Lunurin ang dapat lunurin! Sa banding huli, alam ko aahunin ko ang aking sarili. At siya naman ay malulugmok sa pagkakalunod sa sarili kong nararamdaman. “Russel, siya nga pala si Papa Luis…” introduce sa’kin ni Jhen sa kanya.
Iniabot ng karibal ko ang kanyang kaliwang kamay upang makipag-shakehands. Napansin ko ang peklat sa bandang pulso niya. Masyadong malaki iyon kaya naman agaw-pansin talaga ang naghilom na sugat. Kinamayan ni Russel ang hangin. Napahiya lang ang gago sa akin nang hindi ko abutin ang nakabuka niyang kamay. Eh sa hindi ko siya feel eh! Ano bang magagawa niya?
Bagkus, humarap ako kay Jerome at siya ang kinamayan ko at kinamusta.
“Jero? Long time, no see ha? Kamusta ka na? tumaba ka yata?”
“Oo nga eh, hiyang kasi eh…” sagot naman niya na parang naiilang sa ginawa kong pambabastos kay Russel.
Ang mga sumunod na eksena? Nahati ang grupo sa dalawa. Sina Jhen at Russel ang naguusap malapit sa puntod ni Lance. Habang kami naman ni Jerome ang magkaagapay sa lilim ng puno. Pinagmamasdan ko sila mula sa malayo. Pinapakiramdaman ang bawat moment. Ang mga moment na sa kauna-unahang pagkakataon nakita niya ang himlayan ng nasira niyang kasintahan. Niyakap ni Jennifer ang nagtatangis at naulilang binata. Kontradiksyon na naman ang namayani sa bitter kong kalooban: “kahit ilang baldeng luha ang ibuhos mo diyan sa puntod niya, hindi na siya babangon para yakapin ka…” Iyan ang ibinulong ko sa aking sarili. Pagkatapos nun, isang matinding irap ang aking pinakawalan at itinuon ko ang aking atensyon kay Jero. “Oh bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya sa’kin.
“Huh? Mukha ko?”
“Oo kaya, ang gwapo-gwapo mo nakabusangot ang mukha mo diyan… nabubuwisit ka parin sa kanya noh?”
Hindi ako nakakibo, nginitian ko lang si Jerome sa mga sinabi niya. Si Jero ang madalas kong kabalitaktakan noong panahon ng pagluluksa kaya naman may puhunan na kaming closeness sa isa’t-isa. Actually hindi naman mahirap pakisamahan si Jerome. Friendly din kasi ito at kalog. Sa mga unang yugto ng kwentuhan namin, nakagaanan ko kaagad siya ng loob. Magaan ang loob ko sa kanya kahit sa unang pagkikita pa lang namin. Kaya naman mabilis niya nakuha ang pagtitiwala ko. Sa kanya ko shinare lahat-lahat ng mga hinagpis ko at mga tinatagong sama ng loob. Naramdaman ko ‘yun at nakikita ko sa mga ngiti ng kanyang mga mata.
Hindi na kami nagtagal sa sementeryo. Nagsimula na kasi sabayan ni haring araw ang init na dulot ng nakatirik na kandila sa lapida ni Lawrence. Bukod dun, nagsimula na ring humikab si Jhen. Ang hikab na naging daan upang lisanin namin ang lugar ng kapayapaan.
“Oh pano gays? I mean “guys” pala, kailangan ko na ring humimlay sa banig! Siya nga pala Russel, hanggang kailan ka magbabakasyon galore ditei?” tanong ni Jhen.
“I don’t know… baka 2 months? Hindi ko alam eh, depende sa’kin kung gaano ko katagal nais mag-stay dito.”
“O siya sige, text-text na lang tayo… malapit na rin kasi ang birthday ni akez… invited lahat ng nasa kalawakan!!!”
Parang ipu-ipong tumawid ng kalsada si Curacha. Segundo lang din ang pagitan at nakasakay na siya ng jeep. Naiwan kaming tatlong nakatayo sa kabilang way ng kalsada. Nagsilbing Great Wall of China si Jerome upang hindi magumpugan ang dalawang bato. Nakipagsabayan muli kami sa katahimikan mula sa loob ng memorial. Nakakabingi. Nagpapakiramdaman. Nabasag ang iniingatang katahimikan nang bumusina ang paparating na van na sinakyan nila kanina.
“Sabay ka na sa’min…” winika ni Russel.
“Oo nga naman bro.” dagdag pa ni Jerome habang hinahatak na ako papasok ng van.
“Wag na, may pupuntahan pa kasi ako.”
Hindi na nila ako pinilit. Nahalata siguro nila sa mukha ko na ayaw kong sumakay sa sasakyan nila. Ayaw kong sakyan ang isang bagay na alam ko pagsisishan ko sa bandang huli. Sa pagharurot ng kulay navy blue na van, naiwan akong magisa. Mas maigi na ‘yung ganito. At muling bumalik ang naudlot na katahimikan.
Para kaming teatro kanina. Suot ang mga kanya-kanyang maskara. Iba’t-ibang emosyon ang sumimoy sa nagmistulang entabladong sementeryo. Pilit na nilabanan ang kaba at hinawi ang lungkot ng kurtina. Ang mga ilaw na repleksyon ng nakaraan ya pilit na sumalamin sa tinatago kong muhi. Ang bawat alingawngaw sa kalawakan ng entablado ang bumalanse sa nagbabaik-loob kong karibal. Lahat sa isang magandang palabas. Lahat puro pag-akto. Mga artista sa sariling dula. Dula-dulaang nakakasuya sa’kin. . Samantalang para sa isa, ito ang pagkakataon ng simpatya.
Pinawi ng paparating na jeep ang katahimikan. Sumenyas ang drayber na may isa pang bakante sa loob ng sasakyan. Sumakay ako sa loob at muling tinungo ang SM dasma. Para sa’kin, paraiso ang mall na iyon. Paraiso iyon para sa mga mapag-isang nilalang na tulad ko.
Sinalubong ko ang lamig ng air curtain. Sumalubong din sa akin si kuya guard. Kapkap dito, kapkap doon. Wala naman siya nakapkap kaya nagtuloy-tuloy na ako sa loob ng mall.
Sinunod ko ang dikta ng aking mga paa. Hinila ako pababa sa unang palapag ng pamilihan. Hindi masyado karamihan ang mga tao sa SM. Tama lang ang dami ng katao nung mga oras na iyon. Dinala ako ng aking paa sa food court kung saan ako naupo panandalian. Pinagmasdan ko ang mga taong nagiikot sa paligid. Pamilya, magkaibigan, mag-boyfriend, at meron din namang mga “solo flight” na katulad ko. Lahat sila mabilis na tinatahak ang nais nilang patunguan sa loob o labas ng boutique o maging sa itaas o baba man ng mall. Nakakainggit sila. Halatang alam na alam nila ang kanilang patutunguan. Sadyang alam nila sa sarili nila kung saan sila pupunta. Samantalang ako? Heto, hindi alam kung saan babaybay. Walang patutunguan. Parang walang mapupuntahan.
Bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaya naman bago pa sumabog ang pantog ko, kumaripas na ako ng lakad papunta sa pinakamalapit na CR sa food court. Namili ako sa mga nakahilerang urinal sa loob at dininig ang tawag ng kalikasan.
Isang maskuladong lalaki, na malamang nasa late 20’s, ang lumapit sa katabing urinal upang umihi. Mas mataas siya sa’kin ng kaunti at halatang adik sa pag-gygym. Nginitian niya ako at kinindatan na waring may nais pakahulugan noong mga sandaling iyon. Natawa ako sa inasal niyang kabaklaan kaya naman nagmamadali akong umalis sa aking kinatatayuan at lumipat sa lababo para makapaghugas ng kamay. Mula sa repleksyon ng salamin, kitang-kita ko ang ginagawa niyang pang-aakit sa’kin. Nilaru-laro niya ang kanyang tinatagong sandata at pilit na iwinawagayway sa hangin. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Nakaamoy ako ng kaba at takot sa paligid ng comfort room.“Sana may pumasok…” inusal kong dasal. At hindi nga ako nagkamali, sa puntong isinara ko ang gripo sa lababo pumasok ang dalawang lalaki na nagsilbing tagapagligtas sa nagbabadyang temptasyon. Ito na rin ang aking naging hudyat upang umeskapo sa isang makamundong eksena. Eksenang pansamantalang nagpainit sa malamig na ambiance ng mall. May mga ganun pala kahayok maibsan lamang ang libog sa katawan. Walang pinipiling lugar. Matao man o hindi. Publiko man o pribado. Basta’t may pagkakataong ilabas ang nais ilabas, aagos ito sa kawalan at magpapakalat ng init sa kalooban. First time ko maka-encounter ng ganoon sa buong buhay ko. Totoo pala ang mga nababasa ko sa mga blogs patungkol sa mga “tripper” na nagpapamalas ng masidhing temptasyon sa mga CR sa ibang malls. Basta pala may pagkakataon hindi nila sinasayang. Balewala sa kanila ang nagaabang na panganib na mahili o mahawa ng kung anong sakit mula sa taong ‘di naman nila kilala.
Simula nung nakilala ko ang sarili ko at lumabas si “Luis” at ang kanyang tunay na pagkatao, ipinangako ko na gagawin ko lang iyon sa taong malaki ang puwang ditto sa puso ko. Nakakatawa diba? Parang Maria Clara ang drama ko. Masyadong kumbensyunal sa isang bisexual na tulad ko. Pero puwera biro, ganun talaga ang nais ko. kaya naman puwede na akong ehemplo ng kabirhenan. Ang sagwa mang pakinggan pero ‘yun ang totoo. Masarap gawin ang sex sa taong mahal na mahal mo dahil alam mo at ramdam mo rin na hindi init ang dahilan kung bakit mo gagawin iyon.
Naalala ko tuloy ang isang nakakaintrigang interogasyon ni Jhen dati: “Oi! eto answerable by yes or no, may nangyari na ba sa inyo ni Lance?”
Wala ang sagot ko. Siyempre, sa tulad ni Jhen na masyadong intrigera hindi niya ako pinaniwalaan. Showbiz daw ako masyado. Alangan namang magsinungaling ako at sabihin ko na; “Oo nag-sex kami once, twice, thrice…” eh wala naman talagang nangyaring lumagpas pa sa inaakala niya. At kung meron nga kung saka-sakali, hindi na dapat ikwento pa. Kahit nga sigurong may pagkakataon kaming gawin yun dati, hindi ako nag-atim na magnakaw ng sandali. Dahil masakit para sa’kin na gawin niya iyon dahil nalilibugan siya at hindi dahil may nararamdaman siyang pagmamahal sa’kin.
Sa pamamagitan ng escalator tinungo ko ang ikatlong palapag. Sa pagkakataong ito alam ko na ang patutunguan ko. Gusto ko maglaro ng Time Crisis kaya naman sa Quantum ang bagsak ko. Matagal na rin kasi akong hindi nakapaglalaro ng arcades kaya naman muli kong babalikan ang pagkabata at bibili ng token upang malibang ko naman ang aking sarili.
Hindi naman karamihan ang tao sa loob kaya mas masarap namnamin ang paglalaro sa Quantum. May mga grupo ng mga koreano ang nagkalat sa iba’t-ibang palaruan. Marami rin ang mga estudyante ng La Salle Dasma. Palibhasa ang SM ang pinakamalapit na mall sa pamantasan nila bukod sa Robinson’s Palapala, kaya naman normal na sa paligid ng nasabing mall ang mga naka-unipormeng mga lasalista.
Hawak ang baril, muli kong binuhos ang sama ng aking loob sa mga kalaban. Inasinta ko ang bawat pagkakataong mauubos ko ang mga bandido. Sinimulan na ang giyera sa Time Crisis. Halos kabisado ko na ang daanan at ang bawat galaw ng mga makakaengkwentro ko sa kadahilanang ito ang pinaka-paborito kong arcade. Ramdam ko ang isang lalaking nanood sa likod at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Lalo akong ginanahan maglaro dahil may isa pala akong audience sa likod. Sa bawat pagpadyak ko upang magkaroon ng pagkakataong umilag at maikasa ang baril, ganun din naman ako kagigil na kalabitin gatilyo ng joystick. Halos nasa kalagitnaan na ako ng laban at walang takot kong sinuong ang panganib. Habang tumatagal ang laro, lalong humihirap at nagiging kumplikado. Parang ang buhay natin. Habang tumatanda tayo, pahirap ng pahirap din ang giyerang sinusuong natin. Kapag napagod ka sa pakikipaglaban, patay ka. Kapag sumuko ka at itinaas mo ang puting bandera, talo ka. Presence of mind daw ang kailangan upang manalo sa laban. At iyan ang nakalimutan ko sa pagkakataong ito.
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong bala ang pumatay sa akin at nagpagame-over sa larong aking sinimulan.
“Shet!” tanging nasambit ko habng binababa ko ang sandata.
Lumapit ang isang manonood mula sa aking likod. Namumukaan ko siya. Siya ang maskuladong lalaki kanina sa CR. Nginitian niya ako ng makahulugan at muling kinindatan.
Muli akong natawa sa ikinilos niya kaya naman muli akong dumukot ng token upang maipagpatuloy ang naudlot na laro.
“Ang galing mo maglaro ha? Sa kama din ba magaling ka makipaglaro?” bulong sa’kin ng lalaki. Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya. Kaya naman hindi siya karapat-dapat bigyan ng atensyon. At saka, sino ba siya? Close na ba kami por que nakita ko ang alaga niya kanina? Muli kong pinairal ang pagiging suplado at muling itinuon ang aking mukha sa harap ng monitor.
Ngunit sadyang makulit at mapangahas ang malibog na gago. Mas dumikit pa siya sa aking likod at sinimulang ikiskis ang crotch ng kanyang pantalon. Dahan-dahan niyang idinadampi ang kung ano mang nais niyang idikit sa’kin. Kaya naman nilingon ko na ang lalaking makulit.
Sa paglingon ko sa kanya binitawan niya ang isang paanyaya:
“Bro? sex tayo?”
Bigla akong nakaramdam ng init mula sa kaibututran ng aking damdamin. Hindi siya init ng kalibugan. Hindi siya init ng pagnanasa o pagnanais na makatikim ng katawan. Init siya dulot ng inis at galit. Nakakapikon!
Nginitian ko muna siya habang binababa ang hawak kong laruang baril sabay sambit ng:
“Fuck you! Asshole!”
Nagulat ang pobreng malibog kaya parang walang nangyari siyang tumalikod at naglakad papalayo mula sa kinatatayuan ko. At ako naman ay muling pinagpatuloy ang level 2 ng Time Crisis.
Hindi pa nagiinit ang level 2 muling lumapit ang lalaki at hindi pa nakuntento ay inakbayan pa ako. At ito na rin ang ikalawang level ng aming paghaharap.
“Ang kulit mo rin noh?” sigaw ko sa kanya
“Oh easy ka lang… ang init naman ng ulo mo?”
Nagulat ako pagharap ko sa kanya. Ang lalaking malaswa na kanina lang ay minura-mura ko ay hindi pala nagbalik. Si Russel pala ang umakbay sa’kin. Si Russel pala, badtrip!
“Ah ikaw pala yan… akala ko…” “Akala mo?”
“Ah wala…”
Muli akong humarap sa Time Crisis. Pinakawalan ko ang kaunting ngiti mula sa aking labi. Nakakahiya, si Russel pala.
“Ikaw talaga, hindi mo man lang sinabi na dito rin pala ang punta mo eh ‘di sana sumabay kana sa van…”
“Eh ano bang pakialam mo sa pupuntahan ko? Wala kang pake!”
“Ano bang problema?” pagtatakang tanong ni Russel.
“Problema? Ikaw ang problema ko!”
“Ba’t ba ang init ng dugo mo sa’kin? Ano bang nagawa kong kasalanan sa’yo?"
“Kasalanan? Sa’kin wala, pero kay Lance alam ko malaki!”
“Ayun, lumabas din… tungkol pala kay Lance itong dramang ito…”
Ilang segundo akong natahimik sa sinabi niya.
“Hindi ito basta drama lang Russel, hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko…”
“Hindi mo rin alam ang mga pinagdaanan ko Luis…”
“Ah talaga lang ha?”
“Move on Luis, tahimik na si Lance… masaya na siya kung nasaan man siya naroroon ngayon… at kung ano man ang ipinagpuputok ng butsi mo, malamang hindi siya natutuwa ngayon…”
Oo alam ko hindi siya matutuwa. Kung nabubuhay man siya ngayon at nakikita niya tayong nagkakasagutan alam ko mas kakampihan ka niya kasi ikaw ang bf at ako ang panggulo, ako ang kotrabida. Oo sige na mababaw na ako kung sa mababaw. Tipong isang maliit na bagay na masyado kong pinalalaki. Pero sabi nga nila, hindi mo mauunawaan ang mga bagay kung wala ka sa posisyon nung nakakadanas ng sakit at hapdi. Subukan niyong lumugar sa posisyon ko. If you were in my shoes, malamang mauunawaan mo rin ako.
Lumisan si Russel sa loob ng Quantum. Muli akong naiwan mag-isa. Pagharap ko sa Time Crisis, game over na pala ako.
Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
“We know the truth, not only by the reason, but also by the heart.” ---Blaise Pascal
CHAPTER 3: “PINK”
Habang nanonood ng “Playing it Straight”, isang reality show sa Studio 23 patungkol sa mga gay na nagpapanggap na tunay na lalaki upang magkamit ng premyo, nag-open ako ng isang topic kay Lara na nais kong bigyang kasagutan.
“Lara? Okey lang bang magalit sa boyfriend ng mahal mo?”
“Magalit sa boyfriend ng mahal mo?”
Kumunot ang noo ni Lara sa tinanong ko. Medyo nag-isip ang dalaga sa wirdo kong tanong.
“Boyfriend ng mahal mo? So it means, taken na ang mahal mo kuya?” balikwas na tanong niya sa’kin.
“Hmmm… parang ganun na nga siguro.”
“Kuya, ano ba yang mga tanong mo? Well, depende kasi sa sitwasyon. Bakit ka magagalit sa kanya? May kasalanan ba siya?”
“Sa akin wala pero dun sa mahal ko alam ko meron.”
Ngumiti ng makahulugan ang psychology student kong kapatid sabay banat ng mga teorya niya.
“Malamang defense mechanism lang yan kuya…”
“Defense Mechanism?”
“Oo kuya. Alam mo kahit hindi mo man aminin sa’kin halatang naiinsecure ka lang dun sa bf ng “mahal” mo. Hindi ko alam kung bakit pero halata sa mga mata mo. Kaya siguro naghahanap ka lang ng dahilan para mainis ka sa kanya.”
Natahimik ako sa lecture ni Lara. May future itong kapatid ko. Naniniwala ako magiging successful siyang psychologist balang araw.
“Sabi mo sa’kin may kasalanan siya sa mahal mo na gf niya kaya ka nagagalit. Kung tutuusin kuya, labas ka na dun kasi problema na nila yung dalawa. Oo , normal lang na makaramdam ka ng ganyan kasi nga na-aagrabyado ang pinakamamahal mo. Pero, isipin mo rin kung ano ang role mo. Dapat alam mo kung hanggang saan ka lang…” dagdag ni Lara.
Sapol hanggang bone marrow ang mga litanya ni utol. Hindi ako nagkamali sa hiningan ko ng opinyon. Unti-unting luminaw ang magulo kong iniisip kanina pa. Naunawaan ko rin kung bakit ako nagkakaganito.
“At saka kuya, big deal ba sa “mahal” mo yung kasalanan ni bf? Aware ba siya o baka naman wala lang yun para sa kanya at napatawad na niya kasi nga boyfriend naman niya yun… basta kuya, depende talaga sa sitwasyon…”
“Oo nga, tama ka…”
“What ba kasi? Stop nga being OR noh?” tonong pang-conyo ni Lara.
“huh? Anong OR?” “Duh??? It’s like daglat for OVER-REACTING, you know sobrang maka-react?”
“Tangnang ‘to! Sinasapian ka na naman ng pagiging conyo-conyohan mo, eh kung konyatan kaya kita diyan?”
“OMG! Im gonna make sumbong you to nanay if you’ll make patuloy that… you know, continue.”
Parang ligaw na bala ang salitang OVER-REACTING. Dumaplis sa mga ugat ng baga ko ang tambalang salitang binitawan ni Lara.Grabe talaga magpayo si Lara, parang mas matanda pa sa’kin kung magsalita. Wag lang siya magcoconyo-conyuhan at masasapok ko talaga siya.
Kung tutuusin, hindi naman talaga dapat ako magpaapekto sa sitwasyon. Ako lang naman kasi ang gumagawa ng sarili kong apoy. Isang apoy na pwedeng pagmulan ng kung anong sunog na maaaring mauwi sa arson. Kaya naman pansamantala muna akong magsisinungaling at hindi paniniwalaan ang kasabihang: “kapag may usok may apoy…” Sa pagkakataong ito,napagtanto ko na ang usok na nakita ko ay gawa lamang ng mabilis na kabog ng puso ko. Ang bawat dikta ng utak upang pagmulan ng galit. O ang kutob na wala namang basehan kundi puro kaba mula sa kaibuturan ng iyong aorta.
Sabi nga ng naging professor ko sa Film Aesthetics, mas ma-aappreciate mo ang isang abstract painting kung titingnan mo siya mula sa malayo. Parang pelikula na kapag hindi mo hinalukay ang lalim na nais niyang ipahiwatig sa mga manonood, hindi mo matutuklasan ang tunay na ganda nito.
Kung i-rerelate naman sa buhay ng tao, parang ganun din ang konsepto. Kung hindi nating uunawain ng may lalim ang mga kaganapan sa paligid o kung magpapadala lang tayo sa kung ano ang nakikita sa malapitan, malamang hindi rin natin masyado maiintindihan kung bakit may parte sa buhay natin na minsan ay daig pa ang mga abstract paintings ni Vincent Van Gogh. Sa pagdating nina nanay at tatay sa bahay huminto muna kami. Inilagak ko muna sa sulok ang mga dalahin ko sa aking kalooban. Siguro dahil ayaw ko lang mahalata nila na may bagahe na naman ako. Sabi nga ni tatay nung minsang napansin akong problemado:
“Anak, alam mo para kang si Sharon Cuneta?”
“Huh? Bakit po?”
“Kasi pasan mo ang daigdig!!!” sabay tawa ng nakakabanas na halakhak.
“ang korni ang puta…” bulong ko naman sa gilid.
Pero kahit ganun, masaya naman talaga ako sa piling ng pamilya ko. Sila ang nag-neuneutralize ng bawat kaganapan sa loob ng bahay. Lalo na kapag negatibong enerhiya ito. Hangga’t maari kasi ayaw nila ng malungkot na eksena. Gusto nila ng smooth sailing at kampanteng pamumuhay kaya naman laging kakambal ang humor sa kanila. Ewan ko ba kung bakit ‘yun ang hindi ko namana.
Pagkatapos naming mag-mano ni Lara inasikaso namin ang mga kanya-kanyang gawain sa bahay. Si Lara ay nagumpisang maghain para sa hapunan at ako naman ay nag-prepara ng paplantsahing damit dahil papasok na naman ako sa office mamaya.
Kinatok ako ni nanay sa kwarto para iabot ang pasalubong niya sa’kin.
“Anak, isukat mo nga ‘tong t-shirt na binili ko sa’yo…”
Madalas kami bilhan ni nanay ng damit. Hindi makakalipas ang isang linggo na wala siyang maiuuwing bagong shirt sa akin at blouse naman para kay utol. Ganun ka-thoughtful si nanay.
“Wow, t-shirt…”
Inilabas ko sa paper bag ang damit. Kulay pink iyon at medyo malaki sa nakasanayan kong mga sinusuot na t-shirt. Small kasi palagi ang size na pinipili ko. At ang isa pang nakakawindang, printed ito na may nakalagay na: “REAL MEN WEAR PINK”
“Ay, bakit medium?”
“Wala na kasing small eh… hayaan mo na, ang laki-laki mong tao, tama lang sa’yo yan…”
“At saka sana nay hindi pink.”
“Dalawa nga anak yung pinagpilian ko niyan eh, yung isa ang nakalagay: IM PROUD TO BE GAY… Eh hindi ka naman bakla diba? Kaya ‘yan nalang pinili ko… at saka wala ka pa naming pink na damit ah?”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pero dahil maganda naman yung binili ni nanay na t-shirt, hindi na ako nag-reklamo pa.
Napansin ko ang pangisi-ngising mukha ni Lara habang nagsasandok ng kanin.
“Kung ayaw mo kuya akin na lang… papa-repair ko na lang para magkasya sa’kin…”
“Tse! Akin na’to, isusuot ko ‘to mamaya…”
“Tingnan mo ‘tong kuya mo, kunyari pang ayaw sa pink… eh kung alam ko lang paborito niya yan…” singit na banat ni tatay habang nakikipag-hagikgikan kay nanay.
Napakunot ang makapal kong kilay sa narinig ko. Nakakapikon talaga mga padale ng sarili kong ama. Tiningnan ko siya ng masama at nagpahiwatig ako na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. At dahil dun, nagpahabol si tatay ng:
“JOKE!!! Oh tara kain na tayo!”
Talaga nga naman. Hindi ko alam kung pinagkakaisahan ako dito sa bahay dahil sa kabadingan ko. Siguro inaasar lang nila ako kasi alam nila madali akong mapikon lalo na kapag sekswalidad na ang pinangiinis sa’kin. Tapos kapag pumalag ako sa mga “joke” nila ito sasabihin nila:
“Bakit defensive ka anak?”
Oh diba? Nakakapika talaga! Kaya naman mas pinili ko pang manahimik na lang at dedmahin ang mga panloloko nila sa’kin. Pasok sa kaliwang taenga at lalabas sa kabila.
Pagkalipas ng ilang mga oras at nag-umpisa na naman ang giyera sa magdamag:
“Thank you for calling McAfee technical support for COMCAST. My name is Luis; may I have your COMCAST e-mail address please?”
“My COMCAST e-mail address is ladylawyer@comcast.net...”
“Okay thank you very much for that information, let me just verify your COMCAST e-mail address if I got it correctly… L for Lima, a for alpha, D for delta, Y for Yankee, L for Lima, a for alpha, W for whiskey, Y for Yankee, E for echo, R for Romeo… Is that correct?”
“Yes that’s correct!”
“Allow me to pull-up your account here on my data base please stay on the line for just a minute…”
Ito ang unang opening spiel ko sa gabing ito. Kalmado pa at malumanay. Ganado pa naman. Kailangan eh. Pero mamaya niyan daig ko pa ang sinaniban , lalo na kapag nasa ika-20 customer na ako. Nag-umpisa na naman kasi ang isang madugong giyera sa floor. As in madugo talaga! Ang term nga ni Jhen diyan eh EPISTAXIS. Makikipag-tongue twister na naman ako sa mga customer. Minsan nga naiisipan ko nang mag-resign kasi nakakapagod na yung ganitong trabaho. Pero kapag naiisip ko rin na mahirap ang walang trabaho sa panahong ito at hindi magandang halimbawa ang tumambay lang sa bahay, sumisipag ako lalo.
Naalala ko yung sinabi ni Jhen:
“Night life? Define night life? Ano ka bampira? Nagaambisyon ka pang magka-night life! Pa-call center-call center ka pa kasi ayan ang napala mo, magdusa ka! sayang naman kapatid yung titulo mong: AB-MASS COMMUNICATION chorvanels...”
Saka ko na lang siguro papangaraping magka-night life kapag may jowa na ako. Sa ngayon habang naghihintay sa taong talagang para sa akin, magbubusy-busyhan muna ako. Tipong magpapayaman muna para kapag nagaka-boyfriend na ako walang problema.
Speaking of Jennifer, galing ako sa kanila kanina bago ako pumasok ng office. Ewan ko ba kung bakit hinila ang mga paa ko papunta sa bahay nila. At dahil maaga pa naman kanina, dumaan na rin ako. Naalala ko rin kasi na may kailangan pala akong ikuwento sa kanya. Isasangguni ko yung paghaharap naming dalawa ni Russel. Isang paghaharap na kahit sa hinagap ng isip ko hindi ko na-imagine. Nag-eexpect ako nang isang negatibong reaksyon sa kanya. Alam ko naman na kahit saang anggulo tingnan, mali ako at mababaw.
“Nakakloka ka…” reaksyon ni Curacha.
“Eh sa ‘yun yung nararamdaman ko sa kanya, anong magagawa ko?”
“Try mo kayang manalamin, tapos ihampas mo yung ulo mo sa salamin para matauhan ka…tapos hubarin mo yang pink na shirt mo at mukhang mas bagay sa’kin yan…”
“Jhen naman eh…”
“Akala ko pa naman Papa Luis matalino ka, Listen!”
Tumaas ang tono ng boses ni Jhen. Hudyat iyon na kailangan kong ituon ang atensyon ko sa mga bibitawan niyang mga salita. Naramdaman ko kaagad na napakahalaga nun kaya naman halos hindi na ako kumurap habang inaantay ko ang mga sasabihin niya.
Kasabay nang pagtaas ng kanyang kilay binunyag niya ang isang rebelasyon.
“Nang malaman ni Russel na namatay sa aksidente si Lance halos gumuho ang mundo niya. Ilang araw daw siyang nagkulong sa kwarto. Isang araw dinistrongka na daw nila yung kwarto ni Russel sa Dubai… Nadatnan siyang duguan at laslas ang pulso.” Biglang nag-flash back sa akin ang yugto kung saan kakamayan ako ni Russel sa sementeryo. Oo nga, may malaking peklat siya sa kaliwang pulso niya. Kaya pala… iyon pala ‘yun.
“Buti na lang at naitakbo kaagad siya sa ospital ng kapatid niya. Muntikan na siya dun sa suicide attempt niya na yun. At kung hindi naagapan malamang magkasama na sila ni Lance ngayon sa heaven…” dugtong ni Jhen.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko noong mga oras na iyon. Naisip ko na lang na maswerte nga si Lance kasi handang magpakamatay nung boyfriend niya para lang magkasama sila sa kabilang buhay. Naisip ko rin na mali pala ang mga haka-haka ko. Iba talaga ang nagagawa ng pagiging insecure at inggit na rin siguro. Dahil sa rebelasyon ni Jhen sa likod ng mga pangyayari sa buhay ni Russel parang may bumbilyang nagliwanag sa madilim kong isip.
“So ngayon? Magiinarte ka pa?” tanong ni Jennifer sa’kin.
“Eh bakit kasi ngayon mo lang kinuwento ‘yan?”
“Aba, ngayon ko lang naman din nalaman noh? Tumawag sa akin yung kapatid niya kanina, ibinilin sa akin yung kuya niya at ayun i-chinika na sa’kin ni shupatembang yung mga paglalaslas ng pulso epek…”
“Shupatembang? Ano na naman yan?”
“Gaga! Shupatembang! Kapatid!... hay naku naman! Umatend ka nga ng tutorial ko…”
Halos hindi ko naramdaman ang biyahe mula Dasmariñas hanggang Makati. Habang sakay ng Victory Liner, pinagnilayan ko ang mga sandaling nalaman ko. Nakakahiya pala yung mga inasal ko kay Russel. Hiyang-hiya ako sa kanya at maging sa sarili ko na rin. Kailangan ko mag-sorry. Pero paano ba?
Dahil sa nangyari, may natutunan na naman ako. Wag magpadalus-dalos. Hindi lahat ng ilog mababaw, minsan kapag sinisid mo ‘yun magugulat ka na lang na ang lalim na pala.
Ilang minuto bago ako mag-out ito ang eksena:
“Because we need to end this call so that you can perform some steps before we can continue assisting you in resolving your concern, the status of this service request will be pending for the next 72 hours…”
“Okay Luis, thank you so much for helping me…”
“Oh you’re very much welcome ma’am; by the way, you may also receive an e-mail survey regarding the level of service I have provided. Please take a few moments to answer and kindly return it back to us…”
“Okay no problem.”
“So, is there anything else I can assist you with regarding your McAfee software?”
“I think that will be all,”
“Thank you for contacting McAfee, and have a good day! Bye!”
Iyan na ang huling closing spiel ko sa araw na ito. Sa wakas, tapos na rin ang 9 hours na duty. Buti na lang wala akong na-encounter na mga i-rate na mga customers. Yung tipong kulang na lang eh lamunin nila ang mouth piece ng telepono habang sumisigaw. Hindi rin masyadong queuing kanina. Konte lang ang mga calls ko kaya naman na-handle ko siya ng maayos at kalamado. Nakatulong ng malaki ang pagninilay-nilay ko sa bus kanina. Meditation yata ang ginawa ko kaya malinis ang utak ko na sumalang kanina sa floor.
Matapos kong itago ang headset ko sa locker, kumaripas na ako ng lakad palabas. Habang nag-hihintay ng masasakyang bus pauwi ng Cavite ininda ko ang sumasakit kong batok. Haaaay, na-stress na naman yata ako. Habang umaakyat sa loob ng air-conditioned na bus pinatunog ko ang mga buto ko sa leeg at maging ang mga litid nito. Sa mga ganitong pagkakataon ang sarap siguro magpamasahe.
“ilan boss?” tanong ng konduktor
“isa lang, Bacoor…” Sa pag-abot sa aking ng sukli at ticket, bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang makpagpahinga. Kaantukan na talaga kaya hindi ko maiwasang umidlip ng panandalian. Ang panandaliang pagidlip ay nauwi sa mahabang tulog. Nagising ako sa pagtapik sa akin ng konduktor ng bus.
“Boss, dasma na ho ‘to…”
“Ay shet! Lumagpas na pala ako…”
Dali-dali akong bumaba sa bus at nagisip ng aking gagawin. Nang mahimasmasan mula sa pagkakagising, sinisi ko ang konduktor dahil hindi man lang niya ako ginising na nasa Bacoor na kanina. Pero dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako lumagpas, dedma na lang.
“tutal naman nandito na ako, makapg-SM nga…”
Magandang ideya ang naisip ko. Pampapawi din ng stress ang pagpasok sa mall. At dahil alas-diyes y media na rin ng umaga bukas na ang SM sa mga tulad kong amak sa mga arcades ng Quantum. Muli akong sinalubong ng malamig na air curtain. Ang sarap talaga nang feeling nung humahampas sa’yo ang malamig na hanging dulot ng aircon. At kahit mukha na akong dugyuting bata dahil kagabi pa ako gising, taas noo pa rin akong umakyat sa pamamagitan ng escalator.
Wala pang katao-tao sa loob ng Quantum. Siguro mabibilang ko pa sa mga daliri ko ang mga naglilibang sa loob ng amusement center. Mas ginanahan tuloy akong pumasok at maglaro muli ng Time Crisis. Nagmamadali akong bumili ng mga token na nung mga panahong iyon ay siyete pesos pa ang isa.
Sa hindi sinasadyang pangyayari, binunggo ako ng isang matabang bata kaya naman sumabog sa sahig ang mga binili kong token. Baka akalain nila na nais kong magpaagaw ng token sa mga bata. Nagkalat iyon at nagpagulong-gulong sa paligid. Ang clumsy ko talaga o baka sadyang inaantok na rin ako kaya ganun.
Pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat na token. 10 token yun, sayang naman kung hahayaan ko na lang ang ibang nahihirapan hindi matanaw ng aking mga inaantok na mata.
“Kulang pa ng isa…” bulong ko sa sarili ko.
At dahil nawalan na ako ng pasensiya kakahanap, hinayaan ko na lang.
Saktong pagtayo ko isang binata ang nag-abot sa akin ng pang-sampung token na nawawala.
Sa pagtayo ko nginitian niya ako na parang walang nangyari nung nakaraang araw na huli kaming nagkita.
Sa pagkuha ko ng ika-sampung token napako ako sa kanyang mga mata.
Parang may kung anong nagpahinto sa bawat sandali. Parang may sumigaw ng: “TIME SPACE WARP NGAYON DIN!”
At bigla akong nabato-balani nang mapansin kong pereho pala kami ng kulay ng damit. Pink na t-shirt din ang suot niya.
Nang mabasa ko ang naka-print sa harap mas lalo akong naloka: “IM PROUD TO BE GAY”
“Real men wear pink pala ha?” bulong ni Russel sa akin na nagpagising sa inaantok kong diwa.
Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
She has an eye that could speak, though her tongue were silent. –Aaron Hill
CHAPTER 4: “CLICHE”
“Mahilig ka talagang maglaro ng mga arcades?”usisa sa akin ni Russel
“Ah oo, nung bata ako madalas kami sa mga amusement center nina nanay… kaya medyo nakasanayan ko na rin…Ikaw? Hindi ka ba mahilig sa mga ganito?”
“Ako? Okay lang. pero madali kasi akong magsawa eh… nung bata ako kapag may bago akong laruan after 3 days sawa na kaagad ako.”
“Maluho ka siguro nung bata ka noh?”
Napakamot siya ng ulo sa tanong ko kaya parang defensive siyang sumagot kaagad.
“Maluho? Hindi ah… sunod lang siguro ako sa layaw nung nabubuhay pa mga parents ko.”
“Wala na sila?”
“Oo… maaga kaming naulilang magkapatid kaya si Lola na yung nagpalaki sa’min.”
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.
Isang bagong rebelasyon na naman ang nalaman ko mula kay Russel.
Wala na pala siyang mga magulang. Rumehistro sa mga mata niya ang pangungulila sa kanyang ama at ina.
“Minsan nga naiisip ko, bakit ba lagi na lang kinukuha sa akin ng Ama ang lahat ng taong mahalaga sa buhay ko…” dugtong niya.
Biglang nabahiran ng lungkot ang mala-anghel niyang mukha. Ang masiglang aura niya kanina ay naging lugami. Ganito pala malungkot si Russel, napakatransparent niya rin.
Sa kagustuhan kong maiba ang daloy ng aming usapan at para hindi na rin malungkot ang lalaking nasa tabi ko ngayon, itinigil ko na ang paglalaro ng Time Crisis. Masyado akong naapektuhan sa mga sandaling nangungusap ng lumbay ang mga mata ng aking karibal. Para bang bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya na hindi ko malaman kung bakit. Naisip ko na lang na maswerte parin pala ako at kumpleto ang pamilya namin. At kahit hindi kami ganun karangya, mayaman naman kami sa bawat kalinga nina nanay at tatay.
“Halika na nga Russel, kain tayo… nagutom ako sa drama mo eh…” birong banat ko sa kanya.
“Loko ‘to ah… hindi ako nagda-drama noh!”
“O siya sige na, hindi na drama yun… halika ka na kain tayo!”
“Hindi mo na tatapusin ang paglalaro? May pitong token ka pa ha…”
“hayaan mo na, saka na lang…” sabay hatak ko sa kanya palabas ng Quantum
Parang batang nagpahatak ang mokong sa’kin kaya hanggang sa pagbaba sa escalator wala akong kamalay-malay na hawak ko parin ang kamay niya.
“Pwede mo naman na sigurong bitawan yung kamay ko noh?”
“Ay sorry…”
Shocks! Napahiya ako dun ah. Hindi ko naman sinadya na hawakan yung kamay niya ng matagal. Baka kung ano ang isipin ng mokong na’to ah. Palibhasa kasi puyat ako kaya medyo aaning-aning narin. Tangna talaga!
“Oh saan tayo kakain?” tanong ko sa kanya maiba lang ang usapan.
“dun na lang sa Mcdo…”
Isang makahulugang ngiti ang kanyang pinakawalan habang sumasagot sa tanong ko. Kakaiba yung mga tingin niya na kahit alam kong walang ibig sabihin ay pwedeng bigyan ng kahulugan.
Pero dedma lang! Tulad nga ng sabi ko:
“Palibhasa kasi puyat ako kaya medyo aaning-aning narin.”
Isang tipikal na lunch ang ginawa namin ni Russel. Medyo nagkaroon kami ng dead air sa isa’t-isa habang kumakain. Ayaw ko naman i-break yung silence kasi hindi ko pa siya ganun kakilala at kabisado. Malay ko bang gusto niya ng tahimik at maayos na set-up habang naglu-lunch? Hindi pa naman ako sanay ng ganun. Nasanay kasi ako sa bahay na habang kumakain, merong balitaktakan at kamustahan. Kaya wala akong choice kundi sabayan ang katahimikang tinahi ni Russel at muling paiiralin ang pagiging observant sa mga yugtong ganito.
Napansin ko na kumuha siya ng dalawang straw at inilagay sa plastic cup na may lamang iced tea. Akala ko dalawang straw ang gagamitin niya pero isa lang yung pinagsipsipan niya at sadyang iniwang nakasawsaw ang isa. Siguro isa lang ito sa ritwal niya kapag kumakain sa fastfood chain tulad nito. Pagkatapos naman maubos ang large na fries, pinunit ni Russel ang karton nito. Pinagpira-piraso niya hanggang sa naging mistulang mga confetti na pwede nang ihagis sa loob ng Mcdo. Hindi ko rin alam kung ano na namang klaseng ritwal ang isinasagawa niya noong mga oras na iyon. Pero kung ano man iyon, wala na akong balak na alamin pa. Curious man ako, pero ayaw ko na ring usisain pa. Baka tablahin lang ako ulit.
“sa totoo lang Luis, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik si Lance…umaasa parin ako na mabubuhay siya at babalikan niya ako.”
Iyon ang mga katagang bumasag ng todo-todo sa katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang magiging initial reaction ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung paano ko pakakawalan ang emosyon ko. Nakakatawa na nakakakilabot na parang nakakalungkot. Tipong ganun ang nangibabaw sa damdamin ko. May kung anong hangin din ang nagpabigat sa baga ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Pero isa lang ang masisigurado ko, masyadong makapangyarihan ang moment na ito para matablan ako sa mga sinabi ni Russel. Ito na siguro ang tamang pagkakataon ko. Panahon na.
“Im sorry Russel…”
“Sorry? For what?” napakunot ang kilay niya sa winika ko.
“Nalaman ko ang mga pinagdaanan mo nung nawala si Lance… Im sorry kung masyado akong naging rude sa’yo…”
“Sssshhh… tama na Luis… okay na yun… hindi big deal sa’kin yung ginawa mo…”
Hindi ko alam kung bakt ininterupt niya ako sa sasabihin ko. Siguro ayaw niya lang marinig yung salitang “suicide” na minsan niyang ginawa. O baka naman ayaw na niyang pahabain pa ang explanation ko kasi nga para sa kanya, hindi naman dapat pang pagtalunan pa.
Natapos ang tanghaling iyon ng maluwag sa aking dibdib. Hindi ko man masyadong nabasa ang nilalaman ng bawat salita at mga nangungusap niyang mga mata, siguro sapat nang malaman ko na hanggang sa ngayon hindi niya parin makalimutan si Lance. Si Lance na minsan ay kinabaliwan ko rin ng sobra-sobra. Sapat na rin na malaman ko na isang “emo” rin pala si Russel.
“See you next week Luis…” paalam ni Russel sa akin.
I write to convey what I think. I write to put into words what I believe. My BLOG serves to enlighten, commune, and engross. If you are offended or insulted by what you read, then you are at freedom to leave this Site right away.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.
No part of this work may be reproduced and/or used in any form or by any means- electronic, mechanical, printing, photocopying, recording or otherwise without written permission of the author except in the case of brief quotations embodied in the story. Plagiarism is stealing/using words or ideas as one's own. Re-posting stories/quotations as one’s own without giving credit to the original author is tantamount to plagiarism.
Hindi ipinapahintulot na sipiin ang anumang bahagi ng kwentong ito sa paano mang paraan nang walang pormal at nakasulat na pahintulot mula sa may akda. Ang plagiarism ay isang paraan ng paggamit/pagnanakaw ng mga salita o ideya ng isang awtor upang gamitin at angkinin bilang kanilang gawa.
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/ "There will be a moment when you're eyes meet and everything in the world is simple again." [Michael Edwards] CHAPTER 5: “CONSEQUENCE”
Happy birthday to you, this is your day. On this day for you we're gonna love you in every way. This is your day, your day, happy birthday to you, to you, to you.
Happy birthday to you, you're still young. Age is just a number, don't you stop having fun. This is your day, your day, happy birthday to you. This day only comes once every year, Because you're so wonderful with each and everything you do, hey!
“Akala ko may children’s party dito sa bahay mo eh… Nandiyan na ba yung mga Boyoyong clowns?” biro ko kay Jhen habang inaabot sa kanya ang regalo ko.
“Gaga! Tayo-tayo lang noh!”
“Pano ba naman, mag-sasound trip ka lang happy birthday song pa!”
“Birthday ko kaya!” sabay lipad ng umirap niyang mga mata sa kisame.
Hininaan ni Jhen ang cd player niya. Siguro napagtanto niya na hindi kami magkarinigan.
“Teka, kanino bang version yan at parang ngayon ko lang narinig?”
“Gandara diba? New Kids on the Block kumanta niyan… dinownload ko kanina… para naman magkaroon ng spirit ng birthday ang bahay…”
“Spirit, spirit ka pa… baka mga ligaw na kaluluwa pa matawag mo!”
“Tseh! Halika nga dito! Wag kang magmaganda diyan at feel na feel mo pang umupo sa sofa naming 50 thousand pesos ang halaga! Tulungan mo akong gumawa ng graham cake…”
Hinatak ako ni Jhen papuntang kusina. Kung tutuusin, hindi naman kalakihan ang bahay nila pero halatang mamahalin ang mga kasangkapan na mukhang galing pa sa kalakalang galyon mula tsina. At talagang malinis at masinop sila sa mga kagamitan. Sa pagkakaalam ko kasi magisa lang dito si Jhen. Ang mga magulang niya ay nasa Canada na at kapag naayos na ang mga papeles niya ay i-pepetisyon na rin siya para doon na rin mamuhay. Pinaupo ako ni Curacha sa monoblock habang siya naman ay kinukuha ang mga ingredients sa loob ng cabinet.
“Wow! Graham! Favorite ko yan!!!”
“Hoy beki! Kunin mo yung can opener dun sa cabinet at buksan mo itong nestle cream at fruit cocktail…”
Sunod-sunuran naman ako sa utos ng mala-diktador na si Jennifer. Kinuha ko ang abrelata sa lugar na tinuturo niya. Sa itsura pa lang ng pambukas parang lalamunin na ako kasi hindi ko siya alam kung paano ito gamitin. At kahit hindi ko alam kung paano magbukas ng lata gamit ang kasangkapang hawak ko, pinilit ko parin. Nagmamadali kong pinalakad ang ngipin ng can opener sa gilid ng lata. Pinihit ko ang pinaka-ikutan nito upang kumapit sa edge ng lata.
Wala pa sa 2 inches ang nabubuksan ko nahiwa na ako ng talim ng lata.
“Ouch!!! Shit!” bulalas ko.
“Hala! Bakla ka talaga!”
Tumulo ang dugo sa de tiles na sahig nila sa kusina. Parang dinagtaanng kulay pulang likido ang mala-bulak na kaputian ng sahig. “Paano ba kasi gamitin ‘to?” tanong ko kay Jhen
“Ay? Shongaers? Akin na nga yan!”
Inagaw ni Jhen ang abrelata sa kamay ko. Sabay sambit ng mga quotable quotes niya: “Alam mo Luis, ang pagbubukas ng lata gamit ang can opener ay parang love lang… kung first time mo at wala kang alam, malaki ang chances na masugatan ka. Pero kapag alam mo na kung paano, kahit nakapikit ka kayang-kaya mo na…”
Naalala ko ang unang pagkakataong mahulog ng todo-todo ang loob ko kay Lance. Sabi ko nga, first time ko pa naman main-love tapos masasaktan pa ako.
Hinugasan ko naman sa gripo ang duguan kong daliri. Hindi ko matingnan ng diretso. Sa totoo lang takot ako sa dugo. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nandidiri lang ako, o baka sadyang may trauma na ako sa sakit, o baka psychological lang tulad nga ng sabi ni Lara.
“Bakit hindi mo sinama yung kapatid mo?” usisa ni Jhen habang pinagpapatuloy ang naudlot na pagbubukas ng lata.
“Exam daw niya bukas eh… alam mo naman yung kapatid kong yun, napaka- studious.”
“May band aid diyan sa kabinet, nakalagay sa box…”
Ding…dong… ding… dong…
Parang kampanang umalingawngaw ang doorbell nila Jhen sa buong kabahayan. Naging hudyat iyon upang lisanin niya ang kusina at magtungo sa labasan.
“Ayan na siguro sina Papa Russel. Saglit lang ha papapasukin ko lang sila…”
Kumaripas ng takbo palabas si Jennifer. Excited ang gaga sa pagdating ni Russel. Nakaramdam muli ako ng kakaibang feeling na kumikislot sa kaibuturan ng aking damdamin. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang ganoong pakiramdam. Siguro excitement na matatawag ang ganun.
Binuksan ko ang tukador kung saan nakalagay ang band aid na i-noffer ni Curacha kanina. Nurse na nurse talga kasi kumpleto sa mga kagamitang pang-first aid ang nasilip ko.
Segundo lang ang pagitan nang magulat ako sa narinig kong mga yabag ng paa pababa ng hagdanan nila Jhen. Palibhasa nakatalikod ako sa may hagdan kaya hindi ko masyadong napansin na may pababa pala mula sa second floor nila.
Inaninag ko ang taong bumababa. Nagtataka ako kung sino yung nilalang na iyon. May kasama pala si Jennifer dito, at ngayon ko lang nalaman. Ilang baitang na lang pababa makikita ko na kung ano ang kanyang mukha. Pero sigurado na akong lalaki ang taong tinutukoy ko dahil sa laki at bigwas ng katawan niya.
Sa pagharap ng mukha niya sa akin nagulat ako sa aking nasilayan.
Isang maskuladong lalaki, na nasa late 20’s. Mas mataas siya sa’kin ng kaunti at halatang adik sa pag-gygym.
Isang nakakabanas na ngiti sa kanyang labi ang kanyang binato sa gulat na gulat kong emosyon.
“Shocks…” tanging naibulong ko sa hindi makapaniwala kong diwa.
“Sabi ko na nga ba kalahi rin kita eh…”
“Anong ginagawa mo dito? Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?”
“Hello? Bahay ko ‘to noh? Adik ka ba?”
Siya ang lalaking lumapit sa katabing urinal noong umihi ako sa CR ng SM ilang linggo na ang nakakaraan. Siya yung lalaking manyak na nilaru-laro ang tinatagong sandata at pilit na iwinawagayway sa hangin. Siya ang lalaking lumapit sa aking likuran habang naglalaro sa Quatum at nagbitaw ng nakakabastos na mga paanyaya:
“Ang galing mo maglaro ha? Sa kama din ba magaling ka makipaglaro? Bro? sex tayo?”
Ang mabilis na pag flash back ng aking gunita ang nagpakulo muli sa aking dugo. Mabilis ding lumapit sa akin ang lalaki at umaktong hahahawakan ang aking nananahimik na alaga.
“Pwede ba wag ka ngang magulo!” Mahinang sita ko sa kanya.
“Hindi ako magulo, malibog lang ako…”
Tinuloy niya ang balak niyang panghihipo ngunit mabilis akong nakabalikwas upang makailag sa nagbabadyang demonyo ng pagnanasa.
“I heard, sister mo si Lara?”
“Kilala mo kapatid ko?”
“Of course! estudyante ko kaya siya…”
Umikot siya ng bahagya at muling lumapit sa akin. Parang umikot din ang isip ko at medyo naguluhan sa mga pinagsasabi ng lalaking nasa harapan ko. Parang namanhid ang hiwa sa aking daliri na kanina lang ay iniinda ko.
Mistulang eroplanong lumapag ng mabilis sa kanyang paliparan ang kanyang kamay. Dumausdos ito papasok sa suot kong pantalon.
“Wag kang magalala Luis, hindi kita isusumbong sa kapatid mo na isa kang bakla!”
Nabigla ako sa mapangahas niyang mga galaw at matatalim niyang salita kaya medyo tumaas ang tono ng pananalita ko sa kanya.
“Sige, subukan mo lang sabihin sa kanya! Humanda ka sa’kin kapag nalaman niya!”
Tinulak ko siya palayo sa akin. Kahit nasa teritoryo niya ako kaya ko parin siyang i-reject tulad ng unang ginawa kong pang-rereject sa kanya sa SM.
“Bakit ano bang kaya mong gawin sa akin na hindi ko kayang gawin? Basta ako, meron akong kayang gawin na alam kong hindi mo kaya…” panunukso niya sa’kin
“Ano bang gusto mo ha?!”
“Gusto ko? Kaya mo ba ibigay ang gusto ko? Ikaw ang gusto ko! Simple lang diba?”
“Mukha mo!” kasunod ng fuck you sign na idinuro ko sa kanya. “I’m gonna suck you later Papa Luis!”
Mabilis na umakyat pataas ang hayup na lalaking yun. Sinundan ko ng masamang tingin ang pagakyat niya sa ikalawang palapag ng tahanan nila. Halos tunawin ko ng irap ang bawat baitang na dinaanan niya.
Hayup talaga! Nakakapikon! Nakakabuwiset! At dahil ayaw kong masira ang araw ko, pinilit kong mag-shift ng mood at dinivert ko ang emosyon sa paggawa ng graham cake. Inisip ko na lang na nangiinis lang siguro yun kasi nakikita niya sa mata ko ang pagkagulat at pangamba sa kanya.
Maya-maya lang ay pumasok na si Jennifer. Sa wakas. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
“Akala ko naman sina Russel na…” sambit ni Jhen habang papasok, bitbit ang kahon ng cake mula sa Goldilocks.
“Nag-padeliver ka?”
“Ah oo, wala na kasing time si akez para bumaysung sa labas…oh ano okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka? dahil ba sa dugo?”
Oo nga dahil sa dugo kung bakit nag-iba ang timpla ng mukha ko. Tumaas ang presyon ko sa inasal ng lalaki mula sa itaas. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko, tinanong ko na si Jennifer.
“Jhen? Sino yung lalaking malaki ang katawan na kasama mo dito?”
Natawa ng bahagya si Jhen sa tanong ko. Hindi ko alam kung bakit. “Ah yun ba? Talagang pinuna mo talaga yung kalakihan ng katawan niya? Bakit bumaba ba si Andrei?”
“Andrei? oo kanina nung nasa labas ka…”
“Ate ko yun, I mean, Kuya pala! Ha! Ha!”
“magkapatid kayo!??” halos lumuwa ang mata ko sa ibinulgar niya.
“Yizterday once more! bakit? hindi kami magkamukha noh? Mas maganda ako sa kanya!”
“Puro ka kagagahan Jennifer! Teka, akala ko nagiisang anak ka lang…” usisa ko sa kanya
“Hmmm… kasi si kuya nag-mamasters sa Dubai, mas pinili niya dun mag-aral kasi nandun din daw mga “friends” niya na kumukuha ng masteral.”
Napatango lang ako sa sunod-sunod na kwento ni Jhen patungkol sa kuya niya.
“eh ayun naisipan na niyang bumalik dito kaya ayan wala ako choice, nagpapart-time siya diyan sa La salle ngayon…” dugtong pa niya.
Humupa ang nag-uuromintado kong dugo nang malaman kong magkapatid sila ng kaibigan kong hitad. At saka medyo natawa rin ako sa mga banat niya. Napakaliit lang talaga ng mundo. Biruin mo yun, estudyante niya pala ang kapatid ko at ang mas malupit pa kapatid siya ng kaibigan ko. Haaaay, ano ba yan!
“Alam mo ba may chika ako sa’yo…” dagdag trivia ni Jennifer.
“Huh?”
“PLU siya…” bulong niya sa’kin.
“Anong PLU?”
“People Like Us! Malakas ang kutob ko, bading si kuya. Nako! Kahit hindi niya aminin sa’kin, nanunuot sa ilong ko ang kalansahan niya. Feeling ko kaya ayaw niyang aminin kasi baka akala niya mawawala ang respeto ko sa kanya… eh keri lang naman yun! Kung alam niya lang, bakla rin ako!”
Doon ko naisip na hindi pala close si Jhen at ang sinasabi niyang kuya. Kaya naman pala parang may maskarang nakatakip sa kanya habang kausap ko kanina. Maskarang mas makapal pa kaysa sa suot-suot kong maskara.
Napagdesisyunan ko rin na huwag na lang ikwento kay Jennifer ang kung ano mang mga kaganapan sa pagitan namin ng kuya niya. Hindi naman na siguro lalaki ito. At saka mahirap na, ayaw kong pag-ugatan ng away ng magkapatid. Okay lang naman.
“Ikaw Luis? Bakit ayaw mo ipagtapat sa kapatid mo ang tunay mong pagkatao?” buwelta niya sa’kin.
Mahirap ang tanong pero ito lang din ang unang sagot na naisip ko:
“Same reason na naisip mo… ayaw ko mawala respeto niya sa’kin…”
“Haaay nako! Maniwala ka sa’kin hindi mawawala yun!”
“Siguro sa’yo, pero iba si Lara…, hindi kayo magkapareho ng ugali.”
“Sa bagay, corrected by! May point of intersection ka dun neng!”
“Pero may plano rin akong ipagtapat, hindi lang kay Lara pati na rin kina nanay at tatay… bahala na kung matanggap nila ako o hindi. Hahanap muna ako ng tamang tiyempo.”
“Good… parang paggawa lang ng graham yan eh. Bawat layer ng crackers nilalagyan ng cream. Sa umpisa siyempre hindi kaagad lalambot yung bawat layer… saka lang lalambot yun kapag nilagay na sa ref.” sabay lagay sa ref ng ginawa naming graham cake.
Parang gusto kong maglaslas ng pulso gamit ang can opener sa mga words of wisdom ni Jhen ngayon. “Sa madaling salita? ” tanong ko sa kanya.
“Sa madaling salita, kung hindi man lumambot ang mga puso nila at matanggap ang tunay mong pagkatao, darating ang time na matatanggap din nila yun… basta palamigin lang. oh ha?!”
“Loka-loka ka talaga! Siya nga pala jhen, nagkita kami ni Russel nung nakaraang linggo sa SM…”
Ding…dong… ding… dong…
“Speaking, nandiyan na sina Papa Russel!”
Automatic na lumabas si Jhen para pagbuksan ng pinto ang mga bisita. Sa ilang segundong lumalabas si Jhen, kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang dahilan sa likod ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
Kinawayan ako ni Jerome pagpasok niya sa munting mansion ni Jhen. Samantalang si Russel parang hindi ako napansin. Dedmahin ba ako? Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong meron. Isinalang ni Jhen ang isang Korean movie sa DVD player. Inilabas din niya ang 3 bote ng lambanog sa kabinet. Bubble gum flavor iyon. Lasingan yata ito.
“Naks! Magpapainom si Jhen!” papuri ni Russel.
Muli kong narinig ang tinig niya. Muling sumilay ang ngiti niya sa kanyang mukha. Sa pagkakataong iyon napatingin siya sa akin at napako ang tingin niya sa akin ng ilang segundo. Hindi galit. Hindi rin saya. Medyo may kahulugan tulad ng dati niyang mga tingin. Umiwas ang mata ko at nagpanggap na hindi ko siya napansin. Bilang ganti na rin sa pandededmang ginawa niya.
“Wag ka ngang asyumero!” sabi ko sa sarili ko.
Kainan. Inuman. Tawanan. Habang lumalalim ang gabi paingay kami ng paingay. Sumasabay sa paglalim ng gabi ang hindi mapakaling daliri ni Russel. Kanina pa siya text ng text. Nakikiayon din sa paglalim ng gabi ang mapupulang pisngi ni Jerome na halos kakulay na ng suot niyang polo shirt. Dala siguro iyon ng alak na iniinom namin.Umiikot ang shot glass a aming apat. Bawal ang pass muna, dahil sabunot ang aabutin naming kay Jhen. Kailangan maubos ang 3 bote ng lambanog na inihanda ni b-day girl.
“At dahil nalalasing na kayo, maglalaro tayo ng truth or consequence!” entrada ni Jhen.
“Jhen, diba dumating na kuya mo? Bakit wala siya?” singit na tanong ni russel.
“Haaay nako, alam mo naman yun… masakit daw ang ulo…”
“Aah oo nga daw…” mabilis na pagsang-ayon ni Russel sabay ngisi.
Kinuha ni Jennifer ang bote ng coke litro at inilapag sa gitna naming apat. Maglalaro daw kami. Truth or consequence. Isang pang-high school na kalokohan. Naalala ko pa nga huling laro ko nito halos magtatalon ako sa tuwa dahil never tumapat sa akin ang pinaka-nguso ng bote. Sana ganoon din ngayon. Saniban sana ako ng swerte. At sana ambunan na rin ng lakas ng loob kung saka-sakaling tumapat sa akin ang umiikot na bote. Pinaikot ni b-day girl ang bote. Lahat kami ay titig na titig kung kanino unang tatapat maliban kay russel na patuloy at walang humpay pa rin sa kakatext. At dahil hindi siya nakatingin, sa kanya huminto ang bote. Siguro naramdaman ng bote na hindi siya interesado kaya sa kanya ito tumapat.
“Oh Russel, ikaw! Haha” sambit ni Jerome.
“anong ako?”
“Truth or consequence?”
Parang paghuhukom ang tanong ni Jhen. Paano kapag ako na yung mamimili? Ano pipiliin ko?
“consequence!”
Walang paliguy-ligoy na iyon ang pinili ni Russel. Parang hindi man lang siya nagisip. Ibinaba niya ang hawak niyang cellphone at itinuon ang pansin sa ginagawa naming “laro”. “Consequence? Okey sige, kiss mo nga si Luis sa lips? Gusto ko torrid ha?”
“hala??!”
Napa-putang ina ako sa utos ni Jhen. As in putang ina talaga! Biglang nawala ang tama ko. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko. Hindi ma-explain. Hindi mailarawan. Daig pa ang pakiramdam ng nagrerecite ng declamation piece sa harap ng 1,000 katao.
“oh ano Russel?” dagdag pambubuyo pa ni Jerome.
“ilang segundo ba?”
Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Parang tinahi ng laway ko ang bibig kong hindi kayang makapagbitaw ng alinlangan o hindi pagsang-ayon.
“10 seconds! Okay game! Timer starts now!” sigaw ni Jennifer. Sampung segundo. Huminto ang aking mundo. Hinalikan niya ako. Sa loob ng sampung segundo, naging isa ang aming mga labi. Sampung segundong katahimikan. Sampung segundong kakiligan. Nabingi ako sa buong paligid. Parang nag-mute mode sina Jhen at Jerome. Pinikit ko ang aking mata. Sinadya kong damhin ang malambot niyang labi. Pinukaw niya ang uhaw kong puso, at dehydrated kong kaluluwa.
“Okay! Time is up! Baka mawili! Haha” interrupt ni Jerome sa nagspark na sandali.
Natawa ang tatlo sa resulta ng consequence. Ako? Parang hindi ko alam kung makikitawa ba ako o tatahimik na lang. hindi ko alam kung gusto ko ba yung nagyari. Masyado akong nagulat sa sunod-sunod at mabilis na pangyayari. Parang sinadya.
Muling pinaikot ni Jhen ang mahiwagang bote. Mabilis na umikot ito. Parang nagbabadyang ako na ang susunod na biktima. Nais ko mang takasan ngunit hindi pwede. Kailangan kong harapin ito. Kaya naman para makabwelo mula sa eksena kanina, nagpaalam muna akong iinom at iihi na rin. At nagsabing kung sakaling sa akin tatapat ang bote, consequence ang pipiliin ko. Tinungo ko ang kusina at doon huminga ng malalim. Humugot ako ng ulirat sa kaninang naginginig kong kamay.
“haaay nako Russel…” bulong ko sa aking isip.
Ngunit imbis na makaluwag ang dibdib ko ang paginom ng tubig, may biglang nagpasikip naman ng dibdib ko sa inis.
Parang multong lumitaw sa dilim si Andrei, ang kuya ni Jhen.
“Hi luis, mukhang nauhaw ka sa pinaggagawa niyo kanina ha?”
“Hindi ka ba napapagod kakamasid sa amin? Alam ba ni Jhen na malansa ka?” blong ko sa kanya.
“ito naming si papa luis, wag mo akong takutin kasi baka mamaya ikaw pa ang matakot sa sarili mong multo… patsupa nga?”
Kung gaano kabastos ang bunganga ni Andrei ganun din kabilis ang kamay niya manghipo. Dumapo ang kamay niya sa aking harapan.
“Wow! Pavirgin ka masyado boy! Gusto ko lang naman ipakita sa’yo ‘tong video habang kahalikan mo yung friend mo…ang cute kasi ng eksena kaya kinunan ko kayo kanina… para kasing ang sarap i-upload sa youtube… at tiyak magiging favorite at most viewed ito ng lahat…”
Gusto kong isiping tinatakot lang ako ni Andrei. Tipong nais niya lang akong inisin para makuha na niya ang nais niya. Pero sorry na lang siya dahil hindi niya ako madadala sa mga pamba-black mail niya.
“Oh? Namutla ka yata? Don’t worry, hindi ko ito iuupload…Joke lang, pero sa isang kondisyon?”
“Fuck you!”
“Fuck me Luis!”
Inabot sa akin ni Andrei ang isang piraso ng card. Umalingasaw ang bango ng calling card na iyon. Hindi man kasing lansa ng pagkatao niya, pero kasing sang-sang naman ng ugali niya.
“Ito ang contact number ko, itext mo ako paguwi mo mamaya…o kaya mag-sleep over ka na lang dito…”
“Asa ka pa!” pinunit ko sa harap niya ang iniabot niyang calling card.
“Dalawa ang hawak kong alas…isa lang naman ang hiling ko… matikman ko ang katawan mo… pagkatapos nun pwede na tayong magkalimutan. Pagisipan mong maigi… or else, suffer the consequence, echos!”
Hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang meron ang kuya ni Jhen. Para kasing ang layo ng mga trip nito sa buhay kumpara sa kapatid niyang nakasundo ko naman ng sobra-sobra.
Pagbalik ko kina Jhen, may 3 shot na pala ng lambanog ang naghihintay sa akin. Yun pala ang consequence ko nang matapat sa akin ang bote. At dahil kailangan tumupad sa pinagusapan, ininom ko ng walang kaabog-abog ang 3 shot ng lambanog. Inisip ko na lang na kunyari bubble gum lang yun. at tanging nabulong ko na lang:
From: jesar [history] [block!] Date: 04 Dec 2008, 07:08 paul ur d best gnda ng destiny....lahat b ng story mu n post u sa forum nasa blogspot mo din? dun ko n lng kasi bbsahin e...
From: shaken [history] [block!] Date: 02 Dec 2008, 11:37 yow, magandang gabi, este, magandang umaga. :D just want to comment on your stories... aha, recently visited your blog at kakatapos ko pa lang magbasa.. ^_^ anyway, about your stories, nice silang basahin dahil ang simpleng basahin pero ang lalim. nagtataka nga ako kung totoong nangyari yun eh, pero kudos to you kaibigan! Good job,. keep it up.. lol, nice day mate :D
From: sean john [history] [block!] Date: 06 Nov 2008, 04:40 hayyy sobwaaaaa gling mo nabasa ko ung love triangle na story ka ka shock....ung story sobwa.....gling mo idol
From: kojie_san [history] [block!] Date: 03 Nov 2008, 23:30 paul ang galing mong mgsulat . . .sendan mo naman ako sa email ko ng mga kwento oh . . kng pede lhat . fan mo na ata ako . .tnx .
From: direk_mark [history] [block!] Date: 02 Nov 2008, 02:04 Nice story Paul. I like the Incest... maganda ang pagkakasulat mo dito... It can be translated into short film actually...
Nice one. :-)
I read your stories e... Natutuwa ako at magaling ka magsulat! :-)
From: alexander53 [history] [block!] Date: 01 Nov 2008, 07:46 nice incest story. well detailed and the facts were written concisely. I was thinking if you were a sociologist or a psychologist for that matter. nice.
From: hiamzar [history] [block!] Date: 31 Oct 2008, 23:16 after reading ur posting, all i can do is to cry... un din kc nangyari skin kung bkit ako nging bi... ihate my self, and till now, ive been suffering from this hell life being a gay or wat so ever.... but then, thanks for letting me realize that im not just the only person n ngka ganto. thanks
From: chinit0_guy [history] [block!] Date: 09 Oct 2008, 07:47 hey! N0thng much, just want 2 express how impressd i am aftr i read ur 'destiny'. Natawa p q kc nksma p ung religion q dun. INC dn kc q and 2 be h0nest, kht bwal, mraming gnyan s amin and parang my alam k tlga s INC huh, terms like 'sumamba' alam m, coz we d0nt use 'simba' e. San bng lugar sumasamba yang rusel n yan at mahunting haha
Eneweiz, bitin ako, i may say! Haha sna masundan kagad!
From: plutonium1 [history] [block!] Date: 03 Nov 2008, 08:59 gud morning.. nice ng mga stories mo....
kailan po ung nxt chapter dun s destiny?
God bless... =p
From: rhebz [history] [block!] Date: 27 Oct 2008, 10:58 wee... salamat sa msg.
nakakatuwa, hindi namatay si russel! i really do hope russel and lance end up together.
nice story.
tc xoxo
Follow up: BRO@Oro [msg] [block!] 28 Oct 2008, 00:45
hindi ako mahilig magbasa nang estoryang komiks pero itong story ni Paul ay parang very inviting at di mabitiwan.....i must say parang true at nangyari or nangyayari ang ganitong kuwento.....keep it up Paul you have the best quality nang isang mahusay na manunulat...
From: 1-2-try-me [history] [block!]
Date: 20 Dec 2008, 20:36 ganda ng kwento mo. Galing mo!!!!!!! san na ung karugtong ng lance at Russel?
From: Kristian11 [history] [block!] Date: 20 Dec 2008, 02:23 Just wanna tell you this:
hanga ak0 say0! Ang ganda ng mga sex st0ries m0! Swear!!!
From: tourniquet [history] [block!] Date: 19 Jan 2009, 01:03 elo! ngaun lang ulit ako nakapagbasa ng blog mo, at and DESTINY ang napili ko i-marathon, haha! grabe everytime na umiiyak si Lance nakikisabay ako, haha! grabe ung twist mo sa huli sobrang brilliant, i never see it coming! thank u for sharing this beautiful story! i hope u leave me breathless again sa part 2 ng AKO SI DESTINY!
From: rai_23 [history] [block!] Date: 25 Jan 2009, 17:41 ei tol, congrats ha... galing mong sumulat.. nabasa ko lahat ung akda mo.. danda ng "Ako si Destiny" wala pa bang karugtong un tol?
From: Kent Galang [history] [block!] Date: 30 Jan 2009, 07:33 good stories!
keep it up!
From: "lester_01_89" Sun Dec 21, 2008 11:59 pm
first and foremost, i would like to commend you for the wonderful stories that you have wirtten. though, in the first place, your stories seem to be very erotic and immoral. however, they really convey meaning at the end of the story.. ika nga may moral lesson.. i really salute you for that.. by the way, i'm mark and i am a former seminarian....( i want to become a priest) it is my first time to read your stories.. at talagang napaka-unique ng mga kwento mo.. sa isang upuan lang tinapos ko yung stories na "si tito" at "ang tatlong pagnanasa".. indeed. i like the story of the love triangle. very immoral but very inspiring. you have a very good brain. i believe you're using it rightly..
hanggang dito nalang.. i hope to talk to you more often.. thanks for the stories.. Godbless.
From: sniper23 [history] [block!] Date: 08 Feb 2009, 07:26 kahit nasa work ako naiisip ko yung kwento mo... wishing na sana ako si luis at meron akong russell... lol
From: deejayCOOL [history] [block!] Date: 10 Feb 2009, 01:07 patuloy ka sanag manglikha ng mga akdang ikakaantig ng puso ko... matagal nang bakante ang puso ko at dahil sa mga kwento mo natututunan ng puso ko ng tumibok muli...salamat paulkian...
Follow up: shaken* [msg] [block!] 16 Feb 2009, 09:00
ok mr.paul,, thank you po ^_^ haha, kakakilig naman yun, pero i dunno, affected ako kahit hindi ako makarelate!!
ang galing mo kasing magporject ng image!! katulad ni russel!! sagad to the bones ang pagkainis ko sa kaniya, wahaha! woOt!
From: jeRU [history] [block!] Date: 17 Feb 2009, 22:30 galing tlga ng mga kwento mo.. san marinig ko ulit yung podcats mo sa chatroom... hehehehe
Follow up: jesar [msg] [block!] 04 Dec 2008, 07:00
paul kian THE BEST KA! alam mo b n napawi ang nkkaboring na araw sa office nmin sa pagbabasa ng kwento mo na AKO SI DESTINY? grabe ang galing mo tlga gumwa ng story..nka relate nga ako e..pati ung isa kong officemate khit srt8 nkibasa n rin...ang dami kong n recruit para basahin un...nkkaaliw...? sure ka b n di ikaw si 'lance'? hehe....pwede mo ung ipdala sa mmk or s MGA gUMagwa ng indi film patok un...haay...sana gnyan din ako kagaling gumawa ng story...more power..continue mo lng...ang bata mo pa ang gling mo na....keep it up dud...:)
From: adam_lee01 [history] [block!] Date: 17 Feb 2009, 22:40 idol n kita...gus2 ko rin magsulat...kya lang libro...pwede bang humingi ng tips kung pano sumulat ng epektibo...
Follow up: daniel025 [msg] [block!] 05 Jun 2008, 08:09
oi bro.... ngaun ko lang nbasa mga kwen2 mo..... ang galeng ha.... nkakaiyak ang mga scenes favorite ko ung 3 pagnanasa..... ang galeng mo bro... asan n kaya si alvin? nakaklungkot nmn nde n cia nakita ni jaime..... huhuhuhu...
Follow up: ryse-(rice) [msg] [block!] 25 Aug 2008, 15:17
Galing naman! Ng enjoy ako sa pagbabasa. Kinilig, na-horny, na lungkot, nabigyan ng pag asa. Salamat sa isang magandang istorya paul_kian ;0) marami pa sanang mga susunod na mga istorya.
have a great one!
From: caturse [history] [block!] Date: 22 Feb 2009, 01:54 i Love your works particularly the love triangle story of alvin, jaime and edward.
I used to love gay stories authored and posted by foreign writers. I still do though.
Now I know there is someone in my country that can be at par with other writers of gay stories from other countries.
Kudos!
Follow up: john663 [msg] [block!] 02 Mar 2009, 22:55
nice stories paul kian, kudos to you.im just wondering where the ideas or the stories come from(if thsi all fiction).Mahirap magsulat ng walang pinaghuhugutan , yung iba experience kaya maganda ang plot yung mg astories me ayos e, parang totoo, anyone can relate to your stories, i like your trilogy style story
From: ethan10 [history] [block!] Date: 03 Mar 2009, 01:28 gosh im here in a cafe now.. naiiyak ako sa story mo about contentment. ganyan din nangyari sa akin.. hindi ako naging contented sa relationship ko kaya nagkamali ako. in the end narealize ko na sobrang mahal ko pala sya until now guilty parin ako...
From: pro_nude [history] [block!] Date: 01 Mar 2009, 08:14 superb writing skills. while reading "tatlong pagnanasa" it makes me feel like a part of the story. i felt their joys, triumphs and sacrifices. keep on writing, ur very expressive...
.
From: nikolai23 [history] [block!] Date: 26 Feb 2009, 14:49 galing mo talaga gumawa ng story talagang mararamdaman ang kalungkutan ng mga readers
From: 'Toxic' [history] [block!] Date: 23 Feb 2009, 21:44 hi...nabasa ko yung sa multiply mo....anyway i love it lahat ng naka sulat...merong part na tumatak saken....
there are times in our lives that we must experience to live in PAIN, a time when it's hard to forget and it HURTS to remember. there is nothing WRONG in holding on to the memories of the person we once LOVED. they are all part of us.
kaya hindi dapat maging malungkot...
hindi ka dapat magmukmok!
you're not the only one to feel disappointed by love.
=======================
i love this part... keep up the good work kian ^_^ GodSpeed
From: Jiggy grudge [history] [block!] Date: 23 Feb 2009, 09:04 paul dugtungan mo naman tong story mo about Tito and ung Pagnanas, I really find your stories exhilirating and convincing. One of your avid readers here tnx bro
08/31/2009 5:16 am Subject: Hi paul! Message: Hi paul! Ako pala si maico.. Ü i know u get this from almost everyone whos read your stories pero sasabihim ko parin im a big fan of yours.. Ü your stories really touched me.. Lately naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko.. Pero dahil s stories mo naniwala ulit ako sa love at destiny.. Ü keep up d good work! And continue to touch lives.. As you did to me.. I hope we become good friends.. Ü
gusto ko lang sabihin na i wish u can be an established writer..
hav u tried scouting for publisher?
i mean there would a good market for ur great writing..
sa dinami-dami b naman natin.. eheh..
kudos bro! and more power..
From: jeh316126 At: 25. Apr. 2010 - 10:18 i ♥ the stories.. actually i'm not fond of reading stories... I just simply hooked on your posts
From: edgesy02 Chat At: 27. Apr. 2010 - 18:57 ganun..nakakaiyak yung life story mo pero ang ganda.. idol na kita hehe..hope to meet you soon..
From: Alipinmo143 Chat At: 28. Apr. 2010 - 19:44 isa kang talentadong manunulat mr. paulkian,
hayden8 28. Apr. 2010 - 18:24 binasa ko kagabi ulit ang destiny.. and as always, it left me in tears.. kelan ang next na chapter sa Have you ever felt the same?
-maico (avid reader) ^___^
hayden8 28. Apr. 2010 - 18:26 i shared with my friends yung mga stories mo.. and they all loved them..
From: BaboRobot At: 09. May. 2010 - 17:12 thanks PK. hanap ako ng hanap..dun lahat pala.
yung ke RAMIL..pinrint ko pa yun..binasa ko sa room ko..ang galing mo. Idol na kita.
salamat ulit.
From: PotPot011809 Friends At: 18. May. 2010 - 19:22 Hey! I soooooooooo love your stories... Already read "Ako Si Destiny"... Made me though I don't really cry that much... lol
Anyway, more power! =)
P.S. I made a PDF format of "Ako Si Destiny" so that I can read it on my PSP... is that okay with you? Don't worry, I don't plagiarize... =)
From: geard At: 31. May. 2010 - 20:42 just read on of your stories (as in kakatapos lang). congrats in good taste ang pagkakalahad mo ng mga maseselang bahagi ng kwento. may respeto sa kasarian at kahinaan at pangangailangan ng mga karakter. ipagpatuloy mo ang ganitong klaseng pagsusulat. isang rebolusyon ito mula sa tradisyonal na paraan. indie form of writing. congrats bro.
From: troyyee09 At: 05. Jul. 2010 - 22:27 ui paul nabasa kona yung 2part ng destiny wow tol galing mo! nainlove ako sa charac. ni papa russel pero bkt nman nmatay si papa lance! naiyak tuloy ako! sana mahaba pa yung story! may tanong ako base b yun sa true2life story! para kc may nabasa ako na parang may dedication ka! nakalimutan ko yung name,, feeling ko patay na yung sinasabi mo dun sori ha curious lang!! pero wow hanep galing mo!
akosichichi 11. Jul. 2010 - 00:06 wow paul kian its so nice to see you online here. alam mo ba na idol kita. sobra. ang ganda ng mga kwento mo! as in! kaka inlove yung ako si destiny. haha. d ko pa nabasa yung part 2 gusto ko pag tapos na aha
From: imconservative Chat At: 30. Jul. 2010 - 19:35 i am reading your story "DEstinY." It was refreshing, feels like id been transported back in time, college life.. Keep up the goodwork!! BRAVO! SALUTE!
From: arphie0258 At: 03. Aug. 2010 - 23:38 Hi. Thanks for dropping by.. I've read your blog. I haven't read a blog worth readin after goodtimesmanila... I really liked it.. which made me curious of how you look.. pede isang pic naman dyan.. hehe!!
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
“I am like a falling star who has finally found her place next to another in a lovely constellation, where we will sparkle in the heavens forever.” -Amy Tan
CHAPTER 6: “FALLING STAR”
Tumingala ako sa kalangitan. Pinuno ng mga bituin ang madilim na kalawakan. Sabi nila kapag marami raw bituin sa langit wala daw pag-asang umulan. Walang kahit isang posibilidad na mahulog ang mga patak ng luha mula sa langit. Sayang, ready pa naman akong magpaulan kung saka-sakali at saluhin ang bawat butil at patak nila.
Iniyuko ko ang aking ulo at tiningnan ang oras sa aking relo. Pasado ala-una na ng madaling araw.
Isa-isa na kaming naglabasan sa munting tahanan ni Jhen. Pagkatapos kong inumin kanina ang 3 shot ng lambanog, iyon din ang naging katapusan ng gabi. Sinalubong naming apat ang sumunod na araw. Isang araw na kung saan para sa akin ay kasunod na level ng aking buhay. Parang Time Crisis lang kumbaga.
Sa labas, dalawang motorsiklo kaagad ang tumambad sa akin. Naka-motor pala sina Russel kanina nung dumating. Maya-maya lang eh bumilis ang pacing ng bawat eksena.
Sumenyas si Jerome na mauuna na sakay ng kanyang motorsiklo. Humarurot si Jero papalayo habang patalikod na kumakaway sa aming tatlo. Naalala ko yung sinabi ng kaibigan ko nung highschool. Sabi niya wag ka daw kakaway ng patalikod kasi dadating daw yung panahon na magkakalimutan kayo. Ang taong kumaway at ang taong kinawayan, makakalimutan ang isa’t-isa. Kung iisipin nga naman isang melo-dramatic ang ganung senaryo. Nakatalikaod, naglalakad palayo. Tapos kumakaway, pero hindi nakatingin sa kinakawayan. Pero naisip ko rin na isa lamang siyang alamat. Hindi naman totoo yun! Wala namang basehan o kahit na isang katiting na scientific explanation na makapagpapatibay sa mga teorya ng kaibigan ko nung highschool.
Sumunod na sumenyas si Russel. Isang pagsenyas na ang ibig sabihin ay“tara na…”
Ewan ko nga ba kung bakit ang tipid ng mga tao sa pagsasalita ngayon. Pero dahil mahilig naman ako magpadaloy sa agos, hinayaan ko na lang at nanahimik na rin ako.
Biglang pina-arangkada ni Russel ang sinasakyan naming motor. Muntik pa nga akong ma-out of balance sa bilis na pagtakbo nito. Nilingon ko si Jhen na naiwan sa tapat ng gate nila. Kumakaway na ito at halatang antok na antok. At iyon din ang naging hudyat upang lisanin namin ang lugar. Ang lugar kung saan naganap ang unang halik ng aking karibal. Nagsimula na ang biyahe namin ni Russel pauwi. Humahampas sa amin ang lamig ng hanging amihan na nanggagaling mula sa bayan ng Tagaytay. Deadma parin kaya kahit malamig sinalubong parin naming ang salungat na ihip ng hangin. Dumadampi ang hamog sa aking pisngi. Feeling ko hindi lang basta hamog ang kumakapit sa mukha ko. Malamang smog na yun. “huwag kang bibitaw ha? Higpitan mo ang kapit mo baka mahulog ka…” usal ni Russel habang patuloy naming binabaybay ang kahabaan ng highway.
“baka makatulog ako Russel, at tuluyang mahulog. Basta saluhin mo ako ha?”
“Ano ka ba? Hindi kita pwede saluhin, hawak ko ang manibela baka mabunggo tayo kapag sinalo kita…”
Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Sa pagkakataong ito magtitiwala ako na hindi niya ako pababayaan. Kahit alam kong hindi niya ako kayang sagipin, kung sakaling malaglag man ako, o tuluyang makabitaw sa pagkakakapit, ibibigay ko parin sa kanya ang buong pagtitiwala ko.
Alam ko hindi niya ako pababayaan. Lahat ng pagtitiwala ko ibibigay ko sa kanya ng walang pagaalinlangan. As an old saying goes: “Follow your heart, but be quiet for a while first. Ask questions, and then feel the answer. Learn to trust your heart.” sa pagkakataon ding ito magtitiwala ako sa puso ko. Dahil alam ko hindi ako mabibigo. Yun ang paniniwala ko. Iyon ang pananaw ko.
Sa unti-unting pagdilat ng aking mata unti-unti ring ipinarada ni Russel ang sinasakyan naming motor sa gilid ng isang convenient store. Wala siyang kibo kaya nakiayon na rin ako sa nais niyang gawin. Pagbaba namin sa motor napansin ko ang grupo ng mga kapulisan sa bandang dulo ng highway. “Kaya naman pala” naibulong ko na lang sa aking sarili. Pumasok si Russel sa loob ng Ministop. Hindi na ako sumunod sa kanya. Wala naman akong balak bumili ng kahit ano sa loob kaya umupo na lang ako sa may gilid at chineck ang aking telepono. Walang mensahe. Nakakafrustrate. Simula kaninang hapon hanggang sa ngayon wala man lang nagtetext sa akin.
Ilang minuto ang pagitan lumabas na rin si Russel hawak-hawak ang dalawang styro-cup ng kape. Ibinigay niya sa akin ang isa kaya hindi na ako nakatanggi pa. Sabay naming ininom ang mainit na kape habang pinagmamasdan ang mga taong nakamotor na nahuhuli ng mga pulis sa kabilang ibayo. Wala paring kibo si Russel. Moody talaga. O baka wala naman talaga siyang nais sabihin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hindi ko rin alam kung ano ang plano niya. Basta ako tatahimik na rin lang.
Nakatingin si Russel sa kalangitan. Pinagmamasdan niya ang mga bituin na isinabog at nagkalat sa madilim na langit. Ako? Pinagmamasdan ko siya. Sa totoo lang ngayon ko lang siya na-appreciate ng ganito. Okay naman pala si Russel. Hindi ako nagtataka na kahit sino maaaring mahulog ang loob sa kanya. Mahulog na parang isang tala mula sa itaas. “Luis!!! May falling star oh!!!”
Iyon ang nagpabasag ng namamayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa. Isang falling star lang pala ang magiging dahilan upang makapagsambit si Russel ng isang pangungusap. Isang pangungusap na puno ng emosyon.
Tinanong ko siya:
“ano winish mo?”
Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko at pinakialaman ko ang wish niya. Buti na lang at hindi niya ako ini-snob. “winish ko na sana magpakita sa’kin si Lance, kahit saglit lang para makapagpaalam ako sa kanya…”
“nakakatakot naman yung wish mo…”
“bakit ka natatakot? Ayaw mo ba magpakita sa’yo si Lance?”
Ilang sgundo akong na-blangko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napansin niya siguro na na-mental block ako sa tanong niya na yes or no lang naman ang sagot kaya iniba na niya ang question niya:
“Ikaw? Ano winish mo?”
“hindi ko nakita yung falling star eh, pero kapag nakita ko iwiwish ko na sana hindi na matapos ang gabing ito…”
“huh?” pagtatakang reaksyon ni Russel.
Kaya bago pa siya magisip ng kung anu-ano dinugtungan ko na ang sagot ko:
“kasi ayaw kong pumasok sa work bukas ng gabi.. ha!ha!”
Hindi natawa si Russel sa akin bagkus ay tumayo na ito mula sa pagkakasalampak sa semento at muling sumenyas na kailangan na naming umalis. Kahit hindi pa ubos ang iniinom kong kape ay muli akong umangkas mula sa kanyang likuran. Sa pagkakataong ito iniwasan kong kumapit sa kanya. Kailangan kong matutong huwag kumapit sa taong alam kong nagmamaneho patungo sa aming patutunguan.
Tinungo namin ang shortcut. Iyon ang nagpadali ng mga bagay-bagay. Isang uri iyon ng pagtakas sa mga pulis na nagbabadya naman ng pangongotong. Itinuro ko kay Russel kung saan kami dapat dumaan. Patungo iyon sa aming tahanan. Wala pa rin siyang kibong sinuong ang mga dinidikta kong direksyon.
Nagpababa na lang ako sa may kanto, ilang lakad lang ang layo mula sa aming bahay. Ngunit pinilit ni Russel na ituro ko kung saan ako nakatira. Sabi niya mas maigi na daw na malaman niya para next time kung mapadaan siya ulit sa Bacoor pwede niya akong madalaw. Kaya naman hindi na ako nagpakipot pang magpahatid hanggang sa tapat ng bahay namin.
Pagbaba ko sa motor, biglang humarurot si Russel palayo… sumigaw na lang ako ng:
“Salamat ha? Ingat ka!!!”
At ang natatanging tugon niya lamang ay isang kaway habang nakatalikod papalayo sa akin. Talagang nauuso ang mga ganitong eksena ng pamamaalam.
Habang tinatanaw si Russel at ang kanyang motor, tinanaw ko rin ang kalangitan. Kumislap ang isang bituin at nahulog sa kawalan.
“shocks… falling star…” tanging naibulong ko sa aking gunita habang inuusal ko ang aking wish.
Ilang taon ko ring pinaniwala ang aking sarili na matatagpuan ko ang taong makapagbibigay ng paliwanag sa’kin kung bakit ako ganito. Isang lalaking magbibigay ng sign kung bakit ako nagmamahal ng kauri ko. Sa kabila ng magulong mundo at mapanlait na lipunan, inilihis ko ang aking paniniwala at hindi ako nagpadaloy sa agos. Sa agos na alam kong hindi naman ako magiging maligaya, bagkus makakapagpalunod lang sa akin.
Sa loob ng tatlong taong paghahanap ng “prinsepe” sa sarili kong fairytale pinalakas ko ang aking loob na dadating ang takdang panahon na makikilala ko rin siya. Mula sa mga signs at panaginip na masyadong dramatic ay mayayakap ko siya. Mula sa mga gunita na parang nangyari na, makikita ko ang kanyang mukha. Umasa ako na sa bawat jeep na dadaan sa aking harapan o sa bawat taong aking makakasalubong sa daan ay siya ang sagot sa aking dasal.
“Gago ka ba Jared, hindi ‘to fairytale na laging may happily ever after. Hindi lahat ng sign na inaakala mo totoo…, Imulat mo na ang mga mata mo, ito ang realidad!”
Ginalugad ko na yata ang lalim ng gabi. Halos lahat ng party, bar, o gimik ay sinuyod ko na. Nangarap na sana ako si Cinderella na kunwari ay maiiwan ang sapatos upang isaoli ng “prinsepe” ang kapares nito. Ngunit parang wala paring “prinsepe” o maski kahit sinong step-sisters na manghahampas sa mukha ko ng sapatos.
Sinubukan kong tumanghod sa bintana. Alam kong hindi kasing haba ng buhok ni Rapunzel ang buhok ko pero nagbabaka-sakali lang naman ako na may isang kalapating papasok na may hatid ng magandang balita mula sa hari. Isang engagement. O isang pagtitipon na kung saan ipapakilala sa akin ang “prinsepe”.
Nagpanggap na rin akong si Sleeping Beauty. Umaasang may isang “prinsepe” na gigisingin ako at once upon a time bubugbugin ako ng halik sa buo kong katawan. 8, 9, 10, 11, 12… inabot na ng 12 hours ang tulog ko ngunit kahit sa panaginip hindi dumating ang inaantay ko. Minsan sinubukan ko sa power nap baka maging effective, pero bigo parin. Napaka-hopeless ko talaga.
“Gago ka ba Jared, hindi ‘to fairytale na laging may happily
ever after. Hindi lahat ng sign na inaakala mo totoo…, Imulat mo na ang mga mata mo, ito ang realidad!”
Ikinumpara ko ang aking sarili sa ibang taong hanggang sa ngayon ay puno ng ligaya sa piling ng kapwa nila. Bakit si Boy Abunda at yung jowa niya? Bakit yung kapit-bahay naming tibo sa Bulacan? Bakit sina bestfriend at yung boyfriend niyang 6 years na niyang ka-live in? Bakit unfair yata ang mundo?Bakit ako wala pa? Mainipin ba ako o inggetero lang talaga? Maraming tanong na paulit-ulit na namumutawi sa puso’t isip ko. Bitter yata ako.
Naisip ko rin ang ibang kadugo ko na hindi naging matagumpay sa pinili nilang pakikipagsapalaran. Oo, isang pakikipagsapalaran. Ang pagmamahal sa isang kapwa lalaki ay isang malaking giyera. Isang malupit na sugal na kung saan kapag natalo ka daig mo pang natalo ng $500 million. Tipong duguan ka na binabaril ka pa. Yung classmate ko nung college, si Jett yung kaibigan kong effem, si Danah yung kaibigan ko namang operada, Yung teacher ko nung high school, yung mga ex ng ex ko… Putsa! Sobrang dami kumpara sa hanggang ngayon ay maligaya. Pessimistic ba ako o yun ang totoo? Pero naniniwala pa rin ako na I will live happily ever after kasama ang aking “prinsepe”.
“Gago ka ba Jared, hindi ‘to fairytale na laging may happily ever after. Hindi lahat ng sign na inaakala mo totoo…, Imulat mo na ang mga mata mo, ito ang realidad!”
Hindi Niya ako binigo. Muling tumibok ang aking puso. Iba sa mga naunang pagtibok. Ito na yata yun. Kahit may alinlangan pa isinuko ko ang porsyento na dapat kong ibigay. Dahil sa paniniwala ko na dapat ibuhos mo ang lahat kasi minsan lang tayo nabubuhay upang magmahal. Nagtira parin naman ako ng kaunting dignidad upang makilala ko parin ang aking sarili. Ang sarili ko na masyadong nanabik sa kalinga. Sabi nga nila, hindi naman daw tanga ang taong sobra kung magmahal, mas tanga daw yung taong minamahal ng sobra pero nakukuha pang maglandi ng iba… Oh diba may sense?
Lumipas ang ilang buwan. Lumipas ang taon. Ilang awayan na rin ang nagpatibay sa dating uuga-uga naming relasyon. Marami na rin kaming problemang napatumba sa tulong siyempre naming dalawa. At dahil diyan, nagyabang na ako. Taas noo akong humarap sa lahat. Totoo lahat ng paniniwala ko. Nais kong isampal sa lahat ng nagsasabi na kapag nasa same sex relationship ka ito ay pansamantala lamang kasi hindi naman ito ideal. Mga insecure lang sila! Pero nauunawaan ko naman dahil minsan na rin akong napunta sa ganung sitwasyon. Minsan na rin akong naging insekyora.
Kilala ko ang pamilya niya. Kasundo niya ang pamilya ko. Kabisado niya ako mula ulo (mukhang paa) hanggang paa. Kilala ko rin siya, ang buong pagkatao niya at ugali. Iyon ang paniniwala ko. Binatay kong muli sa mga senyales na nakukuha ko. Pati love calendar pinagkatiwalaan ko kasi alam ko magkaugnay kaming dalawa. Kasal na nga lang ang kulang at we will live happily ever after.
“Gago ka ba Jared, hindi ‘to fairytale na laging may happily ever after. Hindi lahat ng sign na inaakala mo totoo…, Imulat mo na ang mga mata mo, ito ang realidad!”
Gumuho ang kastilyong buhangin sa aking fairytale nang sabihin niyang ikakasal na siya sa girlfriend niya. Nakalimutan ko na dalawa pala kaming “prinsesa” sa buhay niya. Isang tunay na prinsesa, at yung isa naman ay nagpapanggap lang. Parang isang suntok mula sa kamao ni Pacquiao ang nagpagising sa natutulog na si Sleeping Beauty. Sa sobrang paniniwala ko sa lahat ng mga prinsipyo at pananaw ko sa buhay, masyado akong nabulag. Hindi ko nakita na hindi ko pala siya pagmamay-ari kasi simula’t –sapol ng fairytale na ito hindi naman ako ang tunay na bida bagkus ako pa ang kerida.
Wala akong magawa kundi isaoli (hindi ang sapatos) ang korona sa tunay na “prinsesa” dahil darating ang araw isisilang niya ang magmamana sa trono ng kanyang asawa. Napakasaklap mang isipin ngunit ganun talaga ang kailangan kong gawin. Marami akong pag-aakala sa loob ng ilang taong relasyon naming dalawa. Kung totoo nga ang kasabihang: “maraming namamatay sa maling akala…”sana nga mamatay na ako ngayon.
“Gago ka ba Jared, hindi ‘to fairytale na laging may happily ever after. Hindi lahat ng sign na inaakala mo totoo…, Imulat mo na ang mga mata mo, ito ang realidad!”
Tama siya sa mga binitawan niyang salita bago niya ako tuluyang iwan. Ito ang realidad. Hindi man ako si Cinderella, o si Rapunzel, o maging ibang fairytale characters na may “happily ever after” sa katapusan. Pwede parin akong maging si Sleeping beauty. Mas nanaisin ko na lang matulog habang-buhay at pangarapin sa panaginip na kami ang magkakatuluyan hanggang wakas kaysa muling umasa at paniwalain ang sarili ko na muling dadating ang “prinsepe” na minsan kong inabangan sa bintana.
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
“Never ask someone out while he’s on a date with someone else. Never ask someone out while you’re on a date with someone else…” -Steven Petrow
CHAPTER 7: “RENDEZVOUS”
Nagising ako sa hampas ng liwanag mula sa aking bintana. Tulad ng nakagawian, cellphone ang una kong sinulyapan. Alas-diyes na pala ng umaga. Nakakatamad pang bumangon kaya naman nagpamuni-muni muna ako sa aking kama. Nilasap ko ang bawat sandaling nakahiga ako sa isang malambot na kutson. Binasa ko ang bawat forwarded quotes na nagmula sa iba’t-ibang kaibigan. Tulad ng dati, dinelete kong lahat ng iyon maliban lamang sa isa na nagmula sa isang unknown sender:
“Sometyms, some1 cumz along & make u forget sum1 else… Remember: they’re not better, they’re juz different…”
Niyakap ko ang aking unan na “life size” ang laki. Niyakap ko siya ng sobrang higpit habang nagbibingi-bingihan ako sa mga naririnig kong boses mula sa labas.
“Masyadong maingay yata ang umagang ito…” bulong ko sa sarili ko habang pinagiisipan kung tatayo na ba ako o mananatiling nakahilata.
Pinakiramdaman ko ang aking sariling ulirat. Hindi naman na ako masyadong inaantok. Binilang ko sa aking daliri ang oras ng aking tulog… 8 hours… Aba! Okey na okey na yan sa isang tulad kong callboy (call center agent). Dahan-dahan akong bumangon. Hinarap ko ang salaming nakasabit sa pader. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Mukhang haggard. Pinuna ko rin ang mga nagpapapansing eyebags ko. At bago pa ako mairita sa mukha ko kinuha ko na ang tuwalya at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Tumambad sa akin si Inay kasama si ka Mila. Si ka Mila yung pinagkukunan ng panindang mga plastic cups, styro, paper plates, at kung anu-ano pang kaplastikang tinitinda ni nanay sa palengke. Kung tatantiyahin siguro nasa early 60’s na ang matanda. Mukhang may bago na naman yatang business proposal itong si Ka Mila. Mukhang iba na ang linya niya ngayon. Nakakawindang kasi ang malalaking kahong dala niya. mistulang ukay-ukay! Ngumiti ako sa kanya bilang paggalang habang nakayukong dumaan sa gitna ng salas. Dumiretso ako sa lababo upang makapaghilamos at toothbrush na rin.
“Ang gwapo talaga ng anak mo Lina…” parang naglalanding sambit ni ka Mila sa aking ina.
“Ay oo, gwapo talaga yan!”
“bute, hindi pa nagaasawa?”
Natawa lang si nanay sa tanong ni ka Mila. Siguro napaisip din siya kung ano ang isasagot niya. At saka teka, hindi pa naman ako ganun katanda para usisain ang pag-aasawa ko. Pakilamerang matanda…Tsk! Tsk!
“Yung apo ko ngang yang si Russel hanggang ngayon wala paring girlfriend…”
Russel? Napakagat ako sa bristles ng sipilyo ko. Si Russel apo ni ka Mila?
“Ba’t ba nandiyan sa terrace yang apo mo ka Mila, papasukin mo nga dito para makainom man lang ng juice…”
“Oi Russel halika nga rine, uminom ka raw ng juice sabi ni ka Lina…” ani ng matanda habang hinahatak papasok ang apo niya.
Inabangan ko ang papasok na si “Russel”. Si Russel ba siya na kakilala ko o isa lamang katukayo at impostor? Nakalimutan ko na ngang nagsisispilyo pala ako kaya para akong naka-freeze habang slow motion namang pumapasok ang mag-lola.
Muling nagtama ang mga mata namin. Sa pagkakataong ito nakangiti na siya. Mula sa labas ng bintana nakita kong sumayaw ang mga sanga ng puno ng caimito. Naglaglagan din ang mga tuyong dahon nito. Si Russel na kasama ko kagabi at ang apo ni ka Mila ay iisa lang pala.
Narinig ko ang pag-apaw ng tubig sa basong pinupuno ko. Bigla akong natauhan mula sa pagkaka-bato-balani sa kanyang mga mata. Nagising din ako sa sigaw ni inay na: “Luis! Yung gripo!” At bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa itsura ko na bagong gising at mukhang nai-standed pa sa banig. Nagtuloy-tuloy na ako sa banyo at napaligo ng ‘di oras.
“Shit! nakakahiya…” bulong ko sa sarili ko.
“Small world ang putah…” muli kong binulong sa nababaliw kong sarili.
Sinubukan kong ikubli ang aking kahihiyan sa loob ng banyo. Halos isang oras akong naligo para lamang mapalipas ang oras, upang paglabas ko ay wala na ang mag-lola. Ngunit sadyang tukso ang mahabang kwentuhan nina nanay at ni ka Mila. Kaya naman napilitan akong lumabas ng palikuran bago pa mangulubot ang balat ko sa buong katawan.
Nakatapis ako ng tuwalya na dumaan sa harapan nila. Wala akong choice dahil yun lang ang natatanging daan papunta sa kwarto ko. Muli akong ngumiti kay ka Mila tanda muli ng paggalang. Si Russel? Hindi ko siya tiningnan. Medyo nailang kasi ako dahil nakatitig siya sa’kin. Pero pumusyaw ang pagiging mestiso niya sa suot niyang kulay pulang t-shirt na talaga namang bumagay sa checkered na brown niyang shorts.
Napatawa ako ng bahagya pagkapasok ko sa aking silid. Maliit lang talaga ang mundo. Magugulat ka na lang na kilala niya pala ang kakilala mo. Magugulat ka na lang na magkadugsong pala ang buhay ninyo.
Tinanggal ko ang nakatapis na tuwalya sa’kin. Bumulaga ang hubo’t-hubad kong katawan sa malayang apat na sulok ng silid. Muli akong sumalampak sa kama. Pinagmasdan ko ang kisame na puno ng glow in the dark stickers. Iba’t-ibang hugis at korte. Ngunit may iisang nagagawa tuwing gabi, ang makapagbigay ng liwanag kahit isang huwad at panandalian lamang. Biglang rumehistro sa’kin ang mukha ni Russel. Ang ngiti niyang parang acetone na nakakatunaw ng cutex sa kuko. At ang mga sumunod kong ginawa ay isang kasaysayang nagdulot sa’king katawan upang manlambot.
“first time kong gawin ‘to habang iniisip kita…” kumpisal ko sa aking sarili.
Walang dahilan upang magtago at umiwas. Kung meron man akong isang bagay na natutunan sa nakaraan ay yung harapin ang lahat kinatatakutan. Teka, hindi naman ako natatakot sa kanya, nahihiya lang. Kaya naman pagkatapos kong ayusin at bihisan ng matino ang aking sarili humarap ako sa aming mga bisita. At saka baka isipin ni Russel na hindi ko man lang siya in-entertain habang naroroon siya. Ayaw kong mabansagan ng “snob” noh!
Sa pagkakataong ito tumingin na ako sa kanya ng diretso. Nginitian niya ulit ako ng walang ka-effort effort. Ewan ko ba pero parang may kung ano sa ngiti niya na wala sa iba. At bilang sukli, hindi ko rin pinagdamot ang aking ngiti.
“Oh anak sige na mamili ka na dito ng magugustuhan mo, bago ko ‘to dalhin sa palengke…” sabi ni nanay habang inilalabas ang mga t-shirt na dala ni ka Mila.
Sabi ko na nga ba’t iba na ang mga kumikitang kabuhayan ngayon ni ka Mila. Puro mga t-shirt na at mga blouse na galing pa daw sa Bangkok. Nahiya naman akong mangalkal at mamili ng damit sa harap ni Russel. Ewan ko ba kung bakit puno ng kahihiyan ang sarili ko ngayon. Kaya naman para hindi halata sinabi ko na lang kay Inay na:
“Sige po, mamaya na lang…”
“Kay ka Mila ko rin binili yung t-shirt na binigay ko sa’yo…” dagdag ni ina
“yung pink???”
“oo… yung penk”
Napatingin ako kay Russel na kasalukuyang nakaupo sa ledge ng aming terrace. Busy siya sa paginom ng juice. Napatingin din ako sa lola niya. Tinawanan niya lang din ako kahit halatang wala na siyang pustiso. Naisip kong bigla, kaya pala may kawangis akong damit na tulad ng kay Russel. Kaya pala…
Tinungo ko ang aming terasa. Ang aming terasa na biglang tumingkad. Umupo ako sa tabi niya at sinimulan kong mangamusta.
“Lola mo pala siya noh?”
Natawa lang siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang pahiwatig niya dun. Hindi naman nakakapikon pero parang mas malalim pa kaysa sa inaasahan. Mas malalim pa sa mga kilos niya kagabi.
“matagal na naming kilala yang si ka Mila… bata pa lang ako diyan na kumukuha si nanay ng mga paninda…” dagdag ko.
Nanatiling tahimik ang katabi kong binata. Kailangan ko pa bang mag-build ng rapport? Bakit parang ang hirap niyang arukin at abutin? Bakit parang sa tuwing lalapit ako sa kanya bigla siyang tatakbo palayo?
“tama na nga ang effort…” dikta ng utak ko.
Ibinaba ko ang aking mga paa mula sa pagkakapatong sa ledge ng aming terasa. Nais ko nang tumayo at kumain na lang ng brunch. Sa pagmamadali kong makaalis sa tabi ng lalaking wala yatang bibig. Halos ma-out of balance na ako.
“Shiiiiiiiiiiit!!!!!”
At dahil siya lang ang natatanging tao sa tabi ko sa kanya ako napakapit ng mahigpit para hindi tuluyang mahulog at mabagok ang ulo ko sa semento.
Nagulat si Russel sa pag-freak-out ko. Muntik nang magka-untugan ang mga noo naming sa sobrang pagkakalapit. Parang may isang boltahe na nag-ugnay sa kanyang mga mata patungo mula sa aking balintataw.
“Ayan kase, pwede naman magdahan-dahan… pa’no kung wala ako dito? Eh ‘di walang sasagip sa’yo…”
Napagalitan pa ako. Napabuntong-hiniga ako sa isang katangahan. Oo, isa na namang katangahan. Tama siya. Hindi kasi ako maingat kaya anytime pwede akong mahulog. Oo nga noh? Paano kung wala siya sa tabi ko? Sino sasalo sa’kin? Malamang wala, kaya asahan ko nang mababagok ang ulo ko sa sahig.
“Oh ano? Okay ka lang ba?” tanong niya sa’kin habang inaayos niya ang nagusot niyang t-shirt.
“Oo , salamat ah? Buti na lang naagapan mo kong hawakan…”
“Siyempre noh? Hahayaan ba naman kitang mahulog diyan? Hehehe”
Parang isang musika sa aking tainga ang tawa ni Russel. Ang sarap niya siguro katawanan at kabatuhan ng mga korning jokes. Ang sarap niya siguro kasama habang nanood ng Manay Po part 1 & 2.
Hindi natinag sina nanay at ka Mila mula sa salas. Patuloy pa rin ang balitaktakan nila. Para ngang hindi nila napansin ang komosyon namin ni Russel sa labas. Nag-umpisa muli maging detalyado ang bawat galaw niya. Kinuha ang baso. Uminom. Inilapag sa gilid. At muling tumanaw sa puno ng caimito. Siguro 10 minuto niyang paulit-ulit na ginagawa iyon. At ako naman? Pinanonood lamang siya. Nagbabaka-sakaling…(sigh) ah wala. Wala yun…
Pinunit niya ang tinahi niyang katahimikan. Nagsimula siyang humarap sa akin. Isang senyales na handa na siya makipag-usap.
“Gusto kong pumunta ng EK ngayong week na’to…” bulalas niya.
“Enchanted Kingdom?”
“Oo! Gusto mo ko samahan?”
Biglang umandar ang oras ng decision making. Gusto ko ba daw siyang samahan?
“sinu-sino tayo?”
“tayo lang dalawa… okay lang ba sa’yo?”
Kailangan ko pa bang magpakipot? Kailangan ko pa bang sabihing hindi pa ako sure kung ang totoo naman ay gusto ko naman talaga?
“itapat natin sa off ko…okay lang ba?” tanong ko sa kanya.
Isang ganadong tango ang sagot niya sa akin. Sa darating na biyernes na ang off ko. Ilang tulog na lang yun…
May mga kung anu-anong katanungan na naman ang gumulo sa isip ko. Nais kong bigyan ng kahulugan ang paanyaya niya. Nais kong bigyan ng dahilan ang mga iyon. Pero naisip ko rin na nagsisimula na naman akong mag-assume ng mga bagay-bagay. Ayaw ko na ng ganun. Sa pagkakaalam ko naiwaksi ko na ang ganung pag-uugali kasi ako rin naman ang nasasaktan sa huli.
Hindi ko maiwasan talagang mag-usisa:
“Bakit mo gustong mag-EK?”
Wrong timing ang pag-labas ng lola ni Russel kasabay ng aking butihing ina. Na-interupt ang nagsisimula pa lamang naming usapan. Nagyaya nang umuwi si Ka Mila sa kanyang apo. Kaya naman tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo. Bago siya tuluyang umalis bumulong siya sa’kin ng bahagya.
“sa Friday ah? Sunduin kita dito mga 9am…”
Bigla akong kinilabutan sa bulong niya . Ang hanging hatid mula sa kanyang bibig patungo sa aking tainga ay nagpakilig sa’kin. Tapos, susunduin niya pa ako. Haaay! talaga naman!
Hinatid sila ni nanay sa labas. Natanaw ko ang kulay navy blue na van na sasakyan nilang maglola. Iyon din ang van na nakita ko nung unang paghaharap namin ni Russel sa memorial. Si Russel ang driver. Nakakatuwa naman.
Pagkasara ni inay ng gate inintriga niya akong bigla:
“Close na kagad kayo nung apo ni ka Mila?”
“Nay, kaibigan ko po yung si Russel… nagulat nga ako kasi lola niya pala si ka Mila.”
“Ka-ibigan? Hmmm… ang gwapo nung Russel noh?” sabay talikod ng intregera kong ina.
Oo nga gwapo siya talaga. Yung kagwapuhan na talagang lilingunin mo talaga. Iba talaga ang ang mala-anghel niyang mukha. Madedemonyo ka talaga.
Kinuha ko ang walis ting-ting mula sa likod bahay. Napag-tripan kong walisin ang mga tuyong dahon na nalaglag mula sa matayog na puno. Ba’t ba nalalagas ito? Pinagtiyagaan kong walisin ang bawat dahon. Akala ko nga kaunti lang, marami pa lang nagkalat at kumubli lang sa silong.
Pawisan akong umupo sa lilim ng puno. Nakadagdag pa sa init ang tirik na tirik na araw ng katanghalian. Maya-maya lamang ay may isang kotse ang huminto sa harapan ng bahay namin. Kulay itim na Honda Civic yun.
Mula sa kotse bumaba ang nagmamaganda kong kapatid na si Lara. Nagmamadaling tinungo ni Lara ang gate. Ayaw niya talagang maarawan.
“Kuya! Nandiyan ka pala… may bisita ka!” entrada ni Lara.
“Bisita?”
“oo kuya, si Sir Mark…”
“Sir Mark???”
“Kuya si Sir Mark Andrei! Yung kapatid ni Ate Jhen… hindi mo naman nakwento sa’kin na kaibigan mo pala siya…”
At kailan ko pa naging kaibigan yun???
Parang umurong ang tumatagaktak kong pawis. Napatulala ako sa kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Ano ba ‘to!
“Kuya buksan mo ‘tong gate dali at nasusunog na mukha ko…”
“at natatae na ako…” dagdag na bulong ni Lara.
Ibinaba ang wind shield ng kanyang kotse. Dumungaw siya. Oo nga si Andrei nga. Tuluyan na akong lumabas ng gate upang harapin ang hindi ko inaasahang buwisita.
“anong ginagawa mo dito?”
“haller? Obvious ba? Hinatid ko kapatid mo… pupuntahan naman kasi talaga kita kaya isinabay ko na siya…” nakakalokong sagot niya sa’kin.
“ang kapal ng mukha mo!”
“ui, wag namang ganyan… wala naman akong ginagawang masama…promise, I didn’t tell her…”
“ano bang kailangan mo sa’kin? Ba’t ba kasi ang kulit-kulit mo?”
“Well, ganito ako eh… sa Friday ang off mo diba? Lara told me… kaya kung pwede ka sunduin kita dito sa inyo, alis tayo… my treat!”
“i-treat mo ang mukha mo!” sabay walk-out at pasok sa loob ng bahay namin.
Nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko inaasahan na muli kong makikita yung Andrei na iyon. Parang nanadya siya. Talagang nang-iinis. Kapag ba may nais kang makuha o may gustong-gusto ka, ganun ka ba dapat ka-desperado kahit ni-rereject ka na nung taong gusto mo? Kailangan ba subukan lahat at ‘wag sumuko kasi kapag sumuko ka hindi mo malalaman kung may pag-asa ba o wala? Sabi nila at least nasubukan mo kaysa tumanga ka lang at hinayaan mo ang pagkakataong palampasin. Tapos sa bandang huli pagsisissihan mo kasi dapat yun ang ginawa mo.
Pilit kong inuunawa si Andrei kasi ayaw kong dumating ang point na talagang kamuhian ko siya. Siguro, hindi lang naging maganda ang umpisang pakikitungo niya sa’kin kaya ganito na lang din ako sa kanya.
Nag-set ako ng mind ko. Sa Friday, susunduin ako ni Russel. Sasamahan ko siya. Take note: “nagpapasama lang siya…”
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
Expect nothing, live frugally on surprise. --- Alice Walker
CHAPTER 8: “AWOL”
(Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa paligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko.
“Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.
Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”
Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.
“Nandito na ako Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.
”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”
At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya akong iniwan.)
Sabi nila ang love life daw ay isang malaking sugal. Hindi mo alam kung kailan ka matatalo, hindi mo rin malalaman kung may pag-asa ka pa bang manalo. Pero isa lang daw ang may kasiguraduhan, tumataya ka kasi gusto mong madoble kung ano man ang nailapag mo. Naisip kong bigla kung saang sulok ba ng utak ko nagmula ang prinsipyong iyon. Parang hindi yata akma sa mga nangyari sa akin noon. Nagmahal ako ng sobra-sobra pero hindi naman na-reciprocate lahat ng taong pinag-alayan ko ng buo kong pagkatao. Sumugal ako sa paniniwalang dadating ang araw na mamahalin din ako tulad ng pagmamahal na ibinibigay ko pero ayun, talo parin. Siguro ganito dapat: “ang pagmamahal ay isang sugal, manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala ang itinaya mo wala ka dapat pagsisihan, hindi ka dapat maghangad na bumalik sa’yo lahat ng pagmamahal na naitaya mo. Oo nga nakakapanghinayang matalo pero kung talagang swerte ka, kusa kang mananalo.” Yun daw ang tinatawag na “unconditional love”. Tipong may dialogue na: “you don’t have to love me back… I’ll be okay…” Naisip ko ulit, oo nga ganyan ako noon.
“Oh pa’no ba yan kuya, panalo na naman ako!” sigaw ni Lara habang inilalapag ang 3 barahang hawak niya.
“ano ba ‘yan! ang kyoho ng kamay ko tonight!!! OMG! 8 pm na pala, masyado akong naaliw kakatong-its ditez. Tara na Luis sabay na tayo, papasok ka davaaah!??”
Si Jennifer. Pinaalala sa akin ni Jhen na kailangan ko nang gumayak. Sa totoo lang parang wala akong gana mag-take ng calls ngayon. Wala ako sa mood. Parang may kung anong negatibong enerhiya ang humihila sa akin pababa. Eh kung magpahila kaya ako noh? Hindi parin kasi mawala sa isip ko ang napanaginipan ko kanina. Bakit ganun? Paulit-ulit na lang. Kumbaga sa palabas sa TV, replay na naman! May pinapahiwatig ba? May gusto bang sabihin sa akin si Lance? May mangyayari bang hindi maganda? Kung ano man ang ibig sabihin ng mahiwagang panaginip na patuloy na bumabagabag sa akin, siguro hindi ko na lang muna papansinin. Be optimistic! Hindi makakatulong sa giyera mamaya ang kung anu-anong kahibangang naiisip ko.
Paglabas ng gate pinuna ni Curacha ang aura ko. Napaka-observant talaga ng babaeng ito.
“Papa Luis? May sakit ka ba? Bakit umi-emo ka diyan? Diba off mo na bukas? Kaya dapat happy ever ka na girl!”
Off ko na pala bukas. Biyernes na! at may lakad ako, I mean may lakad “kami” ni Russel! Na-excite akong bigla. Natabunan ng galak ang kaninang lugami kong mukha.
“Jhen! Ang lakas ng bunganga mo…”
“Ay sorry… Sunduin mo naman ako bukas Papa Luis sa ospital, tutal naman pay day na si atashi, halina’t gumimik!” dagdag ni Jennifer.
“At bakit? Boyfriend mo ko? pasensiya na Jhen pero may lakad “AKO” bukas eh…”
“At kailangan ba talagang ipagdiinan ang salitang “AKO”? Kung ayaw mo ‘di wag! Baklang ‘to lakad-lakad ka pa, kaladkarin kita diyan eh…” sabay tawa ng malakas waring walang pakialam kung may makarinig man o wala.
“Jhen, napanaginipan ko na naman si Lance…”
Hindi ko alam kung tama bang isingit ko si Lance sa usapan. Hindi lang kasi ako mapakali. Kasabay nun, parang kristal na nabasag ang mataginting na halakhak ni Jennifer na umaalingawngaw sa buong subdivision. Para talagang megaphone ang bibig ng babaeng ito. Napahinto ito sa paglalakad at tumingin sa akin.
“Oh? May pagbabago ba?” seryosong tanong niya sa’kin pero this time pabulong na.
“wala nga eh…as usual…”
“ano bang meron ngayon? Kakatapos lang naman ng birthday ng baklitang yun ah, at siyempre tapos na rin ang undas! Hmmm… Baka anniversary nila ni Russel?”
Napalunok ako sa sa huling sinabi ni Jhen. Naisip ko ang lakad namin ni Russel bukas. Kaya ba siya nagyaya mag-EK kasi anniversary na nila? Kinilabutan akong bigla sa naisip ko. Bakit ba ang wild ng imagination ko ngayon? Feeling ko pinagtataksilan ko ang nasirang si Lance. Obvious bang guilty ako? Oo alam kong nagkaka-malisya na ako kay Russel pero alam ko naman sa sarili ko na hanggang doon na lang ‘yun noh. Wala akong balak pumapel sa buhay niya. Teka nga… Ay, shit! Ayokong mag-salita ng tapos. Tama ba ‘tong ginagawa ko? Wala naman kaming ginagawang masama (sa ngayon…) Bahala na nga!
“Jhen, tinatamad akong pumasok sa office ngayon… tara, gala na lang tayo?”
Ngunit imbis na i-tolerate ako ng babaeng bakla tulad ng inaasahan ko, hindi niya ako pinagbigyan.
“Papa Luis ikaw ba ‘yan? Gaga! sinasaniban ka na ni Juan Tamad! Isa itong himala! Juan Tamad! Umalis ka sa katawan ng baklang ito! Umalis ka!” aktong a la Bro. Mike Velarde na nakataas pa ang kamay at nakapatong sa ulo ko.
“seryoso kaya ako…”
“Tanga! Pumasok ka! Sayang ang 900 sa araw na’to…” giit niya sa’kin.
Kahit labag sa’king kalooban, napa-oo na lang din ako. Tama naman si Jhen,. Sayang ang 900. Kaya naman nagpumilit na lang akong ihatid muna siya sa Dasma, tutal naman masyado pang maaga kaya hindi ako mahuhuli sa opisina. At saka isang sakayan lang naman ng bus mula Dasma hanggang Makati, kung saan ako nagta-trabaho. Kaya from Bacoor kung saan naman ako nakatira dinamayan ko sa pagbibiyahe si Jhen pauwi ng Dasmarinas. Gusto ko kasi maiba ang routine ko. Gusto kong ibahin ang nakagawian kong paulit-ulit na kaganapan sa buhay ko. Dahil hindi ko magawang baguhin ang walang kupas na panaginip na pinagbibidahan ni Lance.
“oh sige Papa Luis ditez na lang, salamat ah?”
“Wala yun kaw kasi eh, ayaw mong umabsent ako ngayon!”
“Haay naku, tantanan nga si atashi! Maraming tao ang walang trabaho ngayon, tapos ikaw sinasayang mo lang! kaloka ka!” “O siya sige na! Bye!”
“Ingat ka! Pumasok ka bruha!” pahabol ni Jhen habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palayo.
Tumalikod na ako at naglakad narin papalayo. Tiningnan ko ang suot kong wrist watch, 9:00 na ng gabi. Lumalalim na. Kahit labag sa kalooban ko binaybay ko ang kahabaan ng bangketa sa harap ng Robinson’s Dasma. Mukha namang safe. Salamat sa mga street lights sa paligid nito. At sa mga taong nakakasabay ko na rin maglakad. Pansamantala kong hininto ko ang walkaton. Hindi ko alam kung bakit. Naghahangad siguro ako ng aparisyon.
Naalala ko nung estudyante pa lang ako. Kahit umabsent ako ng 2 o 3 beses, pagdating ng kuhanan ng card top 1 parin ang rank ko sa klase. Samantalang ngayong kumikita na ako at nagta-trabaho umabsent lang ako ng isang beses, putsa baka bukas makalawa terminate na ako. Natural, kasi hindi naman ako binabayaran para umabsent. Siguro ganun nga talaga ang buhay. Habang tumatanda ka, maraming bagay ang nagbabago. Maraming bagay ang hindi na bagay sa’yo ngayon na dati naman ay nakasanayan mo. The only constant thing in this world is change. Lahat naihuhulma ng panahon upang magbago. At parang nagbabago na rin ang isip ko kung papasok ba ako o hindi.
Decision making. Papasok ba ako o aabsent? Isa, dalawa, tatlo… inabot ako ng humigit-kumulang na 5 minutong nagiisip. Habang naglalakad ako patuloy namang tumatakbo ang minuto. Patuloy akong hinahabol ng oras upang makapag-desisyon. Muli akong huminto para itali ang nagkalas na sintas ng aking rubber shoes. Hindi pala naging mahigpit ang pagkakatali ko. Kung gusto kong malayo ang marating ko kailangan kong higpitan ang pagkakatali dito kasi kung hindi baka mapatid lang ako at tuluyang madapa sa kawalan. Ngunit sadyang maraming tukso sa paligid. Maraming nakaambang panganib. Kahit nagiingat ka, minsan talaga ang disgrasya ang lalapit sa’yo para guluhin ang sinimulan mong matiwasay na mundo. Isang tumatakbong lalaki ang parang kidlat na dumaan sa gilid ko. Para itong sasakyang humarurot na naging dahilan upang mawalan ako ng panimbang habang nagtatali ng sapatos. Tuluyan akong napaupo sa semento at nalagalag sa gilid ng bangketa.
“aray!!!” tanging naibulalas ko lang habang pinupulot ang aking sarili mula sa pagkakasalampak sa daan.
Maya-maya lang dalawang pulis naman ang tumatakbo upang habulin ang kumakaripas na lalaki na isa pa lang snatcher. Iyon ang eksenang nasaksihan ko noong mga oras na iyon. Kailangan ko nga yata talagang pumasok.
Hindi pa ako tuluyang nakakatayo sa semento isang kamay naman ang nag-abot sa akin upang tulungan akong makaahon sa pagkakalugmok. Isang kamay na hindi ko inaasahang aakayin ko sa kung saan. Isang kamay makakatulong upang makapag-decide ako na hindi na ako papasok sa office.
“Okey ka lang ba?” tanong niya sa’kin habang tinutulungan akong makatayo…
Parang aparisyon. Bakit ba sa tuwing mga araw na hindi ko siya inaasahan saka naman siya biglang bumubulaga sa harap ko? Tapos laging knight in shining armor ang drama niya. It’s so good to be true. O baka naman ako lang talaga itong clumsy, tatanga-tanga, at kakambal lagi ang disgrasya at nagkataon lang na nandiyan siya para saluhin ako sa mga kamalasan ko? Guardian angel kaya? Puta, wag na nga ipilit! Kung ano mang rason ang nakatakda upang pagharapin kami lagi, sana kayanin ng puso ko.
“anong ginagawa mo dito” pagtataka kong tanong kay Russel.
“Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, diba may work ka ngayon?”
“tinatamad kasi ako pumasok kaya eto, pakalat-kalat ako ngayon dito.”
Natawa siya sa sinabi ko. Siguro gusto niyang sabihin na literal nga akong pakalat-kalat kasi nakahandusay pa ako sa daan.
“Sure ka? Hindi ka papasok?” tanong niya sa’kin na sinagot ko naman kaagad ng isang tango.
“tara dun tayo sa park, may mga bench dun… upo tayo dun.” Paanyaya niya sa’kin.
Naging sunud-sunuran ako kay Russel. Kahit saan yata ako dalhin ng lalaking ito papayag ako. Akala ko pa nga ang sasabihin niya sayang yung kikitain ko sa gabing ito pero naalala ko hindi pala si Jhen ang kaharap ko.
“anong ginagawa mo dito?” muli kong itinanong sa kanya.
“nagpapalipas lang ng oras…”
“nagpapalipas ng oras?”
“oo, actually pauwi na rin ako kaso nakita kita, at sabi mo tinatamad kang pumasok ngayon kaya sige sasamahan muna kita…” sabay ngiti ni Russel sa akin.
Ayaw kong kiligin kaya iniba ko ang usapan.
“ang ganda pala dito noh?”
“ngayon ka lang napatambay dito?”
“Ah oo…” Maganda talaga dun sa parke na pinuntahan namin. Maliwanag at malinis. Hindi naman siya ganun kalawakan pero sapat na para mapagtambayan ng mga tulad naming nagpapalipas ng oras. Maganda rin itong venue para makapagnilay-nilay kasi tahimik dito. Wala kang maririnig na ingay maliban na lang sa mga kuliglig at mangilan-ngilang dumadaan na sasakyan sa kalsada. Parang garden lang. Marami ring bench sa paligid. Dun kami naupo ni Russel sa bandang bungad. Isang kahoy na upuan na pang-tatluhan kung tatantiyahin.
Parang may dumaan na anghel. Mistulang nagpapakiramdaman kami habang sinasariwa ang mala-hardin na ambiance ng park. Tiningnan ko siya. Maamo kong nasilayan ang kanyang mukha.
“oh bakit?” tanong niya sa’kin.
“bakit natahimik ka?”
Nginitian niya lang ako. Isang ngiting lalong nagbigay kislap sa kanyang maamong mga mata. Hinawakan niyang bigla ang kamay ko. Bumulong sa’king kaliwang tainga, at ang sabi niya:
“Hayaan mo lang akong gawin ito sa’yo…”
Hindi ko maunawaan kung anong nangyayari. Hindi ko lubusang maisip na dinadama ko ngayon ang malambot na kamay ni Russel. Ang kanyang kamay na minsan ko nang tinanggihang kamayan nung una naming pagkikita sa memorial.
“Pero, bakit…?”
“Shhhh… wag ka na pumalag… basta hayaan mo lang ako ok?” bulong niya ulit sa’kin.
Hinayaan ko siya sa nais niyang mangyari. Muli akong nagtiwala sa kanya. Dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. Alam kong hindi siya gagawa ng hindi ikagugusto ng puso ko. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Nakiliti ako sa buhok niya na kumiskis na aking leeg.
“Para sa’yo ‘tong gagawin ko Luis…” mahiwagang dialogue na binitawan niya sa’kin.
Maya-maya lamang ay isang kotse ang pumarada malapit sa kinauupuan namin. Subalit hindi parin natinag mula sa pagkakaupo si Russel, bagkus lalo pa niya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Bigla niyang iniangat ang kanyang ulo, kasabay nun bumukas ang ilaw ng itim na kotse.
Inilihis ni Russel ang ulo ko mula sa pagkakatitig sa misteryosong sasakyan malapit sa aming harapan. Nalipat ang mata ko sa kanyang mga mata na kanina pa pala nakatitig sa akin. May gusto siyang sabihin. Nararamdaman ko yun mula sa bawat pintig ng pulso mula sa kanyang kamay. Parang gusto niyang ipahiwatig na: ‘wag akong magalala at wala akong dapat ikabahala dahil nasa tabi ko siya’. Kasunod nun biglang idinikit ni Russel ang kanyang labi sa aking pisngi. Isang wet kiss iyon na sinundan pa ng isang nakaw na halik sa labi. Isa. Dalawa. Tatlo. Segundo ba o minuto? Hindi ko alam. Basta ang alam ko nahalikan niya ako at ganun din ako. Matamis. Malambot. Makahulugan. Iyan ang deskripsyong halik mula sa kawalan.
Kung gaano kabilis ang halik ganun din kabilis ang itim na kotse na humarurot palayo sa parke. Nagbabadya na kahit ano mang oras maari itong makahagip at makasagasa ng sino mang paharang-harang sa daan.
Tiningnan ko siya muli sa kanyang mga mata. Hindi na siya makatitig sa akin ng diretso.
Kung hindi ako nagkakamali isang oras din akong nakiayon sa katahimikan ni Russel. Isang oras niyang hinawakan ang kamay ko. Isang oras sumandal sa balikat niya tulad ng ginawa niya kanina. Isang oras pero para sa’kin parang walang hanggan.
Nagyaya na siyang umuwi sa pamamagitan ng pagsenyas. Mas pinili niya na hindi magsalita. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, hindi niya alam ang isasagot kung sakali mang magtanong ako. Pero kahit kanina pa gulong-gulo ang utak ko mas maigi na rin kung hindi ko babasagin ang misteryo ng gabing ito. Kung ano mang hiwaga ang bumalot sa amin kanina, dadating ang araw na kusa itong ipapaliwanag sa amin ng pagkakataon.
Naghiwalay kami sa isang waiting shed. Pagsakay ko ng bus pauwi ng Bacoor, saka lang siya ulit ngumiti na parang nagsasabing mag-ingat ako lagi. Tinanaw ko siya mula sa bintana ng bus, kinawayan niya ako habang may sinasabi… nabasa ko ang labi niya: “bukas…sunduin…kita…” Tanging thumbs-up na lang ang naitugon ko.
Kasabay ng pag-andar ng sinasakyan kong bus muli na namang umandar ang utak ko. Parang slide-show na nag-faflash sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Kung ganito ba lagi ang mangyayari sa akin kapag mag-aabsent ako eh ‘di sana lagi na alang ako liliban sa trabaho.
Ay shit!!! Tangina! Hindi pala ako nakapagpaalam sa supervisor ko, lagot! AWOL (absent without leave) ang aabutin ko niyan!
Salamat sa mga sumusunod: Kram, Jorge para sa mga payo... si Irwin para sa translations... at sa'yo JNG, okay na ako...
DALAWA ANG CELLPHONE NI RAMIL By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
Love was never meant to be a one-way street. Darating ang panahon na magsasawa ka. Magigising ka nalang isang araw, pagod ka na umasa. Bahala ka na diyan. Kakapagod ka. Goodbye! 'Cause you're not actually "loving", you're just testing your patience. Kung hanggang saan mo kayang magtiis. Love is patient pero hanggang kailan ba dapat magtiis? Kailan mo ba dapat ipa-realize sa sarili mo na, you gave enough chance already. If things aren't working, go! Leave. Kumbaga sa appliances, sinubukan mong ma-repair pero di na kaya. Kaya huwag nang ipilit. Diretso junk shop nalang. Love is supposed to make you happy and it's not supposed to hurt. Otherwise, it's not love. Akala mo lang, or worse, pinipilit mo lang. O baka nag-iilusyon ka lang.
Ako si Kieron. Tipikal na 23 anyos. At dito nagsisimula ang aking ilusyon.
Maaga kaming naglog-out sa office. Nakapag-request kasi ng VTO (voluntary time-out) ang supervisor namin kaya ang usual na 8:00am-5:00pm na shift ay napaaga ng isang oras. Eksaktong 4:15 ng hapon lumabas ako ng SM Pampanga. Doon kasi matatagpuan ang call center company na pinapasukan ko. Paglabas ng office hinanap ko siya. Mukhang wala na. Nauna na yata umuwi. Para siyang ipu-ipo sa bilis na bigla na lang naglaho. Nagbago na talaga siya. Isang pagbabagong kahit minsan hindi ko napaghandaan. Gayunpaman, kailangan kong tanggaping iniwan na niya ako. Mag-isa akong uuwi ngayon. Tanggap ko. Walang choice. Kaya ninamnam ko ang paglalakad sa nasabing mall. Nagiisa. Walang kasabay. Sinasadya yata ng pagkakataon na magpaka-loner ako nung mga sandaling iyon. Aaminin ko, umasa akong makakasama ko siya. Umaasa akong magkakasabay kami. Umasa ako na tulad ng dati maaayos ang dapat maayos. Puno ng pag-asa. Pero mukhang malabo. Kaya ang nakasanayang mga bagay ay unti-unti ko naring tinanggal sa sistema ng katawan ko...o maging sa puso ko na rin.
Habang karamay ko ang earphone ng aking telepono at ang mga musikang hatid nito binaybay ko ang biyahe papuntang San Fernando intersection. Ang hirap talaga ng ganito. Walang kasiguraduhan sa mga bagay na mangyayari. Pagbaba ng jeep, tinawid ko ang malawak na highway. Lutang. Halos makipag-patintero ako sa mga sasakyang animo'y ayaw magparaan. Naisip ko, paano kung masagasaan ako dito? Pagsisisihan niya kaya na hindi niya ako kasama nang mga oras na ito? Natawa ako sa naisip ko kaya naman bago pa nga ako tuluyang mahagip ng mga kotse at kaladkarin palayo tinungo ko na ang harap ng Jollibee intersection na katabi lamang ng terminal ng mga jeep papuntang Pandacaqui. Sa loob ng 6 buwang pamamalagi ko sa trabaho, dito na ako sumasakay pauwi. Dadaan kasi ito sa subdivision namin na malapit sa bayan ng Magalang. Kung tutuusin sanay na nga ako noon na umuuwi mag-isa. Sanay ako na walang naghahatid sa akin pauwi. Nabago ang lahat nang makilala ko siya. Bigla siyang umeksena sa tahimik na buhay ko. At muling kinundisyon ang utak at puso sa isang sitwasyon na bigla rin namang mababago pagdating ng tamang panahon.
"Wag kang masyadong mabait sa'kin, baka ma-inlove ako sa'yo..." iyan ang sinabi ko sa kanya noon.
Nung una, isa lang siyang tipikal na katrabaho. Isang normal na nakakasalamuha sa araw-araw. Walang spark. Walang kahit anong senyales na mauuwi sa isang “relasyon” ang lahat. Masyado kasi siyang sweet sa'kin. Tamang concern. Hindi ako malisyoso pero hindi naiwasan ng utak kong bigyan ng kulay at kahulugan ang mga simpleng bagay na ginagawa niya sa akin. Tipong pinagmamasdan ako habang nagca-calls, pinapahiram ng jacket dahil alam niya nilalamig ako sa office, tinetext ng: "kumain ka na at magpahinga...", at marami pang iba na para sa akin ay hindi ginagawa ng isang “straight” sa kapwa niya lalake o ng isang taong walang intensyon sa'yo. Pag-aassume? Hindi noh. At hindi rin naman ako manhid. Ramdam ko kung ano siya. Malansa.
Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ako dahil gusto ko na siya. Putsa! baligtad na yata. Napapangiti na niya ang dating tuod kong pagkatao. Parang Endless Love na may mga effects na nag-lalaglagang dahon kapag dumadaan siya. May kung anong puwang dito sa dibdib ko na naglaan bigla ng espasyo para sa kanya. Kumbaga sa chess checkmate na ako. Hindi siya gwapo. Hindi siya ang tipo ko. Hindi rin siya ma-appeal. Pero bakit minahal ko si Ramil?
Nauwi ang lahat sa isang open relationship. Baduy man pero mutual ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Nagsimula ang kabaduyan sa isang relasyong parang kami pero hindi naman. Walang commitment. Walang karapatan. Pero nagseselos paminsan-minsan.
Gusto mo ba ako? Iyan ang tanong na hindi naman niya nasagot ng diretso. Iyan din ang tanong na isang beses naring sinagot ng diwa ko. Nilinaw namin yan nung unang "date" namin. Ang Marquee mall sa Angeles ang saksi sa mga sinabi niya. Nagtapat si Ramil. May girlfriend siya. Anim na taon na daw sila. Wala daw silang relasyon nung office mate naming babae na si Rizza. Sweet lang daw sila sa isa’t-isa. Alam ko na yun. Pero hindi naman ako ipinanganak kahapon. At sabi niya pa:
“basta espesyal ka kanaku…” (basta espesyal ka sa akin)
Espesyal daw ako sa kanya. Natutuwa din daw siya sa akin. Hindi ko na rin ikinagulat yun. Hanggang dun lang? Espesyal? parang siopao lang? Nakakatuwa? Para ngang gusto kong matawa.
Kung hindi ko pa lilinawin sa kanya kung ano ba ang lagay namin hindi pa niya sasabihin. Doon ko naamoy na may pagka-duwag si Ramil. Alam niya sa sarili niya kung ano ang gusto niya ngunit hindi niya kayang aminin kung ano ang nais niya. Medyo nagdalawang-isp ako. Ngunit sa kabila ng naamoy ko, aminado ako sa sarili ko na gusto ko na siya. Gusto...yung tipong alam kong mauuwi sa putaragis na love.
Sabi ko naman: "at least ngayon alam ko na... Malinaw na ang lahat..."
Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ko may paliwanag ang bawat bagay. Detalyado. Ayaw ko ng walang label ang isang relasyon. No assumptions. No what ifs. Iyan ang motto ko. Kaya naman matapos kong malaman na ganun lang pala, sinabi ko sa kanya na kailangan ko umiwas para hindi na ako masaktan pa. Pero makulit at masugid si Ramil. Papayagan daw niya akong umiwas, wala daw siyang magagawa kung yun ang desisyon ko pero hindi daw niya maipapangako na ititigil niya yung ginagawa niya. Yung pagiging cariñoso. Yung pagiging sweet at caring. Yun pa naman ang weakness ko. Natumbok niya. Hanggang sa tuluyan na akong nahulog. At tuluyan nang sininghot ang naamoy sa pagkatao niya…
Nakaramdam ako ng uhaw. Uhaw dulot ng mainit na panahon. Tagaktak na rin ang pawis ko sa attire kong business casual. Sa Jollibee intersection nagtake-out ako ng iced tea, pampapawi ng uhaw. Para ngang hindi nakatulong ang ininom ko upang mapagaan ang nararamdaman kong bigat. Hindi parin mabura sa isip ko yung aura ng mukha niya kanina . Kakaiba. May malalim na kahulugan. Nakakatakot. Nakakainis. Nakakaiyak. Mixed emotions. Iba ang mga mata niya nung mga oras na iyon. Tiningnan niya ako sa office kanina na parang may gusto siyang sabihin pero bigla rin niyang binawi nung tiningnan ko siya ng matagal.
Sumakay na ako sa jeep biyaheng pa-Pandacaqui. Pinili kong umupo sa may harap sa tabi ng driver. Iyon lagi ang puwesto namin ni Ramil kapag sumasakay ng jeep. Ang hirap talagang iwaksi sa routine mo ang mga bagay na nakasanayan mo na. Parang hahanap-hanapin ng katawan mo. Parang droga, nakaka-adik. Pero para sa akin ang pag-aadik ay isang choice. Isang choice ang pagpili mo ng lugar na mauupuan sa jeep. Pwede kang mamili ng makakatabi depende sa bakanteng espasyo. Pero paano kung isang puwang na lang ang bakante? Makakapili ka pa ba? Paano kung maliit yung space? Ipag-sisiksikan mo ba ang sarili mo para lang makaupo o maghihintay na lang sa kasunod na jeep na babiyahe? Meron kaya magpapaubaya at maglalaan ng espasyo para makaupo ka?
“Atin na bang makalukluk ken?” (May nakaupo na ba diyan?)
Kumabog ang dibdib ko. Tiningnan ko ang pinagmulan ng tinig. Nadismaya lang ako nang makita kong hindi si Ramil ang nagmamay-ari ng boses. Akala na naman. Marami talagang umiiyak sa maling akala. Isang lalake na siguro ka-edad ko ang nagtanong. Umiling lang ako bilang tugon. Sa totoo lang medyo hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Kung tutuusin tatlong taon na ako sa Pampanga at naturingan pa namang mga kapampangangan ang mga kamag-anakan ko sa father side pero hindi parin ako natututo magsalita o makaintindi man lang ng dialect nila.
Umusod ako upang makaupo ang binata. Kasabay nun umusad na rin ang jeep na sinasakyan namin. Medyo madilim na. Malapit na lumubog ang araw. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Sinampal ako ng hangin habang sinusuong namin ang North Luzon Express way. Hindi pa rin ako natauhan. Bagkus tumulo pa ang luha ko.
Akala ko nung una okay lang. Akala ko kahit sweet-sweetan sila ni Rizza wala akong selos na mararamdaman. Ang hirap pala kapag nakikita mo yung ginagawa nila. Kahit alam ko sa sarili kong wala silang relasyon, mahirap paring magpanggap na hindi ako nasasaktan. Sa kauna-unahang pagkakataon nagseselos ako sa babae. Ito rin naman kasi ang kauna-unahang pagkakataong ang karibal ko ay isang babae. Hindi lang pala isa kundi dalawa pa. Isang original na hindi ko nakikita, at isang (hindi ko alam kung ano pwedeng itawag sa kanya) na araw-araw kong nasisilayan. Ako? Nasaan ba ako sa eksena? Ano bang tawag sa akin? Kabit? Boyfriend? May relasyon ba kami? Anong level na ba? Ano bang lagay namin ni Ramil?
December 27th. Dalawang linggo makalipas magusap sa Marquee mall upang linawin ang status naming dalawa, napagdesisyunan ko nang bumitaw. Hindi ko kayang may mga taong natatapakan. Ayokong nagpakaka-selfish dahil lang sa isang kaligayahang alam kong kahit kailan ay hindi ko naman ma-sosolo. Ayoko nang masaktan at makipagrelasyon sa isang taong hindi kayang ipaglaban ang tunay na nararamdaman niya.
Sinubukan kong putulin ang kung ano mang namamagitan sa amin sa Mcdo OG Road. Wala naman kaming relasyon kaya wala nga siguro akong karapatang mag-selos. Wala nga kaming relasyon kaya wala rin siyang karapatang pigilan ako sa mga bagay na nais kong gawin. Masakit diba? Hindi ko lubusang maisip na narito ako sa loob ng circle. Pinipilit kong lumabas dahil ayokong dumating ang araw na baka makulong na ako sa loob at maiwang mag-isa. Hindi ko rin maalala kung paano ako napunta dito sa loob. Desisyon ko ba ang pumasok? Choice ko rin ba ito o may nagpapasok lang talaga sa akin?
Hinawakan niya ang kamay ko. Kahit maraming tao sa Mcdo wala siyang pakialam. Tiningnan ko siya sa mata. Nanghina ang kalamnan ko. Humupa ang sakit na nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. Sinubukan kong kumalas ngunit sadyang nangibabaw ang lakas niya kaya nagpaubaya ako. Hindi niya daw kaya na mawala ako sa buhay niya. Hindi daw niya ako hahayaang bumitaw. Nagmakaawa siya sa akin. Humingi siya ng tawad. Naramdaman ko yun. Damang-dama ko na ang bawat salitang binibitawan niya. Totoo lahat. Walang halong pagpapanggap. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kamay niya. Kasabay nun nginitian ko siya. At nag-sorry rin sa kanya.
Sabi ko, maging sensitive siya sa paligid niya. Dahil may mga taong nasasaktan depende sa galaw na pinapakita mo sa iba. Tinanguan niya ako sa sinabi ko bilang pagsang-ayon. Kasabay nun sinabi niya sa akin na tandaan ko ang date ngayon. December 27th Kami na daw. Kami na!?? Putang- ina!!!
Hindi ko maipaliwanag ang emosyong bumabagabag sa loob ko. Masaya ako. Pero hindi malalim. Natabunan ang lahat nang sabihin niya sa akin na mangako daw ako na hindi ko na uulitin yung nangyari kanina na nakikipag-hiwalay sa kanya. Hindi daw niya kakayanin kapag naulit muli iyon. Nangako din siya na susubukan niyang hindi na niya ako saktan unconsciously. Susubukan daw niyang iwasan si Rizza. Unti-unti. Hindi ko hiniling sa kanya yun. Dahil alam kong mahirap para sa kanya ang mga ganung pabor. Sa kanya rin naman nagmula na gusto na niyang iwasan si Rizza noon pa bago ako pumasok sa eksena. Hinayaan ko siya. Sa pagkakataong iyon naging makasarili ako. Hindi ko inisip ang mga bagay na pwedeng maging bunga nito. Hindi ko na inisip ang mga taong iiyak. Nung mga oras na iyon ang naisip ko lang ay ang kaligayahan ko. Kaya naman nagbitaw na ako nag isang pangakong hindi ko alam kung mapapangatawanan ko ba pagdating ng araw.
“Sopan mu ku, sopan daka. Misawupan tamung adwa…” (Tulungan mo ako, tulungan kita. Magtulungan tayong dalawa.) iyan ang pangako namin sa isa’t-isa.
Kung nakapagsasalita lang siguro ang Mcdo OG Road baka sumigaw na yun ng: “Mga baklang ‘to! Ang babaduy niyo!”
Ganun naman talaga siguro. Love like it’s your first time. Sabi ko lalabas na ako ng circle, pero nasaan ako ngayon? Heto, mas lalo pang pumasok at pumunta pa sa sentro.
Kasabay ng mabilis na pagharurot ng sinasakyan kong jeep, ipinikit ko ang aking mga mata. Dalawang butil ng luha ang magkasunod na gumulong sa aking pisngi. Hindi ko napigilan. Hindi ko naagapan. Mula sa side mirror ng jeep pinagmamasdan ako ng binatang nasa tabi ko. Nagtataka siya siguro kung bakit ako umiiyak. Deadma lang. Pamilyar siya sa'kin. Kaya naman kahit kamukha niya si Coco Martin hindi parin ako natinag. Hindi naman niya ako kilala kaya wala akong pakialam kung panuorin o pagtawanan man niya ako. Muli kong ipinikit ang aking mga mata, baka sakaling maikubli ko ang lungkot na pilit umaagos sa aking mukha. Baka sakaling mapigilan kong kumawala ang mga luhang hindi ko alam kung paano biglang tumulo ng walang paalam.
Nagtagumpay naman ako. Pagtingala ko, nasa Angeles exit na kami. Hindi na ako pinapanuod ni Coco Martin. Busy na siya sa pag-tetext. Bumagal na rin ang takbo ng jeep. Palapit na kasi kami sa tollgate. Nasilayan ko na ang mga ilaw sa Marquee mall. Iyon ang first stop. Nagsibabaan ang ilang pasahero. Bumaba na rin ang binatang nanuod sa kadramahan ko sa salamin. Sa wakas, wala na akong kahati sa upuan. Masosolo ko na rin ang side mirror. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Kilala ko pa naman. Hindi pa naman nagbabago. Pinilit kong gawing maaliwalas ang itsura ng aking mukha. Hanggang doon lang ang kaya kong gawin.
Weekend in New England. Somwhere Down the Road. The Day you Said Goodnight. Realize. Pagkatapos ng 4 na kanta sa playlist ng cellphone ko pumara na ako sa harap ng subdivision namin. Maraming mga tricycle ang nakapila at nagaabang ng pasahero. Mas pinili kong maglakad. Moment ko ito. Nilakad ko ang kahabaan ng subdivision. Walkaton. Sa kung anong dahilan huminto ako sa paglalakad. Nag-isip.
“Ayoko pang umuwi” bulong ko sa’king sarili.
Pakiramdam ko kapag umuwi ako lalo ako lalamunin ng kalungkutan. Feeling ko kapag nasa bahay na ako hindi lang luha ang aagos sa mga mata ko. Walang pagdadalawang isip ako tumalikod at bumalik sa highway. Parang hinila ang paa kong sumakay muli ng jeep at bumalik sa Marquee mall. Naging sunud-sunuran ako sa dikta ng aking mga paa. Pagsakay ng jeep umusal ako ng dasal:
"Through 5455 wounds of Christ, and His 15 secret torments... Lord God sana kung ano man ang dapat kong makita, ipakita Mo sa'kin. Kayo na Po bahala..."
Lumakas ang loob ko. Nagplano ng mga bagay na gagawin sa Marquee mall. Manuod kaya ako ng sine?
Enero. Unang buwan ng bagong taon. Sabi ni Rizza nagbago lang ang taon nagbago na rin daw si Ramil sa kanya. Hindi ako nagcomment. Nagpanggap ako na wala akong alam. Nagkunwari ako na wala akong kinalaman sa pagbabagong iyon. Kung alam lang niya na ako pala ang salarin. Kung alam lang niya na ako ang dahilan kung bakit biglang nagiba ang pakikitungo ni Ramil sa kanya siguro kasusuklaman niya ako. Kamumuhian ng bonggang-bongga. Kung malalaman lang niya na yung lalaking minamahal niya ngayon ay lalaki din ang gusto. Kung magiging madali lang sana kay Ramil ang umamin.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Honestly, walang guilt. Pero walang halong kaplastikan, nakaramdam ako ng awa kay Rizza. Hindi ako nagkulang ng paalala kay Ramil. Inunawa ko na lang siya. Siguro mahirap lang talaga kung ako ang nasa sapatos niya. Tatlo ba naman kami diba? Hindi ko maiwasang magduda. Paano niya nagagawang magmahal ng tatlong tao at the same time? Mahal niya kaya kaming tatlo o may isa sa amin ang namumukod-tangi at may taglay ng korona? Korona ng tunay at pinakamamahal niya.
Iniwasan kong mag-isip ng mga bagay na hindi makakatulong sa pag-unlad ng relasyon namin. Doon nagsimulang tumibay ang pagtitiwala ko kay Ramil. Talagang pinanindigan niya yung sinabi niya sa Mcdo na iiwasan niya si Rizza. Parang nabawasan ang tinik ko sa dibdib. At napunta naman ang tinik sa puso ni Rizza.
Pinatunayan ni Ramil ang mga bagay na hinahanap ko sa kanya. Isang araw nagulat na lang ako at proactive niyang sinabi sa akin na sa bahay siya matutulog. Akala ko nagbibiro lang siya pero nang makita ko ang mga dala niyang damit dun ko lang nalaman na seryoso pala siya. Pinakilala ko si Ramil kay mommy. Pumatok naman sa panlasa niya ang ugali ng mahal ko. Nahuli ni Ramil ang kiliti ni mommy. Nakasundo rin niya pati ang dalawang pamangkin ko. Dagdag pogi points talaga yun para sa akin. Sa loob ng isang linggo, 2-3 beses siya kung matulog sa bahay. Kapag umaga sabay din kaming pumapasok sa trabaho. Walang kaalam-alam ang mga tao sa opisina na mas malalim pa sa dagat tsina ang namamagitan sa amin ni Ramil. Tanging ang mga mata lang kasi namin ang naguusap sa tuwing nasa labas kami. Si Rizza? Parang nakakahalata. Mas umaasta pa nga siyang girlfriend ni Ramil pero ang totoo naman wala silang relasyon. Pero hindi namin masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga teleserye ni Rizza sa mga group message niya at posts sa facebook. Bagkus mas nag-pokus pa kami sa kung anong meron sa pagitan naming dalawa. Pinaniwala ko ang sarili ko na dalawa lang kami sa mundo namin. Hindi ko inisip na sa mundo ni Ramil hindi pala ako nagiisa.
Sa dagat kapag lumalangoy ka palayo ng pampang lalong lumalalim ang tubig. Ganun din ang relasyon namin. Habang tumatagal lalo akong nalulunod. Nakakalimutan ko na yata ang mga paniniwala ko noon. Binago niya ang mga prinsipyo ko. Sabi nga sa nabasa kong blog: “Don’t over-think things. If it makes you happy, you must be doing the right thing. If not, at least you’re happy.” Sa ngayon masaya ako sa piling niya. Walang problema. Ramdam ko ang pagmamahal niya kahit na alam kong hindi ako nagiisa sa puso niya. Ramdam ko ang panahon at oras na nilalaan niya sa akin kahit alam kong 2nd best option lang ako.
Muling ipinanganak ang “tangang” si Kieron. Muli kong pinagaralan ang sining ng katangahan. Madalas kasi ikwento ni Ramil sa akin ang girlfriend niya. Masakit siyempre. Para kasing may comparison. Ano bang pagkukumpara? Eh mas mahaba ang buhok nun kaysa sa akin. Pero iniisip ko na lang na babae yun at bakla ako kaya magkaiba kami ng level. At kahit kailan hindi ko siya magiging ka-level. Inunawa ko na lang na insensitive talaga si Ramil paminsan-minsan.
May mga pagkakataong sabay kaming lalabas ni Ramil ng office at sabay ding babiyahe papauntang Marquee mall, hindi para kumain kaming dalawa o manuod ng sine, kundi para puntahan niya ang GF niya na sa nasabing mall din daw nagtatrabaho.
Sinabi ko sa sarili ko na simula pa lang aware na ako na may girlfriend siya. Kaya wala akong karapatang mag-inarte. Wala akong karapatang mag-selos kasi simula pa lang alam kong circus na ang labas namin. Kaya kahit masakit at parang kuryenteng tumutusok sa dibdib ko ang pagbaba niya ng Marquee sa tuwing magkasama kami sa jeep, isinasantabi ko na lang iyon. Siguro ang mahalaga, ako lang ang nagiisang “lalake” sa puso niya.
Ang malamig na ambiance ng Marquee mall ang nagpalimot pansamantala sa naguguluhan kong puso. Inakyat ko ang ikalawang palapag. Mabilis kong tinungo ang sinehan. Sinuri ang mga palabas. Kinalikot ko rin ang aking pitaka. Mabilisang binudget ang mga natitirang salapi kung makakaabot pa hanggang sa susunod na linggo kung manunuod ako ng sine ngayon. Mukhang aabot pa naman kaya sumunod kong tiningnan kung anong oras magsisimula ang pelikulang: Percy Jackson and the Lightning Thief.
Nagbago ang isip ko. Alas-9 na matatapos ang movie kaya umatras ako. Ayaw kong late na ako makakauwi. Mas malungkot. Kaya naman imbis na manuod ng sine, naglakad at naglibut-libot ako sa mall. Konti lang ang tao. Lunes kasi. Karamihan sa mga kasabayan ko ay mga estudyante, o mga kagagaling lang din sa opisina. Mga nagpapalamig. Mga nag-uunwind. Nagpapalipas ng oras. Pansamantala kong nakalimutan si Ramil. Ngumiti ako dahil alam ko at nararamdaman kong bukas magkakaayos na kami. Init lang pala ng ulo ang drama ko. At dahil nalamigan na ang aking natuyuang utak, napagdesisyunan ko nang umuwi. Bumaba ako ng escalator at tinungo ang way para sa exit.
Dumating ang pagkakataong paranoid na ako. Madalas kaming magkatampuhan dahil sa mga paranoia ko. Mga pagdududa ko na para kay Ramil ay napaka-non sense. Wala daw patutunguan. Walang kwenta na kung sa walang kwenta pero paano kung ang tinutukoy ni Ramil na girlfriend ay boyfriend pala? Paano kung hindi pala ako ang unang lalaking minahal niya? Nagising na lang ako isang araw na kinutuban ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung may basehan ba ang mga hinala ko. Basta ang tanging alam ko lang ay kahit minsan hindi ko pa nakikita ang litrato ng misteryosang kasintahan niya. Sabi ni Ramil, bukod sa pamilya niya, na ayon sa kanya ay kilala ang anim na taon na niyang girlfriend wala nang nakakalam ng bawat detalye o nakakakita ng itsura niya. Maging si Rizza daw. Ano bang meron at bakit ayaw niya ipakita? Hindi ko ma-gets ang logic. Sa tipo ni Ramil na parang naguguluhan at confused sa sarili niya, dapat nga maging proud siyang ilantad sa lahat ang pagmumukha ng GF niya. Siguro nga ayaw lang niyang ibulatlat ang libro ng lovelife niya sa mga kaibigan niya o maging sa akin. Hindi ko alam kung may nag-eexist nga bang “girlfriend” o ang lahat ay isang ilusyon lang.
Nabura lahat ng pangamba at paghihinala nang sabihin niyang: “Nung balu mu mu nung makananu dakang kaluguran…” (kung alam mo lang kung gaano kita kamahal)
Siguro nga kung masusukat ko lang ng ruler kung gaano niya ako kamahal, maiiwasan kong magduda.
Pero isa sa mga kakayahan ni Ramil ang pahupain kung ano mang alinlangan ang bumabagabag sa damdamin ko. Niyaya niya akong gumala sa Trinoma. Unang date namin sa labas ng probinsya. Alam ko iyon ang paraan niya para linisin ang mga doubt sa utak ko. Dapat nga hindi matutuloy ang lakad dahil wala siyang mai-dahilan sa girlfriend niya kung bakit siya mawawala ng sabado at linggo. Iyon kasi ang restday namin ni Ramil. Iyon din ang araw kung saan nagkakasama sila ng GF niya. Kaya nga kapag weekends himala na kung makapag-text pa si Ramil sa’kin. Tulad ng dati inuunawa ko. May girlfriend eh. Babae yun. At binabae ako. Inisip ko na lang na hindi mahal ng sobra ni Ramil si babae. Kasi kung mahal nga niya talaga, hindi siya makikipagrelasyon sa iba, lalo pa’t sa tulad ko. Siguro nga confuse lang si Ramil. Siguro nga dadating yung time na iiwan niya ako at magpapakasal sila ng tunay niyang prinsesa. Pero sa ngayon gusto ko muna maging masaya. Kaya naman muli akong nagbulag-bulagan.
Wala akong ginastos kahit singko nung mga panahon na iyon. Sa tuwing bubunot ako ng pera sinasabi niya na yung ipang-aambag ko daw ay ipunin ko na lang para may maabot ako kay mommy o maging sa mga pamangkin ko. Imbis na makipagtalo, sinunod ko na lang siya. Ang natatanging nagawa ko lang ay kalkalin ang mga cellphone niya habang inaantay ang pina-take out naming mga ulam sa Gerry’s Grill. Dalawa ang cellphone ni Ramil. Isang i-phone at isang Nokia E series na hindi ko alam ang eksaktong unit.
“Bakit dalawa cellphone mo?” tanong ko sa kanya.
Sanay na daw siyang dalawa ang telepono niya. Nakakatawa kasi parehong Globe ang SIM card ng mga cellphone. Isang pampribado at yung isa daw ay para sa lahat. Yung pang pribado konti lang nakakaalam. Ang weird ng paliwanag niya kaya tinawanan ko na lang. Naisip ko bakit kailangan parehong Globe kung pwede namang Smart o Sun yung isa. At pwede rin namang isang cellphone na lang ang gamitin niya.
Kung tutuusin ngayon ko lang masisilip ang laman ng telepono niya. Madalas siya ang mahilig mangalikot ng cellphone ko. Pinagmasdan ko ang mga larawan . Mga pictures niya nung nasa Singapore pa siya. Dalawang taon din kasi siyang nagtrabaho dun bilang isang manager sa isang coffee shop. May litrato dun na parang minagnet ako. Ang gwapo kasi nung kasama at kaakbay niya. Tinanong ko sa kanya kung sino siya. Sabi ni Ramil, pinsan daw niya. Obvious naman kasi kasama ng pamilya niya. Kasama rin niya sa Singapore si pinsan. Biniro ko si Ramil, sabi ko bakit yung pinsan niya gwapo siya hindi. Natawa lang siya. Napikon yata. Kaya naman dinedma ko na lang si mahiwagang pinsan. Sasabihin ko sana na ipakilala niya ako pero baka pagmulan pa ng away namin kaya nanahimik na lang ako.
Hindi ko natiis. Akala ko hindi mangungulit ang utak kong humabi ng mga katanungan at mga pagdududa. Ginawa kong dahan-dahan ang pag-atake. Baka kasi bigla niya akong iwan sa Trinoma kapag hindi ko inayos ang mga pagtatanong ko. Sinabi ko lahat sa kanya. Lahat-lahat ng nasa loob ko. Lahat ng mga alinlangan. Lahat ng mga bagay na gugmugulo sa isip ko. Buong tapang kong sinabi na sa totoo lang iniisip ko na baka ang GF niya ay BF pala. Na meron akong pagdududa na hindi ako ang unang lalaking minahal niya. Tahimik lang siya. Halatang nag-iisip. Akala ko magagalit siya sa mga banat ko pero mukhang interesado siyang makinig. Nakaramdam ako ng kaba. Nabasa ko kasi ang mga nangungusap niyang mga mata. Naramdaman ko na may nais siyang sabihin. Parang may gusto siyang ipaliwanag. Maya-mayang konti ay nagsalita na siya:
“Bukud keka, atin pang aliwa…”
“Ano?” ang tanging naitugon ko.
“Bukod sa’yo meron pang iba…”
Katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Medyo nahirapan ang pang-unawa kong nadehyrate na yata na basahin ang bawat bagay na nais niyang sabihin.
“Bakit ngayon mo lang sinabi?” ang tanging naitugon ko.
Hindi niya nasagot ang tanong ko. Unti-unting nakaramdam ng kirot ang puso ko. As in literal na kumirot. Shit! Biglang lumutang ang diwa ko sa kawalan. Parang lobo na bigla na lang lumipad sa kalawakan. Nagpapaliwanag siya sa akin pero wala akong maintindihan. Marami siyang sinasabi na ramdam kong hindi huwad pero parang hindi rumerehistro sa tainga ko. Nabibingi na yata ako.
“… hindi ko sinabi kasi alam ko hindi ka papayag maging tayo kapag nalaman mo.” Iyan lang ang natatanging pangungusap na naunawaan ko.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pakiramdam ko niloko niya ako. Tanga! eh niloko nga naman niya talaga ako. Nagsinungaling siya sa akin. Inisip ko kung sa simula pa lang naging totoo na siya sa aking eh ‘di sana hindi kami aabot sa ganito. Sana nagsinungaling na lang siya ulit. Sana pinanindigan na lang niya ang pagpapanggap. Sana pinangatawanan niya ang panloloko niya sa’kin, tutal naman doon nagsimula ang lahat.Bakit kailangan maging gahaman sa pagmamahal kung alam mong may mahal ka ng iba at minamahal ka rin?
(Putang-ina naman kasi eh! Hindi naman kita inanyayahang pumasok sa puso ko ah, pero bakit pumasok ka? Bakit kailangan mong magsinungaling? Bakit pinaniwala mo ako na ako lang ang nagiisang lalake sa buhay mo? Ginawa mo akong tanga! Napaka-selfish mo!)
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang aabot sa ganito ang lahat. Akala ko babae lang ang karibal ko, pero hindi pala.
Bumaha ng luha. Hinabol niya ako palabas ng mall. Matapos ang drama-drama sa Trinoma, hindi kami nagkikibuang umuwi sa bahay namin. Napansin ni mommy ang katahimikang pumapader sa pagitan naming dalawa. Pero hindi siya nakialam, bagkus hinayaan niya lang kami.
Pagpasok ng kwarto niyakap ko siya ng mahigpit. “Mahal na mahal na mahal” ko na siya. Hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ko na talaga kaya. Sinabi ko yun sa kanya. Ginantihan niya rin ang yakap ko. At sinabing “mahal” niya ako. Tumulo muli ang luhang akala ko naubos na kanina. Bigla akong naawa sa sarili ko. Bigla kong naisip na bakit ako nagpapakatanga ng ganito. Nagmamahal ba ako o nagpapagago lang? Bakit sa kabila ng nalaman ko nanatili pa rin akong mahigpit na kumakapit sa kanya?
Sa pangalawang pagkakataon muli siyang nangako sa akin. Susubukan daw niyang ayusin lahat. Bigyan ko daw siya ng sapat na panahon. Kung hanggang saan ang bracket ng sapat na panahon, iyon ang hindi ko alam. Muli akong nagtiwala kay Ramil. Ayoko kasing pagdamutan ang damdamin ko. Pwede mo naman kasing ‘wag pagkaitan ang damdamin mo pero dapat sa bandang huli ikaw parin ang uuwing nakangiti at may halik sa puso. Alam kong gusto na niya magbago at ituwid ang bawat pagkakamali niya. Kasabay ng muling pagtitiwala ko, binigay ko ang buong pagkatao ko sa kanya. Siya ang kauna-unahang nakagawa nun sa akin. Kahit mahapdi tiniis ko para sa kanya. Kasi alam ko isa ito sa mga paraan para mapatunayan ko kung gaano ko siya kamahal. Lahat ibibigay ko hangga’t kaya ko. Lalo pa’t alam kong may iba ring gumagawa ng ganun sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang ginawa ko. Hindi ko alam kung tama bang ibigay ang buong kaluluwa sa isang taong minsan ka na niloko. Muling ipinanganak ang tangang si Kieron, sa pagkakataong ito sinamahan pa ng katangahan ko ng kamartiran.
“Sana dumating yung time na ako na lang ang nagiisa diyan sa puso mo…” sabi ko sa kanya. Sana hindi ako mapagod. Sana hindi masayang ang bawat hapdi. Sana hindi mauwi saw ala ang lahat ng kirot.
Nagbunga naman lahat ng hapdi at kirot. Pagkalipas ng ilang linggo sabi niya sa akin na hiwalay na daw sila ng boyfriend niya. Wala na ring nagexist na girlfriend. Tama nga talaga ang mga hinala ko. Siguro nagiisa lang talaga sila. Ayaw lang aminin ni Ramil kasi ayaw niya maakusahan ng sinungaling. Siguro natatakot lang siyang batikusin ko ang mga huwad na kwentong-gf niya. Hindi ko masyadong inintindi. Ayaw ko kasing umasa. Ayokong masaktan. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang mabasa ko ang mga text ng (ex) BF/GF niya sa telepono niya. Hindi si Ramil ang nakipaghiwalay. Iyon ang twist. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako? Parang wala na akong emosyon.
Ganun din si Ramil. Pagkatapos nilang maghiwalay nung BF slash GF niya medyo nagbago na rin siya. Hindi ko alam kung napaparanoid na naman ako. Pero hindi na siya tulad ng dati. Muli kong inunawa si Ramil. So, nagpaka-superman na naman ako. Akala ko naman superhero na ko…Diyos ko! Ako lang pala ung lumilipad mag-isa.
Palabas na sana ako ng Marquee, pero parang may pumigil muli sa mga paa ko. Muli akong hinila paakyat. Hindi ko alam kung bakit. Hinayaan kong maglakad ang malilikot kong mga paa. Muli kong ginalugad ang bawat sulok ng mall. Nagpalinga-linga ako sa bawat madaanan ko.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Ramil. May kasama. Dalawang bag ang bitbit niya. Yung bag niya at yung bag siguro ng kasama niya. Nakaakbay sa kanya ang lalaking kasabay niya maglakad. Masaya silang pareho. Nagbubulungan pa habang naglalakad. Mababakas mo sa kanila ang relasyon na kahit hindi aminin ay mahahalata mo. Nanghina ako bigla. Nag-flash back sa akin ang mga picture sa cellphone ni Ramil, ang mahiwagang pinsan. Nanginig ang tuhod ko. Tinungo ko ang sulok kung saan hindi nila ako makikita. Nag-tago. Naduwag akong bigla. Pinakiramdaman ang bawat tibok ng puso kong unti-unting nauupos. Pinagmasdan ko sila. Tiningnan ko ang mukha ng kasama niya. Kamukha niya si Coco Martin. Kumirot ang puso ko. Napakaliit ng mundo. Kanina lang katabi ko siya sa jeep. Hindi ko siya namukaan. Siya pala. Siya pala ang tunay na nagmamay-ari ng korona. Kung alam lang niya na isa siya sa mga dahilan ng mga luhang nasaksihan niya kanina. Kung malalaman lang niya na ang katabi niya kanina ay ang kabit ng asawa niya.
Pumatak ang luha sa kaliwa kong mata. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob upang lumabas mula sa pinagtataguan ko. Buong tapang akong naglakad papunta sa kanila. Kasabay ng kabog ng dibdib sinalubong ko ang “couple”. Nakita ako ni Ramil. Nagulat siya at nagpanggap na hindi niya ako napansin. Para akong hangin na lumagpas sa kanila. Sinubukan ko siyang nginitian ngunit parang na-stiff neck siya at sa isang anggulo lang nakatingin. Parang eksena sa pelikula. Nilingon ko sila, umasa akong lilingon din si Ramil. Pero pinanindigan niya ang pagpapanggap na isa siyang bulag.
Parang meteor shower na naglalaglagan ang mga luha ko. Magisa akong naglakad palabas ng Marquee mall. At kailangan ko nang sanayin muli ang sarili ko na wala na akong kasama.
(Putang-ina mo Ramil! Gago ka! Bakit mo ako ginaganito!?? Ano bang kasalanan ang nagawa ko sa’yo? Minahal kita ng sobra-sobra. Minahal kita ng buong puso ko nang wala kang kahati pero anong ginawa mo? Pinaasa mo lang ako. Nangako ka pa pero hindi mo naman pala kayang tuparin. Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko. Pinagsisisihan ko ang araw na pumayag akong makipagrelasyon sa’yo! Ginago mo lang ako! Napaka-suwapang mo!)
Hindi ko alam kung kanino ba ako galit. Kay Ramil ba o sa sarili ko? Desisyon ko naman ito simula pa lang. Tama bang pagsisihan ko ang mga desisyon ko kung alam ko namang kahit papaano ay naging maligaya ako dito?
Tinext ko siya, sabi ko:
Cnungaling ka! Npapagod na ako ng gani2.Nagagagguhan nlng tau!
Isang mensahe din ang natanggap ko mula sa kanya:
I dont want to argue anymore. Kung pagod ka ako dn.Ttapatin n kta nakiusap xa n mgusap kmi khpon at dkomtatangging mahal ko p dn xa. Alam mong mahal kita pero d lng plging tumtanggap. Dko akam kung dmo nkikitaang mga gngwa mo skin. Anyways, i want to give time for myself
Siguro nga kasalanan ko rin. Pero kung maiisip niya lang kung bakit nga ba ako nagiging paranoid. Kung bakit ako laging nagdududa. Kung bakit lagi ko siya sinusungitan. Nang mabasa ko ang text niya parang alam ko na rin kung sino ang pinili niya. Siguro masyado siyang na-pressure sa’kin. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa’t-isa kasi simula pa lang mali na. Simula pa lang marami na ang natapakan. Si Rizza at si BF slash GF. Kaya naman kahit alam kong mahirap at isang drastic change ang magaganap, nagdesisyon akong bumitaw. Sa pagkakataong ito kailangan ko nang panindigan. Mahal na mahal na mahal ko siya pero kailangan kong ipamukha sa sarili ko na dapat mas mahalin ko si “Kieron”. Hindi ko alam kung saang bahagi ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa opisina lalo pa’t nasa iisang team lang kami.
“It's about time na ipakita mo sa kanya na kaya mo. Ano ngayon kung nasa iisang trabaho kayo? Go. Manindigan ka Kieron. If you want me, work for it. I have done my part, ikaw naman. Kung ‘di mo kaya, someone else will love me more than what you can do…”
Natauhan ako sa payo ng mga kaibigan ko. Learn when to stop. Kung mahal daw niya ako, hahabulin daw ako ni Ramil at itatama ang mali niya. Kung nagsasakripisyo na ako, dapat siya din Sabi nila para daw diabetes yung relasyon namin. Pinipilit gamutin hangga’t kaya, pero kapag nabubulok na, kailangan nang putulin para ‘di na makapaminsala pa.
“Sabihin mo sa kanya, Diabetis ka. Leche! I-aamputate na kita!”
Lumipas ang isang buwan at napilitan akong mag-resign sa company kung saan ko nakilala si Ramil. Hindi siya ang dahilan ng resignation ko. Dumating na kasi ang visa ko palipad ng UK. Inaapura na ako ng kuya ko kaya kailangan ko na asikasuhin ang iba kong papeles. Simula noon wala na akong balita kay Ramil. May nakapagsabi sa akin na napromote na daw ito bilang Operations Manager sa iniwan kong kumpanya. Hindi rin nagtagal si Rizza. Pinagpatuloy niya ang tunay niyang career… ang pagiging nurse. Minsan nagtext siya sa akin at sinabi niyang alam na niya ang lahat. Wala talagang lihim na hindi nabubunyag. Tulad ko, mukhang nakapag-move on na rin siya.
Isang linggo bago ako lumabas ng bansa, muli kong nakasalubong si “Coco Martin” sa Marquee mall. Hindi niya kasama si Ramil. May iba siyang kasama. Nakaakbay sa kanya. Dalawang araw naman matapos ko makita si BF slash GF, nag-krus naman ang landas namin ni Ramil. Nakasabay ko siya sa jeep papuntang Angeles. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanghina ang kalooban ko. Mahal ko parin siya. Hindi nagbabago. Minsan hindi mo matatakasan ang tunay mong nararamdaman, lalo na kapag nasa harapan mo na…Kaysa umuwi ka sa inyong may pagka-dismaya, eh ‘di harapin mo na lang siya… Sayang naman, hindi nabibili ang kaligayahan…
“kamusta na?” bungad niya
“heto, okay na ako…”
Natawa nalang din ako. Been there. Done that. Kakamove on ko lang. I'm whole again. Single pero buo. May dignidad. Hindi biktima. Masaya. Basta, kahit ganito tayo we deserve to be loved and treated fairly. Dapat tayong maniwala na we deserve good things. We won't settle for anything less than what we deserve. Do good. Be good. At may darating na goodies. Marami pang iba diyan na magmamahal sa’yo at gagawin kang nag-iisa sa mundo nila. Don't let yourself down. Maraming iba diyan na itatrato ka ng maayos. Believe in yourself. You deserve something better. At ‘pag naniwala ka dun, you'll have the guts.
“kunan muku number…nagpalit kasi ako ng SIM” sabay bigay ng numero niya sa’kin.
“isa lang?” pagtatakang tanong ko kay Ramil.
“Awa, metung nemu kasi ing cellphone ku ngeni…(ah oo, isa na lang din kasi cellphone ko) Hastle na kapag dalawa pa.”
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
Mula ngayon.. "Idol ko na si Juan Tamad".. at gagawin ko sa’yo yung ginawa n'ya sa mga bayabas... - Hihintayin din kitang mahulog sa akin!---UNKNOWN
CHAPTER 9: “CAROUSEL”
Hindi ko inaasahang sa pagmulat ng mata ko siya kaagad ang masisilayan ko. Para siyang anghel na buong magdamag yata akong binantayan. Bahagi na yata ng pang araw-araw na buhay ko. Nakakatakot isiping masyadong perpekto lagi ang mga tagpo naming dalawa. Hindi ko parin maunawaan. Hindi ko ma-gets kung bakit ang bait-bait niya sa akin. Sino ba ako sa kanya? Si Luis lang naman ako ah? Ayaw ko namang bigyan ng kahulugan lahat, pero kung maalala ko ang nangyari kagabi, maiiwasan ko bang umasa at mag-isip ng kahit katiting na malisya?
Alam mo yung pakiramdam na masaya ka pero parang may alinlangan pa? iyan ang eksaktong nararanasan ko ngayon. Pilit kong sinisisi ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Kasalanan ko bang mahulog ang loob ko sa kanya? Masama bang mainlove ako kay Russel? Pangit ba sa mata? Siguro sa mata ng lipunan, walang duda pangit siya. Pero sa mata ng mga nakakaunawa, katangga-tanggap na ba?
Gusto ko siyang tanungin tungkol sa ginawa niya kagabi pero parang pinigilan ako ng bibig ko para magsalita. Mas pinili ko na lang na magpadaloy sa agos. Bahala na kung saan ito tutungo. Bahala na kung pareho man kaming malunod.
“Pinapasok ako ng nanay mo, nahihiya naman akong gisingin ka kaya hinayaan lang kita matulog…”
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung hindi siya nagpaliwanag malamang iisipin kong nag-teleport siya mula sa kanila papasok ng kwarto ko. Tiningnan na naman niya ako ng malagkit. Parang ayoko na yata bumangon at tapusin na lang ang buong maghapon ko sa pakikipagtitigan sa kanya. Umiwas ako ng tingin at sinulyapan ang wall clock. Alas-9 na pala ng umaga.
“Pasensiya ka na, nalate ako ng gising… wait, ligo lang ako…”
Isang matamis na ngiti ang naitugon niya sa’kin. Masarap na almusal iyon.
Iniwan ko si Russel. Pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto. Nagmamadali kong tinungo ang banyo upang maligo. Hindi ko ininda ang lamig ng tubig mula sa gripo. Mas nangibabaw ang kaba, excitement, at hiya dahil si Russel ay nasa loob ng room. Nakakakilig kasi hinihintay niya ako. Hindi ko lubusang maisip na nangyayari ito. Parang isang panaginip. Isang ilusyon. Kahit nahimasmasan na ako sa tubig na umagos sa buo kong katawan, hindi parin ako makapaniwala. May kung anong hiwaga ang bumalot sa katawan ko.
Sampung minuto lang yata ako nagtagal sa loob ng banyo. Limang minutong nagbihis. Tatlong minutong nagpagwapo sa harap ng salamin. Dalawang minutong pinagmasdan si Russel habang binabasa niya ang mga koleksyon kong mga libro sa shelves.
“haaay, sana araw-araw ganito…” bulong ko sa’king sarili.
Sa labas ng bahay may nakaparadang kulay navy blue na van. Iyon yung van na ginamit ni Russel nung dumalaw sila sa memorial. Akala ko may driver siyang kasama pero laking gulat ko na siya lang pala ang nag-drive papunta sa’min. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa bandang harap ng van. Pakiramdam ko tuloy babae ako. Ayaw kong mag-assume. Siguro sira yung lock kasi nahirapan akong buksan iyon. Ini-start ni Russel ang sasakyan. Binuksan ang aircon. Sumingaw ang naiwang init sa loob ng van. Binuksang bahagya ni Russel ang bintana sa tabi ko. Kasabay nun humawi ang pabangong bumabalot sa katawan niya. Mas mahiwaga iyon kumpara dun sa bumalot sa akin kanina habang naliligo. Humampas iyon sa ilong ko. Siyempre, nainlove na naman ako. Amoy pa lang mamahalin mo na. Alam mo yun? lahat na kasi na kay Russel. Mayaman. Gwapo. Masarap mahalin. Mukhang matalino. Kapag naging boyfriend mo siya para ka na ring bumili ng halo-halo, kasi kumpleto ang rekado. Ano na lang ba ang kulang sa kanya?
Nagsimula ang biyahe naming patungong Laguna. Medyo trapik sa mga dinaanan naming. Lumamig na rin sa loob ng van. Nagkusa akong isinara ang bintana sa aking kaliwa upang makulong ang lamig na ibinubuga ng aircon. Binasag naman ni Russel ang katahimikan sa loob ng van. Binuksan niya ang cd player. Napasulyap naman ako sa salamin sa harap naming dalawa. Pinagmasdan ko siya habang inilalapat niya ang cd sa player.
Anghel. Iyon lang ang pinaka-perpektong salita na mailalarawan sa kanya. Nawala ako sa huwisyo nang bigla siyang tumingin sa salamin. Shit! Nagtama na naman ang aming mga mata. Umiwas akong bigla dahil parang may pumaso sa sa dibdib ko para tumibok ng mabilis.
“Luis?” sambit niya…
“oh bakit?”
“okay ka lang ba? Nahihiya ka pa yata eh…”
“naiilang lang ako...” paliwanag ko sa kanya.
Sino ba naman kasi ang hindi maiilang diba? Pagkatapos ng nangyari kagabi. Pagkatapos ng umagang siya kaagad ang nasilayan ko.
“bakit ka naman maiilang, halika nga dito usod ka, masyado kang malayo lumapit ka nga sa’kin.”
“huh?”
Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin ko. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso siya sa mga binabanat niya. Nagsimula tumugtog ang mga tambol at iba pang percussion instruments sa likod ng puso ko.
“wag na okay na ako dito, baka maging sagabal pa ako sa pagmamaneho mo… wag mo ako intindihin, okay lang ako…”
“sige na ako bahala…” pagpupumilit ni Russel.
“wag na talaga, masisikipan ka lang…”
“hindi yan…mukha kang tanga diyan”
Inihinto ni Russel ang sasakyan sa tabi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak papalapit sa kanya. Tipong kulang na lang isandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Ganun ka-close. Tapos ipinatong niya pa ang kamay ko sa hita niya. Muli niyang pinaandar ang van. Sumulyap ako sa salamin. Pinagmamasdan din pala ako ni Russel. Natatawa siya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako napikon bagkus kinilig pa ako.
Sometimes goodbyes are not forever It doesn't matter if you're gone I still believe in us together I understand more than you think I can You have to go out on your own So you can find your way back home
Ayun, Somewhere Down the Road ang drama ng cd player ni Russel. Barry Manilow collections yata ang pinapatugtog niya. Parang hindi yata akma sa eksena naming dalawa. Gayunpaman, naging makulay parin ang bawat yugto naming dalawa. Tulad ng dati hindi ko maipaliwanag. Hahayaan ko na lang ang panahon ang maglatag sa akin ng detalye. At kapag dumating nag time na iyon, sana… sana lang talaga hindi ako umiyak.
Parang naging smooth ang paglalakbay namin ni Russel. Parang road trip. Pakiramdam ko isa na iyon sa pinaka-sweet na kabanata na naranasan ko sa buong buhay ko. Tipong nakapila na ang isang libong langgam para pagpiyestahan kaming dalawa. Kahit tahimik si Russel at ganun din ako pero nag-iingay parin ang puso ko.
Pagkalipas ng humigit-kumulang na isang oras, sa wakas nakarating na rin kami sa EK. Medyo maraming tao. Mukhang may mga estudyanteng nag-fifield trip nung mga oras na iyon. Sinenyasan ako ni Russel na pipila siya sa harap upang bumili ng ticket. Mabilis din naman siyang nakabili at maayos kaming nakapasok mula sa entrance ng nasabing theme park.
“upo ka muna dito Luis, may bibilhin lang ako…” utos ni Russel sa akin.
Sa pag-talikod ni Russel, binunot niya ang cellphone sa bulsa. Mukhang may tatawagan siya.
“ano na? akala ko ba?... hay naku, bahala ka na nga…”
Tuluyan nang lumayo si Russel. Tanaw ko parin siya mula sa malayo. May kausap pa rin siya sa telepono.
Habang inaantay (ang kadate ko… kadate?) si Russel, pinagmasdan ko ang paligid. Hindi na bago sa’kin ang ambiance. Madalas kasi akong pumarito. Wala paring kupas ang mga rides nila. Napako ang tingin ko sa carousel. Ang boring panoorin. Paikot-ikot lang. Puro bata ang nagtiya-tiyagang sumakay. Kumapara sa ibang rides ito lang ang may pinaka-kaunting pila.
Bigla akong nalungkot. Parang ganun yata ang buhay ko. Paikot-ikot. Nakakaboring. Hanggang ngayon parang wala pang nangyayaring isang bagay na nagpapabago sa akin. O maging sa pagkatao ko. Isa rin pala akong tsubibo na hindi pinagaaksayahan ng oras kasi alam ng mga sasakay na wala silang mapapala.
Ngunit nagkamali ako nang makita kong paparating na si Russel. May dala siyang pizza at dalawang large size na softdrinks.
“sana ikaw na ‘yun…” bulong ko na naman.
Tinabihan ako ni Russel sa inuupuan kong bench. Gamit ang tissue, kinuhanan niya ako ng isang slice ng bacon cheeseburger supreme pizza. Iniabot niya rin sa akin ang inumin.
“Ubusin mo lahat ‘yan ah…” sabay sipsip sa hawak niyang softdrinks.
“ano ‘to foodtrip?”
“ayokong magutom ka, baka sabihin mo hindi kita pinakain…” sabay halakhak ni Russel na parang musika kung mapapakinggan mo.
“pagkatapos niyan sakay tayo dun…” tinuro niya ang carousel na nasa tapat lang namin.
“bakit diyan?” pagtatakang tanong ko.
“Bakit naman hindi?”
“ang boring kaya diyan…atsaka pambata ‘yan…”
“Bakit? bata pa naman ako ah? hehe ngayon lang naman, sige na pagbigyan mo na ako… gusto ko lang subukan kung ano feeling.”
Kahit ayoko, pinagbigyan ko ang isip-bata. Nakipila kami sa carousel. Mabilis kaming nakasakay. Naalala ko ang eksena sa Stairway to Heaven. Langit ka at lupa ako. Natawa akong bigla. Iba pala ang mga trip nitong si Russel. Kapag ginusto niya ginusto niya.
Nakita ko sa mga mata niya ang kakaibang kislap na kahit minsan ay hindi ko pa nakikita sa iba. Bigla ring lumarawan sa mga labi niya ang galak. Ligaya na parang ngayon lang niya ulit naranasan. Nakalimot ako na sa tsubibo kami nakasakay. Sinabayan ko ang pagikot nito habang pinagmamasdan ko ang aliw na aliw na si Russel. Ang gwapo niya talaga.
Iyon na siguro ang pinaka masayang nasakayan ko sa Enchanted. Hindi pala boring ang carousel. Lalo na kung ang kasama mo ay yung taong nagpapasaya rin sa’yo. Shit! Oo nga pinapasaya na ako ng mokong na ito. Ngayon ko lang na-realize.
“ayos diba?” tugon niya sa bawat ngiti ko.
Inakbayan ko siya. Sa pagkakataong ito ako naman ang gagalaw. Hindi naman siya pumalag sa ginawa ko. Mas inilapit niya pa ang balikat niya sa balikat ko upang maging abot kamay ko siya. Nilibot naming ang buong amusement park. Sinakyan lahat ng rides nang buong tapang. Karamay ko si Russel sa pagsigaw. Magkahawak kami ng kamay. Sumasandal sa kanya-kanyang balikat sa tuwing hindi kinakaya ang takot na nararamdaman.
Inabot na kami ng dilim sa loob. Napagod na kami sa maghapong paglilibot. Natagpuan namin ang aming mga sarili sa isang bench. Nagpahinga.
Naalala ko si Lance. Tama ba ang ginagawa ko. Ano sa tingin mo? Pinagtataksilan ko ba siya? Kaya ko ba siya madalas mapanaginipan lately kasi alam niya na parang may lihim akong pagtingin kay Russel? Teka, gusto ko nab a si Russel. Ano na bang tawag dito? Hindi ko alam. Ayokong magisip ng mga bagay na sa banding huli ay pagsisihan ko. Hindi ko rin gustong ipag-walang bahala ang mga nararamdaman ko.
Maya-maya lang sumabog ang mga fireworks sa madilim na kalangitaan. Nagkalat ito sa ere. Pinuno ng iba’t-ibang kulay ang langit. Isang atraksyon sa mga tao sa loob ng EK. Nakatingala si Russel. Para talaga siyang bata na nag-eenjoy na pinapanuod niya. Imbis na tumingala siya ang pinagmasdan ko. Para sa’kin wala nang gaganda pa sa mukha niya.
Ayokong mahulog. Ayokong umasa. Pero parang doon mauuwi ang lahat. Ano ba dapat ang gawin ko? Ang ipagpatuloy o hayaan ko na lang? Ang umiwas at palagpasin na lang?
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Manghang-mangha sila sa mga iba’t-bang paputok na nagsaboy ng ilaw sa langit. Siguro ito na ang isa sa mga romantikong eksenang pinapangarap ng bawat isa sa atin. Hinawakan niya ang kamay ko. Sa pagkakataong iyon binitawan ko siya. Tumingin ako sa kanya. Isang tingin na nagtatanong kung bakit niya ginagawa iyon. Nginitian niya lang ulit ako. Nagpapaliwanag na hindi ko na kailangan magtanong dahil malinaw naman niyang sasagutin sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Hinigpitan niya iyon. Kasabay ng mga fireworks display at palakpakan, dumampi ang labi niya sa aking pisngi. Mabilis. Hindi ako nakailag. Tinanaw ko ang carousel. Patuloy paring umiikot. Maganda pala ito sa gabi. Tinuro ko iyon kay Russel. Sa pagiwas niya ng tingin sa akin upang sulyapan ang ganda ng carousel, ako naman ang nagnakaw ng halik sa kanya. Nagulat siya. Ayan, patas na.
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
Sometimes life has but a tragic ways in teaching us lessons… think before it’s too late!---GRAVEDHEART
CHAPTER 10: “TIME”
Kinikilig ako. Hindi ko maitatanggi yun. Hindi naman ako manhid para hindi tablan sa mga ka-sweetan ni Russel. Ito na ang kinatatakutan ko. Bigla akong nangamba. Hanggang saan ko ba dapat hayaan ang sarili kong mahulog sa kanya? Kapag ba nahulog na rin siya? Sabi nila kontrolado mo parin ang puso mo. Ikaw parin ang mag-dedesisyon kung ma-iinlove ka o palilipasin mo na lang. Utak daw kasi ang nagdidikta sa puso para tumibok. Pati ang emosyon siya rin ang nagsasabi. Pero bakit ganun? Minsan mas nagingibabaw parin ang gusto ko. At minsan naiisip ng utak ko na wag pansinin ang mga idinidikta niya sa puso ko.
Alas-11 na ng gabi. Tahimik parin naming binaybay ang daan pauwi ng Cavite. Walang kibo si Russel. Siguro hindi lang talaga siya likas na madaldal lalo na kapag nagmamaneho. Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha. Parang nakakunot ang noo. Parang medyo magkasalubong ang kilay. Hindi ko masyado maaninag. Madilim sa van at tanging mga repleksyon ng ilaw sa mga nakakasalubong naming sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa loob.
May nagawa ba akong hindi maganda? Meron ba akong nasabing hindi niya nagustuhan? Gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema ngunit pinigilan ko ang sarili kong makialam. Sinabayan ko ang katahimikan. Pinikit ko ang aking mga mata. Nagpahinga. Umaasang baka sa muli kong pagdilat nakangiti na ulit ang anghel sa tabi ko.
(Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa paligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko.
“Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.
Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”
Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.
“Nandito na ako Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.
”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”
At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya akong iniwan.)
Para akong nalunod mula sa pagkakatulog. Tatlumpung minuto akong nakaidlip. Bangungot na naman. Shit! Paulit-ulit na lang. Si Lance. Ang eksena kung saan naaksidente siya. May gusto yatang sabihin. Ngunit hindi niya masabi. Kinutuban akong bigla. Kinabahan.
Pagmulat ko tumingin kaagad ako kay Russel. Kinuha ang cellphone niya. Mabilis niya pinindot upang tingnan ang mga mensahe na natanggap niya simula pa yata kaninang umaga.
“Tsk!” usal nito.
Tumingin sa’kin si Russel. Kinabahan ako. Kahit hindi ko nakikita ang kulay ng aking mukha alam kong namutla ako nung mga oras na iyon. Nakikipagsabayan pa ang mabilis na kalabog ng dibdib ko.
“okay ka lang ba?” tanong niya sa akin habang pinunasan niya ng panyo ang mga butil ng pawis sa aking noo.
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko galit siya sa akin. Inanod ng kanyang haplos ang mga pangamba ko. Hinawi ni Russel ang masamang panaginip na kanina’y nagpakaba sa’kin.
“oo okay lang ako…” tugon ko naman sa kanya.
“pasensiya ka na ah? moody lang talaga ako…”
Nginitian ko siya. Hindi naman niya kailangang magpaliwanag.
“naging masaya ka naman ba?” pahabol ng intregerong anghel.
“bakit mo naman tinatanong…”
“wala lang, kasi baka boring ako kasama…”
“hindi ah… naging masaya ako… salamat po?” sabay tapik sa balikat niya.
“Salamat po?”
“salamat kasi naging mabait ka sa’kin…”
“mabait naman talaga ako, ikaw lang naman yung nagsusuplado nung una pa lang eh…”
Napalitan ng pagba-blush ang namumutla kong mukha. Natabunan naman ng kwentuhan at tawanan ang kaninang tahimik na atmosphere sa van. Habang palapit na kami sa bahay lalong ginanahan si Russel na magkwento ng kung anu-anong bagay. Ang buhay niya sa Dubai, ang lola niya na si ka Mila, si Jhen ang kaibigan naming babaeng bakla, at kung sinu-sino pa na may koneksyon sa’ming dalawa. Hindi niya nabanggit si Lance. Gusto ko sanang isingit sa usapan ngunit baka hindi magustuhan ni Russel. Kaya naman hinayaan ko na siya mismo ang magbukas na mga topic na pwede naming pagkwentuhan.
12:30 AM. Sabay kaming bumaba ni Russel mula sa van. Nagtahulan ang mga alagang aso ng kapit-bahay namin dulot ng ingay mula sa sasakyan. Nakiusap si Russel na bigyan ko siya ng isang basong tubig. Natuyuan yata siya ng laway dahil siya ang halos na bumangka ng kwento habang bumibiyahe kami pauwi. Kasunod ko siyang pumasok sa may gate. Napansin kong isang ilaw na lang ang nakabukas sa bahay. Senyales na tulog na sila. Tinungo ko ang loob. Nagpaiwan naman si Russel sa may terrace. Nahihiya daw siya pumasok at baka magising pa daw ang mga tao. Hindi ko na pinilit ang anghel. Natawa na lang din ako sa rason niya.
Sumalubong sa akin ang nakainom kong tatay. Isang bote ng Jose Cuervo ang karamay niya sa pagpupuyat. Parang pabangong sumingaw ang halimuyak ng tequila. Amoy pa lang nakakaduwal na. Nakikita ko pa lang ang kulay nito, nasusuka na ako. Never ko pang natikman ang iniinom niya. Pakiramdam ko kapag nakainom ako nun, lalagnatin ako. Mahina kasi ang tolerance ko sa alcohol. Umiinom naman ako pero kapag may okasyon lang tulad nung birthday ni Jhen. Kung meron man siguro akong isang bagay na hindi namana sa tatay ko, yun ay ang pagiging lasenggo.
“mano po ‘tay…”
“Oh ,bakit ngayon ka lang?” mahinahong tanong ng isang nagtatakang ama.
“may inasikaso lang po…” (Inasikaso? Excuses.)
Napansin niya si Russel na nakaupo sa ledge ng terrace. Dahil malabo ang mata isinuot niya ang kanyang reading glasses upang makita ang nagtatago na binata sa dilim.
“sino ba yang kasama mo? papasukin mo nga, ba’t iniwan mo naman sa labas?”
“nahihiya daw siya ‘tay…”
“walang hiya-hiya dito iho, halika… dito ka tumagay ka…”
Muli akong lumabas upang piliting pumasok si Russel. Hindi naman ako nahirapan sa pagkumbinsi sa kanya na humarap kay itay. Tiningnan ko si Russel. Nahihiya talaga siya. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya at ease habang sisnisipat siya ng aking ama.
“kaninong anak ka ba iho?”
“Tay, lola niya si ka Mila…” sagot ko dahil mukhang hindi nasagap ni Russel ang tanong niya.
“ah ikaw na ba iyon? Ang laki mo na ah…”
“opo…” tipid naman niyang sagot.
Iniabot ni Itay ang unang tagay para kay Russel. Tininganan ko siya ng makahulugan. Nginitian niya ako na parang nagsasabing: “Okay lang ako… wag mo ako alalahanin…” Pinanuod ko siya sa paglagok ng alak. Hindi man lang siya napaitan. Sinipsip niya ang kalamansi. Mas nagibabaw pa nga ang pangangasim niya. Bigla akong nahiya kay Russel. Imbis na tubig ang inumin, heto’t alak ang nagpapawi ng natuyo niyang lalamunan kanina. Ang tatay talaga, may makasabay lang sa pag-inom kahit hindi kilala yayayain niya.
1:37 AM. Nakaramdam na ako ng antok. Nakakaboring pala manuod lang sa dalawang nagiinuman. Kuda ng kuda si Itay. Kung anu-anong mga kwento sa loob at labas ng Pilipinas. Artista, pulitiko, relihiyon, ang mga hinanakit sa mga nanunungkulan sa gobyerno, mga artista ulit, mag kapatid namin sa pananampalataya. Doon lang umikot ang kwentuhan naming tatlo. In fairness marami kang matututunan sa mga lasing.
Sa kung ano mang dahilan may sinabi si Itay na muntik nang mag-laglag sa mga panga ko:
“Gusto kita para sa anak ko…”
“ano po?” paglilinaw ni Russel.
“ang ibig kong sabihin, gusto kita bilang kaibigan ng anak ko…” sabay tawa ng malakas ng lasenggero kong ama.
Matapos ng nakakapikon na mga banat, tumayo si tatay. Kasabay nun iniabot niya kay Russel ang tagay ng tequila. Nagmamadali siyang pumunta sa banyo. Iihi yata. Pagtalikod niya inagaw ko bigla kay Russel ang shot glass. Mabilisan kong nilagok iyon upang sagipin ang anghel na halatang lasing na rin. Pinisil naman niya ang pisngi ko dahil sa ginawa kong pagsalo sa tagay niya. Nakaramdam ako ng kilig. Hindi ko alam kung dulot ng ininom ko o dahil sa ginawa niya.
“thanks…” sabi niya.
“ano ka ba… tama na nga kung hindi mo na kaya…”
“nakakahiya sa tatay mo.”
“dito ka na lang matulog, delikado kung magda-drive kang ganyan.”
Tinaguan niya lang ako. Hindi na rin makausap ng matino ang batang ito. Dulot ng espiritu ni Jose Cuervo humiga siya sa sofa. Dinadaing niya ang umiikot niyang paligid. Nahihilo ang mokong. Si tatay naman ay hindi na bumalik sa kainuman niya. Tumakas na siya at tuluyang tinungo ang kwarto na halos kalapit lamang ng banyo.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ba mag-alaga ng isang lasing? Unang pumasok sa isip ko ang mga ginagawa ni nanay kay tatay kapag umuuwi itong nasobrahan sa paginom. Nagpakulo ako ng tubig. Titimplahan ko siya ng kape para mahimasmasan ang anghel. Naghanap din ako ng bimpo sa may kabinet. Binasa ko iyon ng malamig na tubig. Ipinunas ko sa mukha ni Russel. Sa palibot ng kanyang leeg. Hindi natinag ang binata. Siguro hilong-hilo talaga siya. Itinaas ko ang suot niyang t-shirt. Nagdalawang isip pa nga ako kung huhubarin ko ba o itatas na lang. Sunod kong inilapat ang basang bimpo sa kanyang dibdib upang malamigan ang kanina pang mainit niyang katawan. Init dulot ng tequila. Napatingin ako sa labi ni Russel. Puta! Natutukso akong halikan iyon. Na-spellbind na naman ako. Si Russel ay isang buhay na hipnotismo. At isa ako sa mga lagi niyang biktima.
Bago pa ako makalimot ng tuluyan, nagsimulang pumito ang pinakuluan kong tubig sa takure. Pumunta na rin ako sa kusina upang timplahan si Russel ng kape. Maya-maya lang ay biglang bumangon ang pasyente ko. Nagmamadaling pinuntahan ako.
“CR?” tanong niya.
Inalalayan ko siya papasok ng CR. Hindi napigilan ng binata na sumuka. Bumulwak ang mga ininom at kinain niya kanina. Hirap na hirap si Russel sa pag-duwal. Naalala ko hindi pala kami kumain ng dinner. Hinagod ko ang kanyang likod at hinawakan ang kanyang kanang kamay upang tulungan siya sa puwersa na inilalabas niya. Halos umiyak na ang anghel. Kawawa naman si Russel. Kaya naman hindi ko siya iniwan. Dadamayan ko siya. Hindi ako nakaramdam ng pandidiri. Ang gwapo niya parin kahit sa sitwasyon niya ngayon.
Muntik nang mapuno ang toilet bowl na kaagad ko naman na-flush para hindi siya mahiya sa akin. Muli siyang pinagpawisan. Ngunit mukhang nahimasmasan na siya kumpara kanina.
“oh ano? Kaya pa?” biro ko sa kanya.
Ngumiti lang siya kasabay nun tinungo niya ang lababo upang mag-hilamos at mag-mumog na rin. Lumabas naman ako ng banyo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagtitimpla ng kape. Napatingin ako sa orasan. 2:05 na ng madaling araw.
Lumabas si Russel sa banyo na parang walang nangyari. Muli siyang nagpakawala ng makapangyarihang ngiti na nagpakulay sa malamig naming madaling araw. Iniabot ko sa kanya ang kape na tinimplahan ko. Hindi niya iyon tinanggihan.
“okay lang ba talaga na dito ako matulog?”
“oo, dun ka na lang din sa room ko…”
Tiningnan ako ni Russel. Sa pagkakataong iyon para akong kandila na natunaw sa mga sulyap niya. Bigla kong nakalimutan kung ano ang gagawin ko. Sa pagiwas niya ng tingin sa akin upang ubusin ang kape saka ko lang naalala na kailangan ko pa lang ayusin ang kama at pahiramin siya ng masusuot, maski pantulog man lang.
“gusto mo maligo?” tanong ko sa kanya.
“oo, pwedeng pahiram ng…”
Nahiya si Russel ituloy ang sasabihin niya kaya ako na ang nagdugtong:
“Boxer’s saka sando?”
“oo! Pa’no mo nalaman?”
Hindi ko rin alam kung paano ko nahulaan. Basta ramdam ko iyon ang gusto niya.
“mauna ka na Luis… medyo nahihilo pa kasi ako…” pahabol niya sa’kin.
(Sabay na lang kaya tayo?) biro naman ng mapag-laro kong isip.
Inilapag ko sa lamesa ang hinihiram ni Russel. Pinili ko ang pinaka-maganda kong boxer’s shorts at kulay puti na sando. Espesyal ‘yun para sa kanya.
10 minutes lang yata ako naligo. Sa loob ng sampung minuto na iyon kinikilig ako. Parang langit sa piling ng anghel.
Pag-labas ko ng banyo laking gulat ko at nakaabang na si Russel sa labas. Nakatawa ito na para bang nanunukso na hindi mo malaman. Bigla niya pinisil ang ilong ko. Sabay nagmamadaling pumasok sa loob ng CR. Loko-loko talaga yun. Natawa na lang din ako. Masisiraan na yata ako ng bait!
2:46 AM. Ilang minuto bago mag-alas tres ng umaga, humiga na ako sa aking kama. Pinili ko ang puwesto malapit sa pader at bintana. Nakaramdam ako bigla ng pagod at bigat ng katawan. Saka ko naisip na masyado na palang late upang manatiling gising. Mula sa nakasiwang na pintuan ng aking kwarto, rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Mukhang nag-enjoy si Russel sa paliligo. Medyo matagal din kasi ang binubuno niya sa loob. Ipinikit ko ang aking mata. Nagisip ng bagay na parang wala sa katotohanan. At tuluyan nang nagpahinga ang aking diwa.
Hindi ko na namalayan na pumasok si Russel sa loob ng kwarto. Ang alam ko lang pagkalipas ng isang oras nagising ako. Sinulyapan ko ang phone ko, mag-aalas quarto na. Madilim parin sa labas. Ngunit malamig. Tiningnan ko ang katabi ko. Himbing na himbing siya. Nakatalikod ito sa akin. Nanghina bigla ang puso ko. Saka ko naamin sa sarili ko na inlove na ako sa kanya. Putsa! Hindi ako makapaniwala. Parang isang panaginip lang. Ang bilis ng oras. Sa panaginip kaunti lang ang nangyari pero kapag nagising ka na sa realidad ilang oras ka na palang nakakatulog. Hindi ko alam kung dapat ko bang hilingin na magising mula sa katotohanan. Basta ang alam ko lang hindi ito isang panaginip.
Biglang humarap si Russel sa akin. Mula sa katiting na liwanag na nagmumula sa poste sa labas ng bintana natanaw ko ang nakadilat niyang mga mata. Pimikit akong bigla. Ayaw kong isipin niyang pinapanuod ko siyang matulog. Naging hobby ko na yata na pagmasdan siya palagi. Kung may isang bagay mang hindi nakaksawang gawin iyon ay ang silayan ang magaganda niyang mga mata. Kabisaduhin ang maaamo niyang mukha. At pagnasahan ang mapupula niyang labi.
Ang mga sumunod na eksena ay gumuhit sa kasaysayan ng aking silid. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganun ang kaninang wholesome na senaryo.
Hinaplos ng isang anghel ang kapirasong laman na nasa pagitan ng aking mga hita. Dahan-dahan niyang kinapa iyon upang bumangon ito mula sa pagkakaidlip. Hindi siya nabigo. Dumungaw ito sa kanyang lungga at maamong nagpahawak sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Mula sa pagkakatagilid, isinentro niya ang anggulo ng aking labi upang lumapat at mabigyan ako ng isang matamis na halik. Isang halik mula sa langit. May respeto ang bawat galaw ng kanyang labi. Hindi nakakabastos ang dilang naglalaro at nakikipag-espadahan sa akin. Tuluyan niyang ibinaba ang aking panloob na kasuotan. Hindi ko halos maramdaman iyon dahil inaliw niya ako sa pamamagitan ng pakikipagtunggali sa kanyang labi. Hinubad niya ang suot kong pang-itaas. Mula sa isang maamong anghel na kanina ay mabagal at dahan-dahang gumagalaw, sinunggaban niya na parang isang mabangis na hayop ang aking dibdib. Muli niya ginamit ang matatalim ngunit basang dila upang ako’y umungol sa dulot nitong kakaibang sarap. Para siyang sanggol sa nauubusan ng gatas. Kaya naman biglang umakyat ang init na nararamdaman ko sa aking tainga. Napapabangon ako sa sobrang sarap. Pilit niya naman akong ibinabalik mula sa pagkakahiga. Hinigpitan niya ang hawak sa aking pagkalalake. Mabilis siyang yumuko upang diligan ang alagang kahit minsa’y hindi pa nababasa ng laway ng iba.
“oh shit…” tanging nasambit ko.
Hinubad ko ang ipinahiram ko sa kanyang sando. Lumantad sa akin ang maganda at maputing katawan ni Russel. Walang sabi-sabi, ginaya ko siya sa kanyang mga ginawa. Inilakad ko ang aking dila mula sa kanyang labi pababa sa kanyang leeg. Inikot ko iyon patungo sa kanyang malalapad na dibdib. Diniligan ko ang bawat parte ng kanyang katawan. Matamis. Inulan ko siya ng halik. Bawat sulok nito ay aking dinaanan. Tiningnan ko siya. Nginitian niya ako. Lalo lang akong ginahan. Kaya naman tinungo ko ang kanyang tiyan at sinubukang kalasin ang kandado sa kanyang ibaba.
Pinigilan niya ako. “Sigurado ka ba?” tanong niya sa’kin
Tumango lang ako. At tinuloy ang naudlot na romansa.
Inilabas ng anghel ang kanyang itinatagong alindog. Matigas. Hindi ko inaasahan na ganun kalaki ang itinatago niyang lihim. Sinamba ko ang kanyang pagkatao sa paraang alam ko. Isang ritwal na sa kauna-unahang pagkakataon ay isang anghel ang buena mano. Pilit kong ipinagkasya sa aking bibig ang kanyang ari. Halos mabulunan ako ng sinimulan niyang salubungin ang bawat ulos na aking ginagawa. Baba. Taas. Iyon ang naging posisiyon namin sa loob ng hindi mabilang na minuto.
Muli niya akong inihiga. Pumatong siya sa akin at umupo sa aking mga hita. Pinagdikit niya ang dalawang laman na kanina lamang ay ginagawa naming lollipop. Ikiniskis niya iyon at sabay na pinaikot sa kanyang mga makikinis na palad. Kakaibang sensasyon ang naidulot sa akin. Binilisan niya pa ang kanyang paghagod na wari mo’y wala nang bukas. Para siyang nakawala sa isang kulungan habang napapaliyad pa kasabay ng walang humapay na paggalaw sa aming mga alaga.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Sinabayan ko ang bawat indayog ng kamay at katawan ni Russel. Hinalikan ko siya at muling ninamnam ang matatamis niyang dila. Unti-unting sumabog ang katas. Katas na sadyang naghalo. Lalong lumapot ang aming laman na kanina lamang ay dulot lang ng laway at pawis. Sabay kaming bumagsak sa kama pagkatapos ng isang malupit na palabas.
Kinuha ko ang tissue sa loob ng tukador. Nagkusa akong punasan ang mga basang parte ng kanyang katawan. Hindi siya nagpahuli. Pinanasan niya rin ako.
Muli kaming humiga na parang walang kahit na anong naganap. Nagisip ako. Kinurot ang aking braso. Hindi siya panaginip. Muli kong sinilip ang aking telepono. Suminag ang ilaw nito. Napansin ko na nakatitig siya sa akin.
4:55 AM. Limang minuto bago magising ang mga tao sa bahay. Hindi ko alam kung anong puwersa ang humila sa akin upang yumakap habang nakatalikod si Russel. Hindi naman niya ako pinigilan. Dinama niya rin ang kamay kong nakapulupot sa kanya. Hubu’t-hubad naming sinalubong ang pagsikat ng araw. Walang saplot naming hinarap ang tunay na panaginip. Kung babangungutin man ako ulit, walang patol kasi siya naman ang kapiling ko. May nagbabantay sa akin. Guardian angel ko.
(AKO SI DESTINY 2) Have you ever felt the same? By: PAULKIAN http://paulkian.blogspot.com/
If you want someone, don’t expect that person to just go and fly to you. You should put a little bit of effort and sprinkle of patience into it. You’ll see but if it doesn’t work well, you just have to do it the hard way. There are the words: kidnapping, harassment and blackmail. Just be creative! --- kingkang[ID-2927554] 14.Apr.2009 - 12:01(PLANET ROMEO)
CHAPTER 11: “THREAT”
Inunat ko ang aking mga braso. Nagulat ako kasi wala na siya sa tabi ko. Tanging kumot na lang ang nakatapis sa hubad kong katawan. Nakatupi naman na ang hiniram niyang boxer’s shorts at sando. Nakapatong iyon sa may paanan ng kama ko. Inamoy ko iyon, kumapit kasi ang gwapong-amoy ni Russel. Napa-sulyap ako sa pinto. Nakasiwang ito. Kung nanaisin masisilip ako ng taong nasa labas. Tiningnan ko ang orasan. Pasado alas-diyes na ng umaga. Tanghali na. Muli kong ini-lock ang pinto upang makapag-bihis ng shorts. Hindi man lang nagpaalam si Russel. Siguro hindi na niya ako inistorbo kasi mahimbing akong natutulog. Sino ba naman kasi ang hindi makakatulog ng mahimbing sa piling ng taong nagpapasaya sa’yo. Kahit siguro hindi ka na magising basta ba siya ang kasiping mo sa kama. Kinilig akong bigla. Syet!
Lumabas ako ng kwarto ng may ngiti sa aking labi. Kakaiba ang umagang ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa makulimlim na panahon o dahil kay Russel. May kung anong kaba ang bumulabog sa damdamin ko. Putek! In-love na yata ako! Pansamantalang nabura sa isip ko na huling araw na ng off ko ngayon. At kahit bukas ay papasok na naman ako sa opisina, malamang sisipagin na ako. Bigla ako nagkaroon ng isang inspirasyon. Sa isang iglap nagkaroon ako ng dahilan upang lumigaya ulit. Ngayon na lang naulit ito. Akala ko manhid na ako. Hindi pa pala.
Nagtuluy-tuloy ako sa sala. Umupo muna ako sa sofa at pinindot ang remote control upang mabuksan ang TV. Walang tao sa bahay. Siguro mayroon na silang kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Si Lara sa eskwela, si nanay sa negosyo, si tatay…ewan ko. Sanay na sila sa akin na late na kung bumangon. Kaya naman kapag almusal, hindi na nila ako ginigising upang sumabay sa kanila. Naghanap ako ng magandang palabas. Na-pokus ang atensyon ko sa National Geographic Channel. Pinapakita nila ang mga iba’t-ibang uri ng paru-paro. “Butterflies are day-flying insects…” sabi nung Lepidopterists (taong mahilig pag-aralan ang mga paru-paro) kaya naman hindi sila dumadaan sa mga madidilim lalo na sa mga ilalim ng tulay. Mas ninanais nilang tumawid sa ibabaw nito kung saan naroon ang liwanag. May option sila kung saan sila tutungo. Pwede silang mamili kung saan sila lilipad. Maaari nilang iwasan ang dilim at tahakin ang liwanag. Bongga diba?
Matapos akong mag-almusal ng mga trivia patungkol sa paru-paro inilipat ko muli ang channel, Fashion TV naman. Namangha ako sa mga modelo na parang mga mannequin at taas noo kung rumampa. Magagara rin ang mga damit. Kakaiba pero nasa uso. Natutuwa ako sa kanila. Hindi ko naman sila gustong gayahin pero masarap lang talaga silang panoorin. Masarap silang gayakan. Mukha silang mga manika.
Naalala ko, nung grade three pa lang ako nahuli ako ng tatay na binibihisan ang laruang manika ni Lara. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa ako kay Barbie nung mga oras na iyon. Isang araw inagaw ni tatay ang mamahaling manika, itinapon niya iyon at parang boomerang na nag-paikot-ikot sa ere. Pinagalitan ako ni Tatay. Hindi pa maunawaan ng musmos kong isip ang mga sinasabi niya sa’kin. Ngunit ramdam ko ang galit. Halos lumatay naman sa puwitan ko ang sinturon na hinahampas niya. Hindi naman mag-kanda-ugaga si nanay habang inaawat ang aking ama. Masisilayan mo sa kanya ang awa habang ako naman ay humahagulgol sa pagiyak. Umiiyak din ang kapatid kong si Lara dahil halos magkandalasug-lasog si Barbie dulot ng pag-bagsak. Simula noon parang latay na tumatak sa utak ko na ang laruang pambabae ay para lang sa babae. At ako ay isang tunay na lalake.
Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita kong galit na galit sa akin ang aking ama. Hindi na naulit pa ang tagpong iyon habang ako’y nagkakaisip at namumulat sa tunay kong nararamdaman. Naging mabuti akong anak sa kanila. Kasi kahit hindi ako open sa tunay kong pagkatao alam kong matatanggap nila ako. At kahit minsan ay may napapansin sila sa aking bahid ng kabaklaan, hindi nila ako masyado inilalagay sa “hotseat”. Nararamdaman ko na hindi mag-aamok si tatay kapag magka-bukingan. At napapangiti rin ako kasi malamang matutuwa si nanay kapag nagtapat na ako sa kanila. Paano ako nakakasigurado? Siyempre mga magulang ko sila. Kilala ko na sila mula ulo hanggang paa. Sa kabila ng aming relihiyon alam kong matatanggap nila ako. Mahal ako ng pamilya ko.
Inilipat kong muli ang channel. Natuwa ako kina Tom & Jerry kaya naman naging permanente ang panunuod ko sa Cartoon Network. Naalala ko ang cellphone ko. Inisip ko kung saan ko nailapag iyon. Malamang may text sa’kin si Russel. Napabangon ako mula sa masarap kong pagkaka-upo sa sofa. Bumalik ako sa aking silid upang kunin ang telepono. Natagpuan ko iyon sa ulunan ng aking kama. Low-battery na. Kasunod kong hinanap ang charger. Nawawala na naman. Palibhasa walang charger si Lara kaya pinaghahatian naming ang charger ng telepono ko. Muli akong lumabas ng kwarto upang hanapin ang nawawalang charger. Sakto namang papasok si nanay sa bahay. Mukhang balisa.
“Nay, nakita niyo po ba ‘yung charger?” pambungad na bati ko sa kanya.
Deadma si nanay. Para akong multo na dinaanan lang niya at hindi pinansin. Naisip ko na baka hindi niya lang ako nakita at narinig kaya naman muli akong nagsalita.
“Nay, yung charger po?”
Tumugon ang nanay ko ngunit kakaiba ang mga binitawan niyang salita.
“Ewan. Pwede ba Luis… Hanapin mo.”
Hindi naman pasigaw. Hindi naman galit. Ngunit malamig. Kakaiba. Kilala ko nanay ko. Masayahin siya sa kabila ng busy niyang lifestyle. Nakakapagtaka. Parang may something. Kung ano ‘yung something? Hindi ko alam. Tikom ang bibig akong pumasok muli sa kwarto. Inisip ko na lang na pagod lang siguro ang nanay kaya ganun. O baka may hindi sila pagkaka-unawaan ni tatay kaninang umaga lalo pa’t lasing na naman siyang umuwi kagabi. Siguro nga.
Inisa-isa kong binuksan ang mga drawer. Sinilip ang silong ng kama. Hinawi ang kurtina at pinagpag ang higaan. Wala parin ang punyetang charger. Halos itaob ko na ang buong silid ngunit wala parin talaga. Muli akong lumabas ng kwarto. Paglabas ko sakto naman ding lumabas si nanay. Mukhang may naiwan lang sa bahay kaya siya bumalik. Bumalik na rin ako sa sofa. Medyo hiningal ako sa ginawa kong “search for the missing charger”. Ang isang bagay nga naman kung kailan kailangan saka mawawala. Doon mo maa-appreciate ang worth ng bagay na iyon. Kinapa ko ang likuran ng sofa upang maabot ang remote control. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may nahawakan akong wire. Ang charger. Lintek! Kanina ko pa pala katabi hindi ko pa napapansin. Nasa tabi ko lang pala hindi ko pa nakikita. Minsan kailangan nating buksan ang mga mata natin dahil ang hinahanap-hanap natin ay nasa tabi-tabi lang. Parang kaligayahan lang ‘yan. Huwag mong hanapin. Dahil nasa tabi mo lang. Naghihintay na mapansin mo.
Isinaksak ko ang plug ng charger sa outlet. Nagsimulang mag-ipon ng enerhiya ang baterya ng telepono ko. Muling nakuryente ang isip ko. Naalala ko si Russel. Si Russel na gwapo. Hindi mo pagsasawaan. Kahit nakasibangot gwapo parin. Si Russel na misteryoso. Ngunit sa kabila ng pagiging malihim at seryoso, mababakas mo sa mukha niya na totoo siya sa lahat ng nakakahalubilo niya. Kaya naman hindi nakakapagtakang naging sila ni Jerome. At hindi rin ako nagulat kung bakit mahal na mahal ni Lance (sumalangit-nawa) si Papa Russel.
“Lance, sana okay lang sa’yo na mahalin ko rin siya…” bulong ko sa sarili ko.
At sana gusto rin niya ako. Ayokong umasa. Ayokong paasahin ang sarili ko. Basta bahala na nga. Kung hanggang saan ang kabaliwang ito. Kung kabaliwan nga bang matatawag ito.
Sinimulan ko ang umaga kahit late na. Ayokong masayang ang natitirang oras ng off ko. Pinatay ko ang telebisyon. Bago tumayo, binuksan ko ang cellphone ko. Walang mensahe. Siguro delay lang ang mga messages. Pumasok ako ng kwarto upang ihanda ang susuotin kong damit. Balak kong pumunta kay Jhen. Makikipag-tsismisan. Wala pa siyang idea sa nagaganap sa amin ni Russel. At wala akong balak mag-kwento.
Makalipas ng ilang minutong paliligo at pagbibihis, nagmadali akong lumabas ng bahay. Baka kasi abutan ako ng malakas na ulan. Sinakop na ng mga nimbus clouds ang buong kalangitan. Wala pa naman akong payong. Binilisan ko ang paglalakd upang makasakay kaagad ng tricycle palabas ng subdivision. Isang humaharurot na itim na kotse ang humarang sa daanan ko. Bumusina ito ng tatlong beses.
“Sakay!” sigaw ni Andrei pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kanyang kotse.
“Ha?!”
“Tanga! Uulan ng malakas, Sumakay ka na!”
Hindi ko alam kung bakit ako napasakay sa sasakyan niya. May kung anong kapangyarihan ang mapandikta niyang boses upang sumunod ako sa utos niya. Sumakay na ako sa loob dahil nagsisimula nang umambon.
“bakit ba pakalat-kalat ka dito, alam mo namang uulan ng malakas…” tanong niya sa’kin habang iniaatras niya ang kotse.
“Natural, lugar ko ‘to kaya normal lang na makita mo akong pakalat-kalat dito… ikaw ang dapat na tinatanong ko kung bakit ka nandito?”
“hindi ba obvious? Papunta ako sa inyo…”
Inis ang naramdaman ko. Walang kilig na tumusok sa puso ko. Ewan ko ba kung bakit ang bigat ng dugo ko sa lalaking ito. Kung tutuusin nga dapat ma-flatter ako kasi may gusto siya sa akin pero kabaligtaran ang nararamdaman ko.
“at bakit? Anung meron?” tugon na katanungan ko sa kanya.
“Hindi natuloy date natin kahapon diba? Ngayon tayo aalis. Whether you like it or not!”
“Ayoko, pupunta ako sa kapatid mo…” diretsong pagtanggi ko.
“Wala kang choice. At isa pa wala si Jhen, may duty siya…”
“Puwes, ibaba mo ako dito at ayoko sumama sa’yo.”
Inihinto niya ang sasakyan. Akala ko madali siyang kausap nung mga oras na iyon. Kasi nung aktong bubuksan ko na sana ang pinto upang makalabas, hinatak niya ako papalapit sa kanya. Para siyang ahas na nilingkis ang aking mga braso at sinakmal ng halik. Sa laki ng katawan ni Andrei biglang nanghina ang patpatin kong katawan. Kasabay nun isang malakas na kulog ang dumagundong sa kalangitaan na nagdulot upang bumuhos ang kanina pang nagpipigil na ulan. Parang sinumpa ng langit ang halik ni Andrei. Puno ng pait at pagpupumilit. Lahat negatibo. Ang dila naman niya ay parang mananakop na nagpupumilit makapasok sa aking bibig. Ngunit sadyang sarado ito sa mga sa mga dilang hindi naman pinaunlakan. Naalala ko si Russel. Isang malakas na puwersa ang nahugot ko mula sa aking puso upang maitulak si Andrei mula sa malilibog niyang hangarin. Iyon ang panahon upang talikuran ang nagbabadyang pag-uudyok.
“PUTANG INA NAMAN EH!” sigaw ko sa kanya matapos siyang tumalsik sa kabilang parte ng sasakyan.
“Pwede ba Luis, wag ka na magpakipot alam ko namang gusto mo rin ‘to”
“Fuck you! Kahit kailan hindi kita magugustuhan!”
“Sino gusto mo? Si Russel? Balita ko nag-EK kayo kahapon ah? At sa inyo siya natulog diba?”
Isang tanong kaagad ang umalingawngaw sa utak ko. Kanino niya nalaman ‘yun? Sino nagsabi sa kanya ng detalye? Wala akong panahon upang masagot ito ng ilang segundo lang kaya naman iniba ko na lang ang usapan.
“Gago ka! Wala kang pakia-alam…”
“Malaki ba titi niya? Sino mas malaki ang burat sa aming dalawa?” sabay inilabas ni Andrei ang naghuhumindig niyang alaga.
“Ang baboy mo talaga noh!?”
“Sino kaya mas baboy sa’tin? Bakla ka, wag kang magmalinis , nagbaboy ka rin kagabi puta ka!”
“Eh tangina mo pala eh! Mahal ko si Russel, hindi lang basta libog yun,”
“Mahal? Pwe! Tingnan ko lang kung hanggang saan ang mararating ng pagmamahal na ‘yan…hindi lang ako ang kontrabida dito Luis, tumingin ka sa paligid.”
“Ulul! Wala akong ibang nakikita kundi ikaw lang!”
“Tumingin ka sa salamin para makita mo ang sarili mo…tandaan mo ‘to, baka hindi mo magustuhan ang mga gagawin ko…”
Fuck you sign, iyan ang natanggap niya sa akin. Binuksan ko ang sasakyan. Pumasok ang malakas na hanging dulot ng ulan. Nagtatakbo ako sa daan. Para kasing horror na may pagka-suspense-thriller ang mga pagbabanta ni Andrei. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga banat na ganun. Hindi ko rin lubos na maunawaan kung bakit ganun na lang din ang pagnanais niya para makuha ako. Baliw siya. At nababaliw na rin ako kakatakbo dahil para na akong nakipamiyesta sa San Juan. Basang-basa na ako.
Nasa gitna ako ng kawalan. Buti na lang nakahanap ako ng masisilungan kaya kahit papaano hindi na ako nababasa. Pinagmasdan ko ang mga butil ng ulan na patuloy na bumabagsak mula sa itaas. Muling sumabog ang langit. Kumulog. Kasabay nun ay gumulong ang kidlat na gumuhit sa buong kalangitan. Tuwing ganito ang eksena may naalala ako. Naaalala ko si Lance.
Simula nang makasalubong ko si Russel na papunta sa dorm ni Lance bago siya lumipad papuntang Dubai, tinanggap ko na sa sarili ko na si Russel ang mas pipiliin niya. Sino ba naman ako diba? Wala ako sa kalingkingan niya. At alam ko simula’t –simula pa lang ay si Russel na ang pinaka-mamahal niya. Ayokong isipin na naging panakip-butas lang ako noon. Pero parang ganun ang nangyari. Rebound guy ang dating ko. Pero alam ko naman at ginusto ko ang sitwasyon. Dahil naniniwala ako na balang araw mamahalin din ako ni ni Lance tulad ng nasira nilang pag-ibig ni Russel.
Ilang buwan din akong nagmukmok. Ilang buwan akong naawa sa sarili ko. Ilang buwang naging manhid sa mga taong nagnanais akong mahalin. Ang hirap maka-recover. Sobrang hirap. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na kailangan ko na palang patawarin ang sarili ko. Galit pala ako sa kanya at para makapagsimula ako ulit kailangan kong tanggapin na ang nangyari ay para sa ikabubuti ng lahat. Dahil kung para sa iyo ang isang bagay, para sa’yo. Minsan talaga hindi lahat ng nangyayari ay naaayon sa kagustuhan natin. Kailangan nating isipin ang iba.
Nung araw din na iyon napag-pasyahan kong dalawin si Lance. Madilim ang ambiance ng paligid. Nagbabanta rin ng malaks na pag-ulan. Hindi naging balakid sa akin iyon upang bisitahin ang isang napaka-halagang tao sa buhay ko.
Ilang minuto rin ang biniyahe ko papunta sa kanila. Excited ako nung mga oras na iyon. Alam ko matutuwa siya kapag nakita niya ako. Nang huminto ang sinasakyan kong jeep sa terminal, nagmamadali akong naglakad patungo sa baranggay kung saan naroroon ang dorm ni Lance. Sobrang dami ng tao.
Naaliw ako sa mga taong nakikiusyoso sa gitna ng daan. Tao nga naman, likas na tsismoso. Nakakaintriga na talaga kung ano ang kaganapan dun. Parang may naaksidente yata. Parang may nasagasaan. Bigla akong kinilabutan. Napakabilis bawiin ng Ama ang buhay. Sa sandaling ikumpas Niya lang ang kamay Niya, kahit hindi ka pa handa mawawala ka sa mundo. Kapag tapos na ang nakatakdang layunin mo, wala ng extension pa.
Nakasalubong ko ang mga babaeng nagtatakbuhan papalabas ng dorm. Nakakakilabot ang bawat hangos nila. May umiiyak. Meron din namang parang tuliro. Yung isa may isinisigaw. Malabo yung mga salita kaya hindi ko masyadong maintindihan. Ngunit habang papalapit na sila sa akin luminaw din ang mga salitang nais niyang pakawalan.
“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”
Napahinto ako sa aking paglalakad papasok ng dorm. Tama ba ang narinig ko?
Muling inulit ng babae ang isinisigaw niya:
“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”
Bumilis ang pintig ng aking puso. Sa sobrang lakas ng tibok nito halos nabingi na ang tainga ko sa paligid. Hindi ko alam kung anong puwersa ang humatak sa katawan ko upang magtungo sa kumpulan ng mga tao sa daan. Kinukutuban ako ng masama. Nakikipagsabayan ang kulog sa pabilis na pabilis na pump ng aking puso.
Sinilip ko kung ano ang mayroon. May isang lalaking nakabulagta at duguan. Hindi ko makita. Masyadong marami ang tao. Halos hindi na nga mahulugan ng karayom ang daan sa sobrang dami ng usisero. Hindi ako nagpapigil. Kailangan ko siyang makita. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. Buti na lang nagpaubaya silang magparaan upang makapunta ako sa harapan.
At hindi ko inaasahan ang aking nakita. Nangatal ako. Nanginig ang buong katawan ko. Nanlamig ang pisngi ko.
Tumingin ako sa mga taong nakapaligid. Halos walang reaksyon ang mga mukha nila.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoo ba ‘to? Bakit may mga dugo?
Muling kumulog ng malakas. Biglang pumatak ang luha mula sa aking kaliwang mata. Dahan-dahan akong lumuhod at pinakiramdaman ko ang lalaking nakahandusay sa semento. Kilala ko siya. Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito?
Niyakap ko siya ng mahigpit. Halos ipininta na ang kanyang dugo sa buong katawan ko dahil sa higpit ng pagkakahagkan ko sa kanya. Hindi pupwede ‘to! Hindi ‘to totoo! Hindi nangyayari ‘to!
”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”
Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa paligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko. “Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.
Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”
Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.
“Nandito na ako Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.
”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”
At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya akong iniwan.
Saksi ako nang bawiin ng buhay si Lance. Sabi sa report, isang kulay itim na Honda Civic ang walang awang bumangga sa kanya. Para daw hindi aksidente. Mukhang sinadya. Nakaladkad si Lance ng ilang metro na naging dahilan upang bawian siya ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang salarin. Hindi man lang na-trace ng pulisya kung sino ang nag-mamamay-ari ng sasakyan. Wala rin naman kasi nakapag-lista ng plate number nito. Ayon sa mga nakakita, humarurot daw ito sa daan patungong Dasmariñas. Kung sino man yung hayop nay un, patawarin ako, pero sana ma-karma siya sa ginawa niya.
Pumatak ang luha ko sa aking mga mata. Tumila na rin ang kaninang mala-bagyong panahon. Sana tahimik na si Lance ngayon kung saan man siya narororoon. Ilang taon na ang nakaraan. Naghilom na ang mga sugat. Ngunit alam kong sa puso ni Russel siya parin ang bida. Napasisp tuloy akong bigla sa sinabi ni Andrei kanina:
“…hindi lang ako ang kontrabida dito Luis, tumingin ka sa paligid. Tumingin ka sa salamin para makita mo ang sarili mo…”
Ako ba ang kontrabida? Natawa akong bigla. Parang teleserye lang. Sabi nila sa mundo natin walang inosente. Lahat ay suspect.
ITUTULOY
(Guys, comments and suggestion will be appreciated... just hit POST A COMMENT)